Mahirap paniwalaan na ang sanggol na buhat dati ay isa nang 5 taon 9 buwang gulang ngayon. Puno na ng pagkatao, at mahirap nang sabayan ang mabilis na development.
Kaya namin inihanda ang gabay na ito upang malaman ang development milestones ng iyong 5 taon 9 buwang gulang. Alalahanin na walang mga bata ang pareho. Dahil dito, ang iyong anak ay nade-develop sa sariling bilis, umaabot ng milestones nang mas-maaga o mas-late sa mga ka-edad.
Ang importante ay maalagaan ang kanyang paglaki at development nang lumaki siyang masigla!
Development ng 5 Taon 9 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Sa edad na ito, kaya na ng anak mo na mag-bike mag-isa.
Pisikal na development
Napaka-halaga ng pisikal na aktibidad para sa iyong 5 taon 9 buwang gulang. Pinapanatili siya nitong malusog, at itinatanim sa kanya ang halaga ng pisikal na aktibidad at pag-eehersisyo na dadalhin hanggang pagtanda.
Kaya niya na dapat gumawa ng maraming bagay nang mag-isa. Magjump rope, bumaba ng hagdan nang walang hirap, lumaktaw, at maglaro ng ilang sports. Tandaan na kailangan parin niya ng nasa 8-10 na oras ng tulog sa gabi para sa sapat na pahinga.
Ito ang ilan sa magagawa niya sa edad na ito:
- Nakaka-ilang talon sa jump rope
- Hindi gaanong nahihirapan sa pagbato at pagsalo ng bola
- Sumasali sa mga pang-grupong sports, naiintindihan ang mga tuntunin
- Sumakay ng bike nang walang training wheels
- Magbuhol at ribbon, pati mag-sintas ng sapatos
Mga tip:
- Hikayatin siyang pumili ng sport, at maglaro kasama siya upang mapalakas ang pisikal na abilidad. Maganda rin itong bonding.
- Hikayatin siyang magsulat at gumuhit, magandang paraan ito upang ayusin ang kanyang fine motor skills.
- Ayos lang kung hindi siya mapakali. Ang mga bata sa edad na ito ay puno ng lakas. Siguraduhing nabibigyan siya ng sapat na oras para mag-laro sa labas nang magamit ang lakas na ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Nahihirapang matulog, magpahinga o sobrang aktibo na hindi na maka-tigil
- Hindi makahawak ng maliliit na bagay o ng lapis para mag-sulat
- Hindi maganda ang koordinasyon ng katawan
Kognitibong development
Ang kanyang kapasidad na matuto ay lalaki sa edad na ito, ay siya ay patuloy na gagalugarin ang mundo para sa bagong matututunan.
Sa edad na ito, kayang kaya na niyang makipag-usap sa iba, o sa mga ka-edad. Kaya na niyang magbilang hanggang 50 at madaling naiintindihan ang sinasabi mo. Kaya narin niyang magsabi at tumawa sa mga biro, at pati bugtong.
Ito ang ilang senyales ng kognitibong development na maaasahan:
- Remembers and talks about incidents from the immediate past very well
- Kaya ang simpleng pagdagdag: 1+1 o pati 1+2
- Naiintindihan ang konsepto ng oras tulad ng nangyari, nangyayari at mangyayari
- Nakikipag-debate at negosasyon upang makuha ang gusto
- Kayang magbilang pababa mula 10
- Madaling nakaka-intindi ng 3 hakbang na utos
Mga Tips:
- Ikuha siya ng STEAM (Science, Tech, Engineering, Arts, Maths) na mga laruan upang lalong mapaganda ang kognitibong development. Kasama dito ang mga pala-isipan, blocks at sining na aktibidad.
- Alagaan ang kanyang pagmamahal sa libro at pagbabasa, lalo na at sabik siyang matuto sa 5 taon 9 buwang gulang.
- Magsama ng mga matututunan sa mga araw-araw na gawain. Halimbawa sa pamimili sa grocery, ipabilang sakanya ang dami ng binili. Maaari siyang ipabasa ng mga signs at labels.
- Itaguyod ang criticak thinking sa pamamagitan ng pagtatanong ng open-ended na tanong. Maaaring gawin ito matapos mag-basa ng libro, sagutin ang mga tanong niya ng isa ring tanong.
- Dahilhin siya sa silid aklatan at turuang maghanap ng libro na gusto niya.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi nagpapakita ng kagustuhang matuto
- Nahihirapang magbilang hanggang 20
- Hindi nakakabasa ng simpleng pangungusap o nahihirapan
Masmadali na sakanyang makipag-usap sa ibang bata at bumuo ng pagkakaibigan.
Social at emosyonal na development
Pagdating ng 5 taon 9 buwang gulang, mabilis na siyang nagkakagawa ng kaibigan at madaling nakikipag-usap sa iba, pati sa hindi kiala. Wala na siyang prublemang magpahiram ng laruan, pati na sa taking turns habang naglalaro.
Ano pang maaasahan sa social at emosyonal na development?
- Bihira na o hindi na nagta-tantrums
- Sinasabi niya ang nararamdaman niya
- Hinahanap ang validation at pagsang-ayon mo
- Mahiyain minsan, lalo na kapag pinapakanta sa harap ng bisita
- Minsang gugustuhing maglaro mag-isa o mapag-isa
Mga tip:
- Hikayatin siyang sumali sa pang-grupo na sports at i-develop ang abilidad na makisama sa iba.
- Kung nalulungkot, nagagalit, o nabibigo, kilalanin ang kanyang nararamdaman. Huwag itong baliwalain kahit pa mababaw ang dahilan.
- Turuan siya ng tamang asal at pagbibigay ng respeto sa lahat.
- Turuan siyang lumapit at makipaglaro sa ibang bata, ngunit huwag pilitin lalo na kung nais munang mapag-isa.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi nakikisama sa ibang bata
- Madalas parin ang tantrums, at hindi kayang kontrolin ang emosyon
- Madalas gusto mapag-isa, o sadyang umiiwas sa pakikipag-usap sa ibang tao
Pagsasalita at wika na development
Kaya niya nang magbasa at magsulat sa edad na ito, at laging handang lawakan ang bokabularyo at kaalaman.
Sa 5 taon 8 buwang gulang, kaya niya nang magsalita nang maayos. Minsan, sisingit pa siya sa usapan ng matatanda!
Kaya niya nang matuto at makaalala ng nasa 5-10 salita araw-araw, kaya magandang panahon ito upang palawakin ang kanyang bokabularyo.
Ito ang ilang developments na maaasahan:
- Tamang gumagamit ng mga panghalip tulad ng ‘Ako,’ ‘Siya,’ ‘Tayo,’ ‘Sila’
- Nagtatanong para matuto
- Nagbabanta o nangangako
- Naguulit ng mga simpleng istorya
- Nakakakilala ng mga uppercase at lowercase na letra
- Alam kung paano magbasa ng isang pahina ng libro
- Sumusubok magbaybay ng mga salita habang nagsusulat
Mga tip:
- Maging magalang at maingat sa pagsasalita dahil marami siyang natututunan sa kung paano ka mag-salita.
- Ang pagbabasa ay nakakapagpatibay ng kanyang bokabularyo at abilidad sa wika.
- Turuan siya ng mga bagong salita araw- araw. Hikayatin siyang gamitin ang mga ito sa pagsasalita upang lumawak ang bokabularyo.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung siya ay nauutal, o nahihirapan magsalita
- Nahihirapan siyang umintindi ng mga bagong salita
- Hindi siya makabuo ng simpleng pangugnusap
Kalusugan at nutrisyon
Ang mga bata sa edad na ito ay napaka-aktibo, kaya magandang mabigyan siya ng lakas mula sa malusog at masustansyang pagkain.
Dahil siya ay 5 taon 9 buwang gulang na, mababawasan ang pagiging pihikan a pagkain. Magandang bigyan siya ng iba’t ibang pagkain upang mapalawak ang panlasa.
Ang ibigay sakanya at mga malusog at masustansyang pagkain upang mapatibay ang development ng katawan at isip.
Siya dapat ay nakakakuha ng nasa 1,200 hanggang 2,000 na calories sa isang araw, at umiinom ng sapat na tubig para sa hydration. Ito ang kailangang nutrisyon ng iyong anak sa edad na 5 taon 9 buwang gulang.
|
Daily Nutrient/ Ingredient |
Inirekumendang laki ng bahagi |
Ano ang ipapakain |
Protein |
0.5 cup |
2-3 maliliit na tipak ng karne o 1 itlog |
Grains |
3/4th cup |
1 tasa ng kanin, o 1 hiwa ng whole wheat bread |
Dairy |
2.5 cups |
2 maliit na tasa ng gatas kada-araw, kasama ang ibang produkto ng gatas |
Siguraduhin din na nakaka-inom siya ng sapat na dami ng tubig araw-araw.
Mga tip:
- Patuloy na alagaan ang kanyang ngipin. Dalhin siya sa dentista kung hindi pa nakakapunta.
- Pakainin siya ng iba’t ibang klase ng prutas, gulay, grains at karne para sa balanseng sustansya. Siya dapat ay kumakain nito araw-araw.
- Iwasana ang pagbibigay ng matatamis na inumin tulad ng soft-drinks, at painumin siya ng fresj fruit juice (may pulp).
- Mahalaga rin ang masustansiyang meryenda tulad ng masustansyang pagkain, siguraduhin na kumakain siya ng mani, mga prutas, o carrot at celery.
Mga bakuna at karaniwang sakit
Karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Ito ang mga bakunang mayroon na dapat siya:
- BCG vaccine
- HepB vaccine (3 doses)
- DtaP vaccine (3 doses)
- Poliovirus (3 doses)
- PCV (2 doses)
Magandang sumunod sa rekumendasyon ng duktorsa mga bakunang kailangan ng iyong anak.
Pagdating sa sakit, ang trangkaso at sipon ay karaniwan sa edad na ito. Sa iba ay sakit sa tiyan ang mararanasan, ngunit bihira ito, lalo na at tumitibay na ang kanyang immune system sa 5 taon 9 buwang gulang.
Previous month: 5 years 8 months
Next month: 5 years 10 months
Sources: Healthy Families, Raising Children