Gustong magkaroon ng magandang performance sa school ang anak? Dapat ay nakikita niyang involved si Daddy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagiging involved ng tatay, nakakatulong sa magandang performance ng bata sa school
- Mga paraan para makisali si daddy sa studies ng kaniyang anak
Hindi kaila sa mga magulang na importante ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kaya nga madalas ay nagkakandakuba na ang mga magulang sa kakatrabaho. para lang mapa-aral sa magandang eskwelahan ang kanilang mga anak.
Ngunit bukod sa magandang paaralan, mahalaga rin ang pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. At ayon sa isang pag-aaral na ang mga ama raw ay mayroong malaking epekto sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Alamin natin kung anu-ano ito.
Bakit laging si Mommy?
Kadalasan, pagdating sa pag-aaral ng kanilang mga anak, ang nanay ang inaasahan na tumutok sa mga aralin ng bata at tumulong sa kaniyang mga pangangailangan. Samantala, ang tatay naman ang inaasahan na humanap ng pang-matrikula ng anak.
Minsan nga, kahit parehong nagtatrabaho ang mga magulang, si nanay pa rin ang umaalalay sa pag-aaral ng anak. Naging bahagi na kasi ito ng kultura at kaugalian, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Subalit kung mayroong mga tatay na nakakaya nang maging house husbands at umaruga sa kaniyang mga anak habang nagtatrabaho si misis.
Dapat ay maging komportable na rin ang mga kalalakihan na turuan ang kanilang mga anak pagdating sa mga lessons nito sa school.
Dahil bukod sa nagkakaroon ng bonding ang mag-ama kapag mas involved si daddy sa pag-aaral ng kaniyang anak. Alam niyo ba na ang pakikilahok ng anak sa pag-aaral ng kaniyang anak ay nagdudulot ng magandang epekto sa performance ng bata?
Ano ang naitutulong ng mga ama sa magandang performance sa school?
Base sa mga pag-aaral, nakatutulong sa mga bata kapag mas nakikilahok ang kanilang mga ama sa pag-aaral. Mas kapansin-pansin umano ang epekto nito kung ikukumpara sa mga bata na hindi gaanong active ang ama sa buhay nila.
Ayon kay John Badalament, sumulat ng librong The Modern Dad’s Dilemma, maraming pag-aaral na ang nagpatunay na mayroong positibong epekto kapag involved si daddy sa pag-aaral ng kaniyang anak.
“Children with a mother and a father who are actively engaged at home and school develop stronger cognitive and motor skills, are better problem-solvers and demonstrate more confidence, curiosity and empathy,” aniya.
Nakakatulong ang mga ama dahil mas natutuwa ang mga bata kapag sinasamahan sila ng kanilang mga ama sa pag-aaral. O kaya sa mga schoo
Larawan mula sa Pexels
l activities. Kaya kinakailangan na maging active ang mga ama sa pagtuturo ng leksyon sa kanilang mga anak.
Ayon naman kay Dr. Jessica Troilo, isang associate professor sa West Virginia University na nag-aaral tungkol sa kulutra at stereotype sa mga ama at iba pang miyembro ng pamilya. Malaki ang papel ng mga tatay pagdating sa vocabulary at Math skills ng mga bata.
“Children with fathers who spoke more words during their reading sessions grew up to have stronger vocabulary and math skills compared to peers whose fathers spoke less,” aniya.
Bukod dito, mas nakakamotivate rin sa mga anak na pagbutihin ang pag-aaral kung alam nilang matutuwa rito ang kanilang mga ama. Kapag alam nilang nababantayan o natututukan sila ng kanilang mga ama, mas ginaganahan silang mag-aral. Gayundin kapag alam ng bata na mataas ang pangarap sa kanila ni Tatay.
“African-American fathers who have high academic expectations for their children often have children who are academically successful. This benefit can exist whether they share the same residence with their children or not, ” dagdag ni Troilo.
Hindi lang kasi sa mga leksyon nakakatulong ang presensya ng mga tatay. Kundi pati sa social at emotional development ng bata.
“When fathers are involved, the outcomes are positive across the board in terms of the academic as well as the social and emotional issues,”
Ito ang pahayag ni Tyrone Howard, isang education professor sa University of California.
Ang isa pa umano na benepisyo ng pakikilahok ng mga ama ay mas masisigurado umano na magtatapos sila ng pag-aaral at magkakaroon ng financial stability kapag sila ay tumanda na. Kaya’t hindi maikakaila na malaki ang papel ng mga ama pagdating as magandang performance sa school ng mga bata.
Bakit nga ba hindi nakikialam ang mga tatay sa edukasyon ng anak?
Pero hindi ibig sabihin na hindi nakikilahok ang ama sa pag-aaral ng kaniyang anak ay wala na siyang pakialam rito. Nakasanayan lang kasi sa ating lipunan na ang mga nanay ang nagbabantay at gumagabay sa anumang may kinalaman sa kanilang anak, tulad ng kalusugan at edukasyon.
“What we’ve noticed in terms of why dads don’t get more involved in school life is simply that nobody asked them,” ani Badalament. “There’s a cultural default that assumes mothers will be the more engaged parent.”
Maaari ring dahil mas maraming oras ang ina kaya siya ang mas inaasahan na umantabay sa pag-aaral ng bata. Rason naman ng ibang tatay, mas mahaba kasi ang pasensya ni Mommy pagdating sa pagtuturo sa kanilang anak.
Pero dahil nag-iiba na ang panahon ngayon, dapat ay maging open na rin ang mga haligi ng tahanan na maging mas involved sa edukasyon ng kanilang anak.
BASAHIN:
STUDY: Ito ang benepisyo kapag hands-on si daddy sa pag-aalaga kay baby
5 things you can do when you have an unsupportive husband
REAL STORIES: “Proud ako kay #Househusband!
Tips para maging mas involved si Daddy sa pag-aaral ng anak
Larawan mula sa iStock
Hindi kaila na nakakatulong ang mga tatay sa magandang performance ng kanilang anak sa school. Pati na rin sa pag-uugali at pananaw sa buhay ng bata.
Kung gayon, paano nga ba mas mai-involved si daddy sa pag-aaral ng kaniyang anak? Narito ang ilang madadaling paraan:
-
Basahan mo ang iyong anak
Ang mga bata na maagang natututong magbasa ay may mas malaking posibilidad na maging matagumpay sa kanilang pag-aaral at sa hinaharap.
Kahit hindi pa nag-aaral si baby, pwede mo na siyang basahan ng bedtime stories para ma-develop ang kaniyang hilig sa pagbabasa.
Kung nag-aaral naman ang iyong anak, pwede mong iugnay ang inyong binasa sa mga aralin niya sa school.
Hangga’t nakikipag-usap sila ng may kasamang paggalang at respeto, hayaang maging bukas ang talastasan sa inyong tahanan. Hayaan mong tanungin ka ng iyong anak tungkol sa mga bagay na hindi niya naiintindihan at sagutin ito sa abot ng iyong makakaya. Habaan lang ang iyong pasensya dahil sadyang curious ang mga kabataan, pero isa itong magandang senyales na matalino ang bata.
-
Kausapin ang iyong anak tungkol sa mga inaasahan mo sa kaniya
Ang kagandahan dito ay hindi mo kailangang ulit-ulitin sa bata kung ano ang mga bagay na dapat niyang gawin sa araw-araw. Magkaroon ng masinsinang pag-uusap at ipaalam sa iyong anak kung ano ang mga bagay na inaasahan mo mula sa kaniya.
Tulungan siyang mag-set ng goals niya para sa school year at tanungin siya kung ano ang mga gusto niyang matutunan sa taong iyon. Paminsan-minsan ay kamustahin mo ang progress ng iyong anak at alamin kung anong tulong o suporta ang kailangan niya mula sa ‘yo.
Isang paraan para maging involved si daddy sa pag-aaral ng bata ay kapag lalahok ito sa mga programa at proyekto sa paaralan. Magpakita ng suporta sa bata kapag mayroon silang contest o activity sa eskuwelahan. Kung mayroong Family Day o Father-Daughter dance sa school, siguruhing present ka rito.
Iwasan din ang pag-uwi ng late o pag-oovertime sa trabaho para masamahan mo ang iyong anak sa pagkain ng hapunan. Dito, pwede mo siyang tanungin tungkol sa nangyari sa kaniya sa paaralan. At pwede ka ring mag-supervise habang ginagawa niya ang kaniyang homework.
-
Bigyan palagi ng words of encouragement ang iyong anak
Lalong sisipagin ang bata na magpursige sa kaniyang pag-aaral kung maririnig niya ang magagandang salita mula sa ‘yo. Purihin siya hindi lang kapag mataas ang nakukuha niyang grades kundi kapag nakita mong pinaghirapan niya ang isang bagay.
Kung nakakuha man siya ng mababang marka, huwag siyang pagalitan. Sa halip, sabihin mo sa kaniya na dapat mag-aral pa siya ng mas mabuti. Sabihan siya nito para makakuha siya ng mataas na grado sa susunod na exam. Iparamdam mo sa kaniya na alam mong kayang-kaya niyang pagbutihin pa.
Hindi man natin nakasanayan ito sa sarili nating magulang. Hindi pa huli ang lahat para gawin natin ang mga bagay na ito sa ating anak. Sa pagiging mas involved sa pag-aaral ng bata, maaring magkaroon siya ng magandang performances sa school.
Pero higit pa rito, maipaparamdam mo sa iyong anak ang iyong pagmamahal at suporta na babaunin niya hanggang pagtanda.
Daddy, kaya niyo ‘yan. | Larawan mula sa Freepik
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Source:
Psychology Today, EdWeek, BrightMag, Fatherhood.org
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!