Sa stage ng paglaki ng mga bata, nagkakaroon din ng kritikal na pagbabago at development sa kanilang katawan. Kasama na rito ang development ng paningin, utak, motor skills, at social skills. Ito ang mga unti-unting naabot na development at milestones ng ating mga anak habang sila ay nagkaka-edad.
Isa sa mga naitalang pag-aaral ni Marcos Frank, Ph.D., na nirebyu ng Psychology Today, ang necesssity ng REM sleep. Ang Rapid Eye Movement sleep ang nakakatulong sa pag-convert ng pagkatuto at experience sa long term na memories at skills.
Sa kabilang banda, ang paggamot sa utak tulad ng antipsychotics at stimulants drungs ay maaaring makaapekto sa REM sleep.
Gamot sa utak
Dahil sa misdiagnosis ng childhood mental health, may mga prescription ng gamot sa utak na maaaring mali din. Maaaring magkaroon din ng over-prescription ng mga gamot bilang treatment sa mental health at utak ng bata.
Ang mga gamot na posibleng ma-over-prescribed ay tulad ng antidepressants, stimulants at antipsychotics.
Dagdag pa, batay sa pag-aaral na inilabas noong July 2015, may naitalang higher frequency ng antipsychotics prescription. Ang mga prescription na ito ay nakakabahala ding ibinigay sa mga bata.
Isa pa, sa ibang pag-aaral, ang mga batang na diagnosed ng ADHD at depression ay napagkamalang makitaan ng mga tiyak na sintomas.
Epekto ng gamot na ito sa brain development ng isang bata
Sa nauna nang artikulo din ng Psychology Today, naging pokus ng pagtalakay ang epekto ng gamot sa utak at REM sleep. Dahil naaapektuhan ang REM sleep, posible ring maapektuhan ang function ng brain at development nito.
Dahil crucial ang development ng utak sa early stage ng buhay, naapektuhan ng mga nabanggit na gamot ang pagkatuto ng mga bata. Liban pa dito, naapektuhan ang mga critical na skills na dapat mai-develop ng isang tao.
Tandaan
Bago painumin ng mental health pharmaceutics ang inyong mga anak, tiyakin na nagkaroon na ng mga assessment ng iba’t ibang doktor. Ang mga gamot na ipinapainom sa mga anak natin ay may mga epekto sa kanilang development at organs.
Isinulat ni Nathanielle
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!