Ang mga estudyante na may magandang hitsura ng isang tao ay mas maganda ang performance sa paaralan, ayon sa bagong pag-aaral.
Isinagawa ng economist na si Daniel Hamermesh ng Barnard College at mga kasama niya, ipinakita ng pag-aaral na ang tao na may hitsura na “mas maganda kumpara sa average” ay nakakakuha ng higit na 5 buwan ng pag-aaral kumpara sa “average-looking na indibidwal”.
Paano nga ba ito nangyari at ano nga ba ang kinalaman ng pisikal na kaanyuan ng isang indibidwal sa kanyang performance sa pag-aaral?
Ano ang kinalaman ng hitsura ng isang tao sa pag-aaral?
Pamamaraan ng pag-aaral
Kumuha ang pag-aaral ng datos mula sa U.S. Study of Early Child Care and Youth Development 1991 -2005. Sa pag-aaral na ito, masugid na sinuri ang development ng mga batang may edad na 6 na buwan hanggang 15 taong gulang mula U.K. National Child Development Study. Ang bilang ng kasama sa pag-aaral na ito ay nasa 17,000 na batang ipinanganak nuong 1958.
Paano Sinukat Ang Lebel Ng Kagandahan Ng Mga Estudyanteng Kasama Sa Experiment Na Ito?
Ang kagandahan ng mga estudyante ay inassess ng isang grupo ng undergraduates na nanood ng video ng mga interview sa mga bata. Upang ma-identify kung alin sa kanila ang mas nakalalamang sa pampisikal na anyo, minarkahan ang mga hitsura ng sampol mula 1 (hindi cute/hindi maganda) hanggang 5 (sobrang cute/sobrang maganda).
Para sa pag-aaral sa UK, ang hitsura ng mga bata ay inassess ng kanilang mga guro.
Di tulad sa undergraduates, ang mga guro ay inilagay ang mga estudyante sa 4 na kategorya: maganda, hindi maganda, “kaka-ibang katangian” o “kulang sa pagkain o madungis at madumi.”
Matapos ito, sinuri ng mga mananaliksik ang performance sa paaralan sa pamamagitan ng standardised na tests para makahanap ng pattern.
Ang ibang factors tulad ng yaman ng pamilya, edukasyon ng mga magulang, lahi at ethnicity, at kasarian ay kinontrol.
Academic performance at problema sa ugali
Napag-alaman ng pag-aaral na ang mga estudyante na nasabing mas nakakalamang sa pampisikal na anyo ay mas magaling pagdating sa higher reading at aritmetik kumpara sa mga average ang hitsura.
Makikita rin sa resulta na ang mga lalaking nabibilang sa above average na panlabas na anyo ay mas magaling pagdating sa achievement levels kumpara sa mga babae na may above-average ring pisikal na anyo.
Bukod sa academic excellence, nakitaan rin ng pagkakaiba sa results pagdating sa ugali. Ang mga estudyanteng mayroong above-average na hitsura ay lumalabas na mas kakaunti ang problema sa eskuwelahan.
Ayon sa mga manananliksik, marahil isa sa dahilan ng pagkakaiba sa kanilang performance ay ang kanilang social experience. Sinasabi ng mga mananaliksik na maaaring ang mga hindi kagandahang estudyante ay mas madalas nabu-bully ng kanilang mga kasamahan kaya nagkakaroon ng problema sa paguugali. Isa ring posibleng dahilan ito ng pagkawala ng gana sa pag-aaral.
Epekto Ng Hitsura Pagdating Naman Sa Pagtatrabaho
Hindi ito ang unang beses na nakita ang impact ng hitsura ng isang tao sa performance. Isa pang pag-aaral na isinagawa ni Hamermesh ang nagpatunay sa konseptong ito. Lumalabas na ang mga adults na may nakakaangat na pisikal na anyo any nakakalamang rin pagdating sa paghahanap ng trabaho at halaga ng kita.
Sa pag-aaral ni Hamermesh, lumalabas na ang mga lalaking may below average na pampisikal na anyo ay kumikita ng mas mababa ng 17% kumpara sa mga lalaking masasabing good-looking. Para naman sa mga babae, napag-alamang mas kumikita rin ng mas mataas na 12% ang mga masasabing above-average-looking kumpara sa mga below-average-looking.
Bukod sa hitsura, ilan rin sa mga factors na nakakapekto ng sa sweldo ng tao ay ang kanilang height at weight. Ilang studies na ang nagpatunay na mas mababa ang kinikita ng mga taong kabilang sa grupo ng mga obese. Mas mataas rin ang kinikita ng mga taong mas matatangkas lalo na sa mga lalaki.
Subalit, ano pa man ang sinabi ng pag-aaral at ang impackt ng kagandahan, ang mga magulang dapat ay magfocus parin sa mga katangian tulad ng kasipagan at tiyaga dahil ito ang magdadala sa mga bata sa masmaganda at masmasayang buhay.
Basahin: DepEd, inilabas na ang Christmas break schedule ng mga paaralan