Hindi maiiwasang maging protective ang parents kaya madalas nabibigyan ng mahigpit na curfew ang anak. Alamin sa artikulong ito kung ano-ano nga ba ang maaaring maging epekto ng curfew sa kanila.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng curfew sa inyong mga anak
- Ano ang job card grounding at bakit mainam itong ipatupad sa loob ng tahanan?
Epekto ng curfew sa inyong mga anak
Larawan kuha mula sa Pexels
Sa mga parents, gusto nila ay siguraduhing safe at secured ang kanilang mga anak. Hindi maiiwasan na mag-worry all the time ang mga magulang lalo kung nasa labas ang kanilang mga tsikiting, lalo na kapag teenager na.
Kaya nga dahil dito ay madalas na binibigyan ng parusa o kaya naman mahigpit na rules ang mga ito upang masigurong malalayo sa kapahamakan ang kanilang mga anak.
Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng pagtatalo sa anak kung sakaling lumalabag sa mga patakarang ibinigay. Sa mga ganitong pagkakataon, madalas na binibigay na paghihigpit ay ang pagkakaroon ng ‘curfew’.
Ano ang curfew at posibleng epekto ng pagdidisiplinang ito? Ito ay tumutukoy sa partikular na oras (madalas oras sa gabi) na kinakailangang nasa bahay na ang isang tao. Ito ay paglilimita sa mga panahong nasa labas kaya may itinatakdang eksaktong oras na dapat ay nasa loob na ng bahay.
Maraming beses na mangyayaring hindi nila matutupad ito lalo kung nasasabik sila parati na makasama ang mga kaibigan o kaklase nila sa pamamasyal. Syempre, mahalaga na mabigyan ng tamang response ang ganitong pagkakataon na lumalabag sila sa itinakdang usapan.
Importante kasing malaman nila na sila ay minor pa lamang kaya kinakailangan ng iba’t ibang boundaries upang magabayan sila sa mga desisyon bilang hindi pa tuluyang mature ang kanilang isipan.
Para sa mga parents, ang kanilang reaksyon sa pagsuway sa rules ng kanilang mga anak, ay dapat maramdaman pa rin nila ang love and care bilang magulang. Iwasang mag-respond na paparusahan agad sila dahil sa maling ginawa nila. Tandaan na minsan din kayong naging kabataan at nagawa ang mga bagay na ito.
Normal na nagkakamali lalo sa kanila na nasa murang edad pa lamang.
Larawan kuha mula sa Pexels
Ang pagbibigay kasi ng parusa tulad ng mahigpit na curfew o kaya grounding ay maaaring magresulta sa:
- Pagkakaroon ng opposite na koneksyon sa isa’t isa hanggang sa tuluyang nang magkalayo ang bonding ninyo.
- Maaaring parehong masaktan ang damdamin ng parehong magulang at anak dahil maaaring magtanim ng tampuhan at sama ng loob.
- Magbubunga ito ng pangmatagalang damage sa relasyon ninyong dalawa na sa maraming pagkakataon ay nadadala kahit hanggang sa pagtanda.
- Gagawa ng maraming paraan ang bata upang makatakas sa inyong rules kabilang na ang pagsisinungaling nang malala, pagtakas sa bahay, paglalayas, at marami pang iba.
- Nadi-disempower ng ganitong rules ang isang bata dahil pakiramdam nila hindi mahalaga ang desisyon, emosyon at nararamdaman nila sa pamilya.
BASAHIN:
11-anyos na lumabag sa curfew, ito na ang pinagdaraanan ngayon
WARNING: Ito ang epekto kapag tinatakot ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina
5 important things to ask before disciplining your children
Ano ang job card grounding at bakit mainam itong ipatupad sa loob ng tahanan?
Larawan kuha mula sa Pexels
Ayon kay Dr. Blake Lancaster mula University of Michigan, isa sa puwedeng ipataw na disiplina sa anak ay ang ‘job card grounding’.
Ibig sabihin, sa tuwing lalampas sa curfew ang anak ay pwede silang bigyan ng trabaho o task na kailangan nilang matapos. Aniya, mas maganda ito kaysa pagbawalan sila sa kahit anong bagay tulad ng ginagawa sa grounding.
“The next time your teen acts out, try giving them a job to do. A clear task helps establish fair punishment and accountability for a young person’s actions.”
Ito ay isang sistema kung saan maaaring response sa paglabag ng anak sa rules na iyong itinakda. Ito ay pagbibigay sa kanila ng task o gawain na kinakailangan tapusin bago sila ulit magkaroon ng normal na social activities.
Maaaring ipagawa sa kanila ang paglilinis ng refrigerator, pagwawalis sa buong bahay, pagtutupi ng mga damit, paghuhugas ng pinggan, pagtutulong sa paglalaba. Kasama rin ang pagpapalit ng mga kurtina at iba pang gawain bahay na kinakailangan ay may specific na dapat gawin.
Maaaring simulan ito sa pakikipag-usap sa kanya na magiging ganito na ang magiging kalakaran ninyo sa loob ng bahay.
Ang ganitong sistema ay makapagbibigay ng magandang epekto hindi lang sa gawaing bahay kundi sa relasyon mismo sa loob ng tahanan.
May pagkakataon pa ring hindi sila magiging masaya dito. Ngunit kinakailangang ipakita pa rin sa kanila na may boundaries na dapat sinusunod sa loob ng tahanan lalo kung ikaw ang magulang.
Importanteng tandaan lang na dapat ay parating kalmado sa ganitong pagkakataon at iwasang makipagtalo o sigawan sa kanila. Maaari mong ipatupad ang ‘job card grounding’ nang hindi nagpapakita ng kahit ano mang negative emotions gaya ng galit at inis.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!