Vaginal discharge ng buntis: Normal ba ito?

lead image

Ang discharge ng buntis ay iba-iba sa kapal, kulay, amoy, dalas ng discharge, at kahit sa dami na nailalabas kung kaya ito ang dapat mong malaman.

Ang pagbubuntis ay isang maselang bahagi ng buhay ng isang babae, kung kaya’t importanteng malaman ang mga senyales ng pagbubuntis at ano nga ba ang dapat gawin kapag buntis. Gayun pa man, hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas at hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas ng signs na ipinapakita tuwing buntis—isa ngang pagbabago ay sa vaginal discharge ng buntis.

Ang vaginal discharge ng buntis ay iba-iba sa kapal, sa kulay, sa amoy, sa dalas ng discharge, at kahit sa dami ng discharge na nailalabas.

Dapat mong malaman sa discharge ng buntis

Ang isa di-umano sa senyales ng pagbubuntis ay ang pagdami ng vaginal discharge ng buntis at ito nga ay tumatagal sa kabuuan ng pagbubuntis ng mga kababaihan.

Ang normal nga raw na discharge ng buntis ay kilala sa tawag na leukorrhea.

Ang leukorrhea ay malabnaw, milky white, at may kaunting amoy. Kahit isa o dalawang linggo pa lamang matapos mabuo ang bata sa loob ay magkakaroon na ng pagbabago sa discharge ng buntis. Tumatagal nga sa kabuuan ng pagbubuntis ang nasabing vaginal discharge at mas dumarami pa ito lalo sa huling trimester. Maaari namang maglagay ng panty liner na walang amoy (unscented).

Ang discharge ng buntis sa huling linggo ng pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng makapal na mucus at kaunting dugo na tinatawag na "bloody show" pero hindi naman kailangang mabahala dito sapagkat normal lang ito na senyales ng labor.

Sanhi ng pagbabago sa discharge ng buntis

Nagkakaroon ng pagbabago sa discharge ng buntis dahil nagbabago rin ang hormones ng babae lalo na kapag nagbubuntis ito. Isa na nga ring pagbabago sa pagbubuntis ay ang cervix, dahil kapag ito ay medyo lumambot ang katawan nga raw ng nagbubuntis ay naglalabas ng labis na discharge upang maiwasan ang impeksiyon.

Kailan kailangan kumonsulta sa doktor?

Kailangan kumonsulta sa iyong doktor kapag napansin mong may abnormal sa iyong discharge. Ang mga ilang sintomas ay:

  • dilaw, berde, o gray na kulay ng discharge
  • masangsang o fishy odor
  • may pamumula o pangangati, maaari ring magkaroon ng pamamaga

Maaaring magkaroon ng isang yeast impeksiyon habang nagbubuntis, para maaagapan ito ang maaaring gawin ay:

  • magsuot ng  mga maluluwag na damit
  • magsuot ng cotton na underwear
  • siguraduhing tuyo ang iyong vagina matapos maligo, lumangoy, o kahit na matapos mag-ehersisyo
  • kumain din ng yoghurt o kahit anong fermented na pagkain sa iyong diet

Ang abnormal na discharge ng buntis ay maaari ring dulot ng sexually transmitted disease o STD. Kumonsulta agad sa iyong doktor upang mapa-test kung may STD o wala. Kung positive sa STD, siguraduhin sabihin ito sa iyong doktor upang maagapan at hindi maipasa sa iyong sanggol.

Maaari ring komplikasyon pala sa pagbubuntis ang iyong abnormal na discharge kung kaya't sabihin agad sa iyong doktor lalo na kapag may nakita kang pula na discharge dahil maaari itong placenta previa o placental abruption na pala kung tawagin. Nakakamatay ang parehong komplikasyon na ito sa buntis at sa baby.

Source: Healthline

Basahin: Bakit importante na puting panty lang ang isuot ng mga buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!