Ubo ng buntis: Ano ang safe na gamot para sa ubo ng buntis?

Mahina ang immune system mo, dahil sa pagbubuntis. Kaya naman hindi dapat basta-basta ang pag-inom ng gamot laban sa mga nararamdamang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakababahala naman talaga sa tuwing nagkakaroon ng sakit o iniindang karamdaman ang isang buntis. Siyempre, hindi na lang kasi kalusugan ng buntis ang kinababahala maging kay baby na rin. Karaniwan nang nagiging sakit nila ay ang cough o ubo. Kaya naman sa artikulong ito, aalamin natin ang iba't ibang gamot na pwede para sa ubo ng buntis na safe both for her and the baby.

Bakit nagkakaroon ng ubo ang buntis?

Kadalasang nagiging sakit na ng mga tao ang pagkakaroon ng ubo at sipon. Mabilis na dumadapo ang ganitong kramdaman sa panahon ng taglamig o tag-ulan.

Minsan din ay kung nagpapalit-palit ang panahon dahil sanhi ito ng mild viral infection. Sa maraming pagkakataon, madalas naman itong nawawala dahil may natural na proteksiyon ang katawan para malabanan ang infection na ito.

Sa mga buntis, mas prone sila na magkaroon ng ubo dahil sa paghina ng resistensya gawa ng pagbubuntis. May mga pangyayari na hindi talaga nawawala ang ubo ng mommies.

Kaya tanong tuloy ng karamihan, paano kapag hindi pa rin gumagaling? Ano ang mabisang gamot sa ubo para sa buntis? Ligtas bang uminom ng gamot sa butika para sa ubo ang isang buntis?

Ang sagot dito ng experts? Oo ligtas naman. May mga gamot sa ubo ng buntis na safe para sa dinadalang baby, ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, pathologist mula sa University of Santo Tomas College of Medicine, at doktor sa Pasig City General Hospital at Marikina Doctors Hospital.

Bagama't ligtas, paalala niya rin na ang mga gamot sa ubo ng buntis na ito ay hindi pwedeng inumin nang matagal na panahon. Importanteng huwag kakalimutan na kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng anumang gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sanhi ng pagkakaroon ng ubo ng buntis

Isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng ubo ng buntis ay viral infections at bacterial infections. Sa ibang kaso naman maaari itong sintomas ng mas malala pang sakit na nakuha ng buntis, katulad na lamang ng pneumonia subalit bibihira lamang ito.

Maaari ring sanhi ito ng allergies o pagkakaroon ng iritasyon sa kaniyang oropharynx. Ang oropharnynx ay ang gitnang bahagi ng lalamunan sa likod ng bibig ng tao. Maaari ring sanhi ito ng asthma ng isang nagbubuntis na babae.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng noong 2016, na ang pangunahing layunin ay alamin kung ano ba ang dahilan ng ubo sa mga buntis. Mayroon 92 na pasyente ang kasali sa isinagawang pag-aaral na ito. Kabilang dito, ang 23 pasyenteng may bronchial asthma, at 69 na pasyenteng walang manifestation ng asthma sa kanilang medical history subalit nakakaranas ng dry cough na nagsimula sa unang bahagi ng kanilang pagbubuntis.

Ang lahat ng pasyente ay binigyan ng counseling ng mga espesyalista sa otorhinolaryngology at pulmonology. Tinatantya ang degree ng endoscopic manifestation ng gastroesophageal reflux base sa kanilang scoring scale.

Natuklasan ng pag-aaral na ito na ang relasyon ng pagkakaroon ng ubo at gestational age,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"The signs of reflux-induced changes in the larynx were documented in 91% cases among the patients with bronchial asthma and in 97% cases in the pregnant women having no bronchial pathology in their medical histories.

The main cause behind the cough during pregnancy in women without bronchial pathology was sluggish bronchitis (7%), arising asthma (12%), gastroesophageal reflux (77%), and allergic rhinitis (4%). This conclusion was confirmed by the results of therapy."

Kakaibang uncomfortable feeling ang maaaring ibigay ng labis na pag-ubo. Narito ang iba't ibang gamot na pwede para sa ubo ng buntis na maaari mong i-try.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naapaektuhan ba ng pag-ubo ang baby?

Sa ilang pagkakaton, oo. Maaari kasing mauwi sa spasm sa bandang chest area ang pag-ubo. Dahil dito maaari itong mauwi sa fatigue o pain para sa mga babaeng buntis.

Nauuwi tuloy ang ganitong pangyayari sa kawalan ng ganang kumain, pagkapuyat, at panghihina. Kung mangyayari ito, maaaring mapunta sa ilang kumpikasyon tulad ng fetal growth retardation.

Bukod dito, ang matagal at patuloy na pag-ubo ay mauuwi lamang sa uterine contractions. Ito ang minsang sanhi para magkaroon ng premature labor o maagang panganganak ang isang buntis.

Infection kasi ang maaaring senyales kung bakit dinapuan ang isang pregnant mom ng ubo. Kung sakaling hindi kaagad ito maagapan, maaaring magkaroon ng labis na epekto sa development ng sanggol maging sa mommies mismo.

Ilang home o natural remedies bilang gamot sa ubo ng buntis

Magandang sa unang mga araw ng pagkakaroon ng ubo ay sumubok muna ng home remedies. Ayon sa Department of Health, mas makakabuti kung maiiwasan ang anumang gamot o medisina sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.

Ito kasi ang kritikal na panahon ng development ng vital organs ng isang sanggol. Ang mga home remedies na ito ay wala kasing malalakas na kemikal na maaaring makaapekto ng labis sa health ng mag-ina. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong din kasi talaga ang maraming bagay sa bahay para maging gamot sa ubo ng pregnant moms. Unahin ito bago ang anumang gamot, lalo kung hindi pa naikukunsulta sa doktor.

1. Apple cider vinegar

Tama, hindi lang para sa skin care ang apple cider vinegar, mabisang gamot din ito para sa ubo ng buntis. Nakakatulong kasi ito na mapalakas ang sistema para labanan ang mga viruses.

Para sa mga nagbubuntis, mabisa itong gamot sa ubo. Uminom lang ng tubig na may 1 hanggang 2 kutsara ng apple cider vinegar, 2 hanggang 3 beses kada araw.

2. Luya

Hindi na lang din para sa tinola o inumin ang luya dahil mabisa rin ito para sa dry cough, lalo sa mga nagbubuntis. Nababawasan ng luya ang plema na nakakabawas din sa pamamaga o inflammation.

Pakuluan ang maliit na piraso o ginayat na luya ng hanggang 15 minuto. Lagyan ng honey para mabawasan ang tapang ng lasa ng luya.

Ligtas sa ikalawang trimester ang pagpahid ng menthol rub sa dibdib at ilalim ng ilong, at pag-inom ng cough drops o lozenges.

3. Kumain ng masustansiyang pagkain sa tamang oras

Kahit hindi ka buntis, mahalagang palaging kumakain ng masustansyang pagkain para makakuha ng nutrients at bitamina. Dapat din na nasa tamang oras para maiwasang malipasan ng gutom at magkaroon pa ng ibang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakabuti ang mga pagkaing mayaman sa vitamin C at zinc para lumakas ang immune system. Huwag magpapalipas ng gutom, dahil dalawa kayong kumakain. Magtanong sa OB GYN ng rekumendadong prenatal vitamins na may vitamin C and zinc para sa immune system.

Iwasang kumain na ng mga pagkaing walang sustansiya gaya ng softdrinks, junkfoods, at iba pa.

4. Uminom ng tubig na may asin

Ang mga bagay na nakikita mo lang sa kusina noon o ginagamit sa pangluto ay maaari ring maging gamot sa ubo ng buntis. Para sa sakit ng lalamunan, sumipsip ng yelo o ice cubes, at uminom ng maligamgam na tsaa, o di kaya ay magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.

5. Humanap ng pahinga

Siguraduhing may oras na magpahinga sa maghapon, at makaidlip din para makabawi sa pagod. Minsan ay pahinga lang ang kailangan ng katawan. Kapag sinasagad kasi ang pagod lalo na kung buntis, magiging mahina ang iyong resistensya lalo at magiging prone o bulnerable na sa pagdapo ng infection. 

6. Uminom ng maraming fluids

Uminom ng tubig, juice, at sabaw. Ang hydration therapy ay kailangan ng katawan para magkaron ng sapat na fluids ang katawan.

Subukan ang pag-inom ng honey at lemon sa maligamgam na tubig, o sumubo ng isang kutsarang honey, na paniguradong makakapagpabuti ng pakiramdam, at makakapagpahupa sa pag-ubo.

7. Umiwas sa mga taong mayroong ubo

Madalas na dahilan kung bakit nagkakaubo ay ang paglapit o pagkahawa sa mga taong mayroon na nito. Ugaliing maghugas ng kamay at lumayo muna sa mga taong may ubo. Pwede rin namang magsuot ng mask para hindi mahawa sa iba.

Tandaan na hindi dapat basta-basta umiinom ng gamot sa ubo ang isang buntis.

Gamot sa ubo na pwede sa buntis: 6 na gamot sa ubo ng buntis

Walang isang gamot ang ubo, pero may mga gamot at paraan para maibsan ang mga sintomas nito. Pinapaalalahanan na kumonsulta muna sa OB bago uminom ng gamot. Narito ang ilang medisinang napatunayang mainam para mabawasan ang sintomas ng ubo ng buntis:

1. Dextromethorphan

Ito ay isang cough suppressant na ginagamit sa mga OTC medications tulad ng Robitussin para mabawasan ang pag-ubo. Hindi lalabis sa 120 mg sa loob ng 24 na oras ang dosage para sa mga nagbubuntis, ayon kay Dr. Robyn Horsager-Boehrer, M.D., OB GYN, sa kaniyang medical article sa UTSouthwestern Medical Center.

2. Guaifenesin

Karaniwang makikita ang expectorant na gauifenesin sa mga gamot sa ubo. Tumutulong ito na mapanipis ang ang mucus mula sa dibdib o lalamunan, para mas mapadali ang pag-ubo at hindi masakit.

Ang maximum dose ng isang buntis ay 2,400 mg sa loob ng 24 na oras, payo pa din ni Dr. Horsager-Boehrer.

3. Acetaminophen

Ligtas ang acetaminophen (Tylenol) para sa mga nagbubuntis, kung sila ay may sore throat.

Nasa 3,000 mg sa loob ng 24 hours ang maximum dose nito. Nakakatulong ang antihistamine kung ang sore throat ay sanhi ng labis na pagtulo ng sipon, dahil tinutuyo nito ang sipon.

4. Benzocaine

May mga spray o lozenges na may taglay na benzocaine, isang local anesthetic na nakakapagpamanhid sa lalamunan. May mga lozenges din na parang candy, na makakatulong sa ubo dahil ang pagsipsip ng hard candy ay nakakapagpadaloy sa laway, at nakakatulong na maibsan ang iritasyon at sakit sa lalamunan sanhi ng pag-ubo.

5. Paracetamol

Ligtas ang paracetamol para sa mga nagbubuntis, kung sumasakit ang katawan at inuubo, ayon kay Dr. Villarante. Tandaan lang na hindi ito puwedeng inumin ng matagal, o higit sa dalawang beses.

“Bawal ang malalakas na analgesic that might cause hyperacidity at ulcer, at bawal ang aspirin that can affect platelets and may cause internal bleeding, and affect platelet function,” paliwanag ni Dr. Villarante.

6. Nebulization ng salbutamol

Kapag inuubo, makakabuti ang nebulization at patuloy na pag-inom ng fluids, paliwanag ni Dr. Villarante. “Kung kakailanganin ng antibiotic dahil hindi pa rin nawawala ang ubo, dapat ikunsulta kaagad sa OB GYN, lalo na kapag nasa unang trimester ng pregnancy,” dagdag nito.

“Sa panahong ito kasi nade-develop ang mga organs ng fetus,” paliwanag pa ni Dr. Villarante, “and antibiotics may cause organ and systemic malformation. Usually amoxicillin is safe, pero better not take the risk.”

May mga anesthetic sore throat lozenges din na makakatulong maibsan ang sakit ng lalamunan dahil sa pag-ubo at sipon.

Mag-ingat sa mga decongestants, lalo kung hindi nirekumenda ng doktor. Ito kasi ay nagpapakitid ng blood vessels habang ginagamot ang sipon, na maaaring makaapekto sa blood vessels ng placenta.

Pahinga rin ang isang susing gamot para sa ubo ng buntis ayon sa experts.

Bakit kailangan ng bakuna ng buntis?

Mayroong partikular na bakuna para maiwasang maging mahina sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng sakit gaya na lang ng ubo. Para mahikayat ka pa na kumuha nito, narito ang ilang dahilan para magbenipisyo ka sa bakuna:

  • Mas mababa ng chance na maospital o sumailalim sa gamutan kung mayroon ka nito.
  • Magiging mas safe ang both ang mommy at baby dahil hindi mataas ang tyansang magkaroon ng severe illness.
  • Mas maraming antibodies ang magagawa ng katawan para maprotektahan ka at ang iyong anak laban sa flu.
  • Maaari ring maipasa ang antibodies na ito sa iyong anak..

 

 

Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva

Vinmec Hospital, Jerry Villarante, MD, Department of Health, Mayo Clinic, WebMD, UTSouthwestern Medical Center, UTSWmed, NCBI 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.