Enfamama vs Anmum for pregnancy, ano ang mas preferred niyo moms?
Sa pagpasok ng bawat nanay sa kanilang pregnancy journey, marami na ang kanilang dapat tandaan. Nandiyan ang monthly schedule sa doktor, pagkakaroon ng healthy at balanced diet na pang buntis, pati na rin ang pag-inom ng iba’t ibang supplements na makakatulong sa magandang pagbubuntis.
Isa pang pregnancy needs bukod sa prutas at iba’t ibang gulay ay ang maternal milk. Dalawa sa leading pregnancy milk ay ang Anmum vs Enfamama. Kayo moms, anong choice niyo?
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms? | Image from iStock
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms?
Nagsagawa ng survey ang theAsianparent Philippines sa aming community kung ano ang mas gusto nilang iniinom na gatas kapag sila ay buntis. , ang ating choices.
“Enfamama is highly recommended."
“Anmum. Wala siya masyadong latak."
“Enfamama as per advice of my OB."
“Anmum Materna Plain for the win! Sobrang pasok sa panlasa ko po."
Sa 164 comments sa katanungang Enfamama vs Anmum, 119 moms ang nagsabing mas pinipili nila ang Anmum. Ngunit madami rin namang pinili ang Enfamama bilang kanilang maternal milk. Habang ang ilan ay parehong iniinom.
Enfamama vs Anmum
Para maging malinaw sa lahat, ating isa-isahin ang benefits at nutrition facts ng parehong brand.
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms? | Image from Enfamama
Enfamama
Ang Enfamama A+ ay mayroong brainergy complex. Ito’y pinaghalong DHA at ibang mahalagang nutrients na nakakatulong para sa healthy pregnancy at lactation ng buntis. Malaki rin ang ambag nito sa magandang development ng utak ni baby habang lumalaki.
Sa pag-inom ng Enfamama A+, 100 mg ang napupunta sa iyong lebel ng DHA, sapat na nutrisyon para sa isang araw. Narito pa ang ibang special ingredients na mayroon ang Enfamama A+.
Ingredients
- Folic acid – Nakakatulong ang mataas na lebel ng folic acid para mapigilan ang pag-develop ng fetal neural tube defect.
- Choline – Sinusuportahan nito ang development ng cognitive function.
- Iodine – Kailangan ng katawan ang Iodine upang mapanatili ang normal na thyroid hormones.
- Iron – Nakatutulong ang iron sa magandang formulation ng red blood cells ng mga buntis.
- Zinc – Ang zinc naman ay para sa central nervous system.
Maaaring mabili sa dalawang flavor ang Enfamama A+: chocolate o vanilla. Nagkakahalaga ito ng 371 pesos sa 350g.
Ang recommended serving size nito ay 250 ml, (50g powder at 200mL na maligamgam na tubig). Maaaring uminom ng 2 baso ng gatas sa isang araw.
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms? | Image from Anmum
Anmum
Ang Anmum Materna ay nakakatulong para mapunan ng 100% ang pangangailangan ng bawat buntis na ina. Bukod dito, ang pag-inom ng Anmum materna ay nakakapagpataas ng tiyansa na maging normal ang panganganak habang napapababa naman ang maaaring maging komplikasyon ng bata paglabas.
Sa pag-inom ng Anmum Materna, makakatulong din ito sa magandang produksyon ng iyong gatas kapag lumabas na si baby. Narito pa ang ibang special ingredients na mayroon ang Anmum Materna.
Ingredients:
- GA® & DHA – Malaki ang ginagampanang trabaho ng dalawang ingredient na ito. Ang GA® ay sa brain cell connection habang ang DHA ay sa magandang development ng mental at visual.
- Folate – Nakakatulong ang folate sa paglaki at division ng cells ni mommy at baby. Napipigilan din nito ang pag-develop ng fetal neural tube defect.
- Calcium – Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na buto sa paglaki ni baby. Kaya naman makakatulong ang calcium para mapunan ang daily requirement needs para sa matibay na buto at ngipin ni baby.
- Iron – Nakatutulong ang iron sa magandang formulation ng red blood cells ng mga buntis.
- Probio DR10™ & Inulin – Isang uri ito ng live bacteria. Ang Inulin ay prebiotic habang ang DR10 ay Bifidobacterium lactis. Makakatulong ito sa pagbuo ng matibay at healthy digestion.
Mabibili sa leading supermarkets at local drugstores ang Anmum Materna. Marami ka ring pagpipilian na flavor at presyo. Maaaring uminom nito dalawang baso sa isang araw.
- P199 180g – Anmum (Plain and Choco)
- P389 375g – Anmum (Plain and Choco)
- P789 800g – Anmum (Plain and Choco)
- P389 375g – Anmum (Mocha Latte)
- P39 125ml – Anmum Concentrate Vanilla