Buntis na mayroong coronavirus, nag-deliver ng isang healthy baby

Mayroon bang partikular na epekto ang coronavirus sa isang buntis? Dapat bang ikabahala? Mga preggy moms, mahalagang malaman ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coronavirus positive, nanganak ng healthy baby?

Taong kasalukuyan nang bigla na lamang gumimbal sa mundo ang isang nakamamatay na virus galing China. Mabilis itong kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ilang mga tao na rin ang nahawaan nito at binawian ng buhay. Sa ngayon, patuloy pa ring naghahanap ng lunas o antidote para sa virus na ito. Ngunit ang tanong ng mga preggy mommies, mayroon bang partikular na epekto ang coronavirus sa isang buntis? At dapat ba itong ikabahala?

mage from Arteida Mjeshtri on Unsplash

Noong Jan 30, isang buntis na positive sa novel coronavirus ang matagumpay na nagsilang ng isang malusog na baby sa Harbin, Northeast China sa probinsya ng Heilongjiang.

Ayon sa Harbin Municipal Health Commission, upang hindi maging malala ang kalagayan ng ina ay napagkasunduan nila itong i-cesarean section. Ang isinilang nitong sanggol ay may bigat 3.05 kg. Dahil na rin sa kritikal na sitwasyon nila, at pangambang mayroon ding virus ang bata, dalawang beses na idinaan sa tests at observation ang baby, negatibo naman ang naging resulta nito. Ibig sabihin, safe ang baby sa coronavirus at hindi ito nahawaan ng kanyang ina.

Pagkatapos ng ilang araw ng quarantine ng nanay at baby, parehong nasa magandang kalagayan naman na ang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang lahat naman ng mga workers na nag-asikaso sa kanila ay isinailalim din sa isolation observation. Ito ay para makaligtas kung sakali mang magpositibo rin sila sa coronavirus.

Image from Xinhua News Agency

Mga sintomas ng coronavirus

Naipapasa o nahahawa lang ang coronavirus kapag ang isang infected nito ay aksidenteng mabahingan o maubuhan ang taong hindi positive. Maaari rin itong makuha sa direct contact katulad ng paghawak sa kamay, paghawak ng hindi malinis at contaminated na kamay sa mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga may kaso ng coronavirus ay kadalasang may ganitong mga sintomas:

  • Lagnat
  • Ubo
  • Hirap sa paghinga
  • Sakit ng ulo
  • Runny nose
  • Masaman pakiramdam
  • Sore throat

Basahin ang buong impormasyon dito: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan

Napag-alamang ang mga buntis na babae ay may mababa at mahinang resistensya. Dahil dito, maaari sila agad na mahawaan. Pero bukod dito, upang makaiwas sa virus, ugaliin lamang na laging maghugas ng kamay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ng isang doktor, iwasan ng mga buntis ang matataong lugar. Mas maganda kung naka-mask ito.

“There aren’t any respiratory viruses that we know of that cross the fetus,” -Dr. Fernando 

Image from Sharon-Mccutcheon on Unsplash

Ayon sa mga eksperto, mababa ang tyansa sa mga buntis na magkaroon ng coronavirus ang anak. Ngunit ‘wag pa rin kakalimutan ang sakit na ito. Maging aware lagi at ugaliin ang proper hygiene.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pregnant women in the U.S. should not worry about this virus — it poses a low threat to the U.S. currently,” Dr. Adalja

 

Source: The Straits Times , Philippine Star

BASAHIN: Paano mo mapoprotektahan si baby sa novel coronavirus?ALAMIN: Listahan ng mga bansa na may confirmed cases ng coronavirus Coronavirus: Kumpirmadong maaaring mahawa sa taong may sakit na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano