Gamot sa acidic na sikmura, ano nga ba?
Mahapdi at nangangasim ba ang iyong sikmura at paminsan-minsa’y nasusuka? Mayroong mga gamot sa sakit ng sikmura na mabibili sa mga botika. Mayroon din namang mga hakbang na maaaring gawin para maiwasan ang sakit sa sikmura. Alamin dito!
Hyperacidity o acid reflux
Ang acid reflux o hyperacidity ay nangyayari kapag ang acid mula sa tiyan ay umakyat sa esophagus. Ang esophagus ay ang tubong nagdadala ng pagkain at inumin mula sa ating bibig pababa sa ating tiyan.
Ito ay normal at hindi delikado. Ngunit kung ito ay nangyayari nang madalas ay maari nitong masunog ang loob ng esophagus.
Kung ito naman ay nararanasan nang dalawang beses sa isang linggo, ito ay nauuwi na sa GERD o gastroesophageal reflux disease. Ang pinaka-common na sintomas ng acid reflux ay ang heartburn. Ito ay ang masakit o burning feeling sa dibdib o lalamunan.
Maliban dito ang iba pang sintomas ng acid reflux ay ang acidic taste sa bibig at hirap sa paglunok na sinasabayan rin ng pananakit ng sikmura. Ang iba pang sintomas na maaaring maranasan ay ubo, asthma, tooth erosion at inflammation ng sinus.
Ang kilalang gamot laban sa hyperacidity ay ang over-the-counter drug na omeprazole. Ngunit maliban sa pag-inom ng gamot, natuklasan ng siyensa na mas epektibo ang lifestyle change para tuluyan nang gumaling mula rito.
Kaya naman para maiwasan at malunasan, narito ang mga gamot sa sakit ng sikmura na dulot ng acid reflux o hyperacidity.
15 na gamot sa acidic na sikmura o may hyperacidity
1. Huwag kumain nang sobra.
Ang esophagus ay nakakonekta sa tiyan sa pamamagitan ng ring-like muscle na kung tawagin ay lower esophageal sphincter.
Ito ang nagsisilbing valve o tagapigil sa mga acidic contents mula sa tiyan na umakyat sa esophagus. Bumubukas ito nang kusa kapag tayo ay lumulunok o sumusuka. Ngunit, kapag hindi ito ay nakasara.
Sa may mga acid reflux, ang muscle na ito ay humihina o nagiging dysfunctional. Kaya naman hindi na nito napipigilan pa ang mga acid mula sa tiyan na hindi umakyat sa esophagus.
Kapag naman nagkaroon ng sobrang pressure sa tiyan gaya ng sobrang pagkabusog ay maiipit at aakyat ang acid pataas na nagpapalala ng acid reflux.
Kaya naman para maiwasan ito, ay dapat hindi kumain nang sobra at tama lang para sa iyong tiyan. Isang tip para dito ay kumuha lamang muna ng kaunting pagkain na ilalagay sa iyong pingkan.
Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagkain ng sobra o labis na pagkabusog, na maaaring mauwi sa acid reflux.
2. Magbawas ng timbang.
Ang pressure sa tiyan na maaaring makapagpaakyat ng acid sa esophagus ay dulot din ng sobrang belly fat. Kaya naman madalas na nararanasan ng mga buntis at obese ang hyperacidity.
May mga pag-aaral ding nagsabi na ang sobrang timbang sa abdominal area ay nagpapataas ng tiyansa ng GERD. Habang may ilang pag-aaral naman ang nagsabing ang pagbabawas ng timbang ay nakakabawas ng sintomas ng acid reflux.
Mahirap man gawin ito sa una para sa marami ang mahalaga ay unti-unti ay sinisimulan mo na ito. Masisimulan ito sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at ehersiyo kahit 30 mins a day lamang muna.
3. Mag-low-carb diet.
Ayon sa siyensa ang undigested carbs ang isa sa mga dahilan para magkaroon ng bacterial overgrowth sa tiyan na nagdudulot ng acid reflux.
Ang undigested carbs din ang dahilan kung bakit tayo nakakaramdam ng pagka-bloated sa ating tiyan. Kaya naman para maiwasan ang mga undigested carbs at maibsan ang sintomas ng acid reflux ay magkaroon ng low-carb diet.
Ang low carb diet ay pag-iwas o pag-limit sa mga pagkaing tulad ng kanin at pasta. Magandang palitan halimbawa ang white rice ng brown rice.
Samantala, mas maganda rin sa low carb diet ay ang pagkain ng mga leafy foods. Katulad ng kangkong, sitaw, talbos ng kamote, at iba pa.
4. Limitahan ang pag-inom ng alak.
Ang pag-inom ng alak o alcohol ay mas nagpapalala ng acid reflux at heartburn. Dahil mas dinadagdagan nito ang acid sa tiyan.
Kaya naman para maiwasan ang paglala ng acid reflux ay maghinay-hina o limitahan ang pag-inom ng alak.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Toni Cuenca
5. Huwag uminom ng sobrang kape.
Ayon sa mga pag-aaral ang kape ay pansamantalang pinapahina ang lower esophageal sphincter dahilan para mas umatake ang acid reflux.
Pinatunayan ito ng ibang pag-aaral na kung saan natuklasang ang pag-inom ng decaffeinated coffee ay nakakabawas ng sintomas ng reflux kumpara sa regular na kape.
Kung mapapansin mong mas umaatake ang acid reflux sa tuwing umiinom ka ng kape ay pinapayong limitahan mo na ang pag-inom o kaya naman ay tuluyan mo ng iwasan ito.
6. Ngumuya ng gum.
Ayon sa mga pag-aaral ang pag-nguya ng gum ay nakakabawas ng acidity sa esophagus. Partikular na ang mga gum na nagtataglay ng bicarbonate.
Dahil paliwanag ng siyensa ang pag-nguya ng gum ay nagdagdag sa produksyon ng saliva na tumutulong naman sa ating esophagus na alisin ang stomach acid dito.
7. Iwasang kumain ng hilaw na sibuyas.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa may mga acid reflux, natuklasang mas lumala ang sintomas ng heatburn matapos nilang kumain ng pagkaing may hilaw na sibuyas. Ikinumpara ito sa naramdaman nila matapos kumain ng pagkaing hindi nagtataglay ng sibuyas.
Maliban rito, ang hilaw na sibuyas rin ay maaring mag-iritate sa lining ng esophagus na mas nagpapalala ng heartburn.
8. Limitahan ang pag-inom ng mga carbonated beverages.
Lumabas sa mga pag-aaral na ang pag-inom ng mga carbonated water o cola ay nagpapahina rin ng lower esophageal sphincter. Kaya naman mas tumataas rin ang tiyansa ng acid reflux sa tuwing iinom nito kumpara sa plain water.
9. Huwag uminom ng sobrang maasim na citrus juice.
Sa isang pag-aaral na ginawa sa 400 GERD patients, 72% ang nagsabing mas lumala ang sintomas ng acid reflux nila matapos uminom ng orange o grapefruit juice.
Hindi lang ang acidity ng juice ang may dulot nito. Tulad ng sa orange juice na may neutral pH na nag-aggravate ng sintomas ng reflux.
At ang mga constituents na taglay ng mga juice na ito ay ini-irritate ang lining ng esophagus dahilan para mas lumama ang acid reflux.
10. Limitahan ang pagkain ng chocolate.
Bagamat nangangailangan pa ng mas matibay na ebidensya sa epekto ng chocolate sa pag-atake ng acid reflux, may ilang pag-aaral naman ang naisagawa para maipakita ang ugnayan ng dalawa.
Tulag ng isang pag-aaral na nagsabing ang pag-consume ng 4 ounces o 120ml na chocolate syrup ay nagpapahina rin lower esophageal sphincter.
Habang isang pag-aaral rin ang nakatuklas na ang pag-inom ng chocolate ay nagdadagdag ng amount ng acid sa esophagus.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Lisa Fotios
11. Iwasan ang mint kung kinakailangan.
Ang peppermint at spearmint ay ang mga common herbs na ginagamit para bigyan ng lasa ang mga chewing gum, mouthwash at toothpaste.
Kilalang ingredients din sila sa mga herbal teas. Pero ayon sa isang pag-aaral, ang high dose ng mint ay nagpapalala ng sintomas ng acid reflux sa pamamagitan ng pag-iirritate sa loob ng esophagus.
12. I-elevate ang ulo sa iyong pagtulog.
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagtaas o pag-elevate ng ulo sa higaan kapag matutulog ay nakakabawas ng reflux episodes at symptoms kumpara sa pagtulog ng walang elevation.
Makakatulong ito sa mga madalas na inaatake ng acid reflux at heartburn sa gabi.
13. Huwag kumain tatlong oras bago matulog.
Para maiwasan ang pag-atake ng acid reflux sa gabi ay iwasan ding kumain tatlong oras bago matulog. Dahil sa pagitan ng mga oras na ito ay hindi na matutunaw ng maayos ng tiyan ang pagkaing kinain. Ito ay magdudulot ng indigestion na nagpapala naman ng sintomas ng acid reflux.
14. Huwag matulog sa iyong right side.
Maraming pag-aaral ang nagsabing ang pagtulog sa iyong right side ay nagpapalala ng sintomas ng acid reflux sa gabi.
Ito ay dahil ang esophagus ay nakakonekta sa kanang bahagi ng tiyan. Ibig sabihin ang lower esophageal sphincter ay nakapwesto sa itaas ng stomach acid kung matutulog ka sa iyong kaliwa.
Habang kapag ikaw ay natulog sa iyong right side, ang stomach acid ay tatakpan ang iyong lower esophageal sphincter dahilan para mag-leak ang acid at umatake ang acid reflux.
Iyan ang ilan sa mga gamot sa sakit ng sikmura o hyperacidity na maari mong gawin para ikaw ay makaiwas sa pahirap at sakit na dulot nito.
15. Iwasan ang pagkain ng maanghang
Ang pagkain ng mga maanghang na pagkain ay maaaring maka-irritate sa inflamed esophagus, na maaaring makapagpalala ng acid reflux o heartburn kaya naman mas maiman na iwas muna sa pagkain ng maanghang na pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng acid reflux.
Mahirap talaga sa una ang pagbabago ng lifestyle pero sisimulan ito paunti-unti ay magagawa ito. Kaya naman magsimula na magkaroon ng healthy living para maiwasan ang mga kumplikasyon at karamdaman.
Medical na gamot para sa acidic na sikmura
Kadalasan, ang pinagsamang mga home remedies, pagbabago ng lifestyle, at over-the-counter na gamot ang kinakailangan para maibsan ang iyong acid reflux.
Ang mga antacids ang kadalasang iniinom na gamot upang mawala ang pananakit dahil sa iyong acidic na sikmura. Kung sakali naman na hindi pa rin nawawala ang sintomas sa antacids, maaaring magbigay ng iba pang gamot para sa acid reflux ang iyong doktor o sumubok ng kombinasyon ng mga gamot tulad ng mga sumusunod:
- Foaming agents (Gaviscon) binabalot ang iyong tiyanupang maiwasan ang acid reflux
- H2 blockers (Pepcid, Tagamet) na binabawasan ang acid production
- Poton pump inhibitors (Aciphex, Nexium,Prilosec, Prevacid, Protonix) na nakakatulong din makabawas sa produksyon ng acid sa tiyan.
- Prokinetics (Reglan, Urecholine) nakakatulong na mapalakas ang LES, mabilis na pawalain ang laman ng tiyan, at mabawasan ang acid reflux.
Tandaan na huwag pagsamahin ang mga uri ng antacid o iba pang gamot nang hindi nagpapakonsulta sa iyong doktor.
Risk factors sa pagkakaroon ng acid reflux
Ilan sa mga kadalasang kondisyon na maaaring makapagpataas ng panganib sa mga taong may acid reflux ay:
- Pagkain nang marami o paghiga matapos kumain
- Pagiging overweight o obese
- Pagkain kapag malapit nang matulog
- Pagkain ng citrus foods, kamatis, tsokolate, mint, bawang, sibuyas, maanghang o matatabang pagkain
- Pag-inom ng alcoholic beverages, carbonated drinks, kape, at tsaa
- Paninigarilyo
- Pagbubuntis
- Pag-inom ng aspirin, ibuprofen, ilang mga muscle relaxers, o gamot sa blood pressure
Mga posibleng komplikasyon
Kapag hindi naging epektibo ang mga gamot sa acidic na sikmura at mga home remedies para dito, at napabayaan ang acid reflux. May mga komplikasyon na maaaring ikabahala kapag tumagal ang patuloy na pamamaga ng iyong esophagus, at ito ay maaaring magdulot ng:
- Pagkipot o pagliit ng esophagus (esophageal stricture).
- Bukas na sugat sa esophagus (esophageal ulcer).
- Precancerous na pagbabago sa esophagus (Barrett’s esophagus).
Karagdagang impormasyon mula kay Shena Macapañas, Jasmin Polmo at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!