10 home at natural remedies sa sakit ng ngipin

lead image

Narito ang mga gamot sa sakit ng ngipin na abot kamay lang sa loob ng inyong bahay.

Gamot sa sakit ng ngipin ba ang hanap mo? Narito ang mga natural remedies na makikita sa loob ng inyong bahay.

gamot sa sakit ng ngipin

Image from Freepik

Gamot sa sakit ng ngipin

1. Salt water rinse

Ang salt water rinse o pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin ay isa sa pinakaepektibong gamot sa sakit ng ngipin.

Ito ay natural disinfectant na nililinis ang ngipin. Tinutulungan din nitong alisin ang mga food particles o tinga na naiwan sa pagitan ng ngipin. Makakatulong rin ito para maibsan ang pamamaga at pagalingin ang mga oral wounds.

Para gumawa ng salt water rinse ay maghalo lang ng kalahating kutsarita ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at imumog sa iyong bibig.

2. Hydrogen peroxide rinse

Ang isa pang pangmumog na mabisa ring gamot sa ngipin ay ang hydrogen peroxide. Kailangan lang ihalo ang 3% nito sa pantay na dami ng tubig at imumog sa iyong bibig. Huwag itong lulunukin.

Makakatulong ito para maibsan ang sakit at pamamaga ng ngipin. Pinapatay rin nito ang mga bacteria, binabawasan ang plaque sa ngipin at tinutulungang pagalingin ang mga nagdurugong gilagid.

3. Cold compress

Para maibsan ang sakit ng ngipin ay maaring ding gumamit ng cold compress.

Sa tulong ng towel na ibinalot sa yelo, ilagay ito sa area na kung saan sumasakit ang ngipin sa loob ng 20 minuto. Unti-unti nitong maiibsan ang sakit at pamamaga ng ngipin.

Maari mong ulitin ang approach na ito sa oras na sumumpong ulit ang sakit ng ngipin.

4. Peppermint tea bags

Isa pang pampabawas ng sakit na dulot ng namamagang ngipin at sensitive gums ay ang peppermint tea bags.

Gamit ang used tea bags na bahagyang lumamig na ay ilagay ito sa sumasakit na ngipin.

Pwede mo ring ilagay ito sa freezer at hayaang lumamig ng ilang minuto bago ilagay sa iyong nanakit na ngipin.

5. Bawang

Kilalang gamot sa sakit ng ngipin ang bawang. Hindi lamang nito pinapatay ang mga bacteria na nagdudulot ng dental plaque, nagsisilbi rin itong pain reliever.

Para gamitin ito ay mag-dikdik ng isang butil ng bawang at ilagay ito sa nananakit na ngipin. Puwede mo rin itong lagyan ng konting asin o kaya naman ay pwede mo ring dahan-dahang nguyain ang isang butil nito.

6. Vanilla extract

Gamot din sa sakit ng ngipin ang vanilla extract. Dahil sa ito ay may taglay na alcohol na maaring makapagpamanhid ng sakit. Mayroon rin itong antioxidant properties na mabisa ring pampagaling ng mga sugat.

Para gamitin ay maglagay ng small amount nito sa iyong daliri o sa cotton ball at i-apply sa affected area.

Maari itong ulitin ng ilang beses sa loob ng isang araw.

7. Clove

Mabisang gamot din para sa sakit ng ngipin ang clove oil. Pinapamanhid nito ang sakit at iniibsan ang pamamaga ng ngipin. May taglay din itong eugenol na isang natural antiseptic.

Para gamiting gamot sa sakit ng ngipin ay maglagay ng small amount ng clove oil sa isang cotton ball at i-apply sa affected area.

Maari ka ring maglagay ng isang patak ng clove oil sa isang basong tubig at gawin itong pangmumog.

8. Guava leaves

Dahil sa anti-inflammatory properties nito ay nakakatulong ang dahon ng bayabas sa pagpapagaling ng mga sugat. Mayroon din itong antimicrobial properties na makakatulong sa ating oral care.

Nguyain lang ang malinis na dahon nito o kaya naman ihalo ang dinikdik na dahon ng bayabas sa kumukulong tubig at gawing mouthwash kapag lumamig.

9. Wheatgrass

Ang wheatgrass juice ay maari ring gamiting pangmumog para maibsan ang sakit ng ngipin.

May taglay itong healing properties na tumutulong sa katawan na maghilom mula sa mga sugat. Iniibsan din nito ang inflammation sa bibig at nilalabanan ang mga infection. Ang mataas na chlorophyll content ng wheatgrass ay mabisang panlaban din sa mga bacteria.

10. Thyme

Ang thyme oil ay mabisang gamot din sa sakit ng ngipin. Mahusay na gamot sa sakit ng ngipin ang antibacterial at antioxidant properties nito.

Para gamitin ay maglagay ng isa o dalawang patak ng thyme essential oil at tubig sa isang cotton ball. Ilagay at i-apply ito sa affected area.

Maari ring gawin itong mouthwash sa pamamagitan ng paglalagay ng isang patak nito sa isang bagong tubig.

Ang mga gamot sa ngipin na ito ay maituturing na first aid lamang. Kung sakaling patuloy parin ang pananakit ng ngipin matapos gamitin ang mga natural na gamot ay maaring uminom ng over-the-counter drug na ibufropen.

Ngunit mas mabuting magpunta na agad sa dentista sa oras ng matindi at pabalik-balik na sakit ng ngipin. At lalo na kung makakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Lagnat
  • Hirap sa paghinga o paglunok
  • Pananakit na tumatagal ng dalawang araw o higit pa
  • Pamamaga ng ngipin
  • Sakit kapag kumakagat
  • Hindi normal na pamumula ng gilagid
  • foul-tasting discharge o nana sa ngipin

 

Source: Healthline
Photo: Freepik

Basahin: 10 home remedies para sa namamagang ngipin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner