Hongkong Disneyland closed muna dahil sa coronavirus outbreak sa rehiyon. Ocean Park nag-anunsiyo din ng pansamantalang pagsasara.
Hongkong Disneyland closed due to coronavirus outbreak
Dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit na coronavirus ay nag-anunsiyo muna ng pansamantalang pagsasara ang Hongkong Disneyland. Ito ay kanilang isinapubliko sa pamamagitan ng social media post sa kanilang Instagram at Facebook account.
Ayon sa sikat na themed park, ang aksyong ito ay isang precautionary measure alinsunod sa preventive efforts na isinasagawa sa Hongkong laban sa sakit na 2019-nCov o novel coronavirus. Kaya naman pansamantalang sila ay magsasara mula January 26, 2020. Ito ay upang masigurado ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng kanilang mga guests at staff.
Bagama’t hindi pa tukoy kung kailan muling magbubukas, ipinahayag naman ng Hongkong Disneyland na patuloy nilang imo-monitor ang sitwasyon. At agad magbibigay anunsiyo at ipapaalam sa publiko ang anumang pagbabago tungkol dito.
Paliwanag naman nila sa mga nakabili na ng ticket ay valid ito hanggang 6 na buwan mula nang mabili. At kung kinakailangan ay handa silang tulungan ang guest na i-refund ang gastos sa pagbili ng ticket kung hindi magagamit.
Dagdag pa nila, ang Hongkong Disneyland themed park lang ang sarado. Ngunit ang kanilang resort hotel ay bukas at handa pa ring magserbisyo sa mga guest.
Hongkong Disneyland official statement
Sa kanilang Facebook post, ito ang opisyal na pahayag ng Hongkong Disneyland.
“As a precautionary measure in line with prevention efforts taking place across Hong Kong, we are temporarily closing Hong Kong Disneyland park starting from Jan 26, 2020 out of consideration for the health and safety of our guests and cast members. The Hong Kong Disneyland Resort hotels will remain open. We are in close contact with health authorities and the government about the situation and will announce a reopening date once they determine it is advisable.”
The Standard Park Ticket is valid for six months from the purchase date. If needed, Hong Kong Disneyland Resort will assist in the refund for guests who have purchased tickets for admission to Hong Kong Disneyland park or have booked a resort hotel. For additional details, please click https://x.hkdl.hk/2tIkmqC or email to [email protected].”
Update:
In light of the current situation, we will closely monitor the situation and communication and make adjustments when necessary.”
Hongkong Ocean Park pansamantala ring magsasara
Tulad ng Hongkong Disneyland closed din muna ang Hongkong Ocean Park dahil pa rin sa banta ng coronavirus. Hindi pa rin tukoy kung kailan sila muling magbubukas. Ngunit pagsisiguro nila sa mga guest na may reservations at tickets na ay maari naman nila itong i-refund kung kanilang gugustuhin. Dahil para sa kanila, kapakanan at kaligtasan ng kanilang staff at guests ang nangunguna.
Hongkong Ocean Park official Statement
Ito ang official statement ng Hongkong Ocean Park sa kanilang Facebook account.
“In response to the Government’s enactment of Emergency Response Level for the severe respiratory disease associated with a novel infectious agent (Wuhan pneumonia), putting the safety of our guests and staff first, Ocean Park will be temporarily closed from today (26 January) until further notice.
Holders of the Park’s general admission tickets, night-time admission tickets/packages, student tickets or animal encounter bookings purchased at the Park’s Ticketing Office or official website, valid for use on the dates affected, can keep their admission tickets for direct ticket exchange or refund by the Park. For guests who purchased tickets through the Park’s authorised agents or channels, the Park will assist in ticket exchange/refund information. We apologise for any inconvenience caused.
Please visit the Park’s official website at https://www.oceanpark.com.hk/en for Park re-opening schedule, and updates on ticket exchange/refund arrangements.
The Park will closely monitor the situation, and cooperate with the Government on epidemic prevention and control measures for the prevention of community outbreaks.”
2019-nCov o Novel Coronavirus
Ang 2019-nCov o novel coronavirus ay kabilang sa pamilya ng mga viruses na nagdudulot ng mapanganib at nakakamatay na sakit na SARS at MERS. Tulad ng dalawang sakit, ang novel coronavirus ay umaatake rin sa respiratory tract ng isang tao. At ito ay nagbibigay ng pneumonia-like symptoms tulad ng lagnat, ubo, sipon at hirap sa paghinga.
Sa ngayon pinaniniwalaang nagmula ang virus sa isang seafood market sa Wuhan, China. Dahil ayon sa mga eksperto ang coronavirus ay nagmumula sa hayop at naililipat lang sa tao.
Ayon sa pinaka-latest na report, ang virus ay tumama na sa higit 2,900 na mga tao sa buong mundo. At 82 na ang kumpirmadong nasawi dahil dito. Ang mga bansang may kumpirmadong kaso ng sakit ayon sa WHO ay Hong Kong, Macao, Taipei, Thailand, Vietnam, South Korea, Singapore, Malaysia at Japan. Mayroon na ring kumpirmadong kaso nito sa Australia, France, United States, Nepal, Cambodia at Sri Lanka.
Paano makakaiwas sa novel coronavirus
Kaya naman dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit ay patuloy na nagpapaalala ang mga health authorities sa pag-iingat laban dito. Ilan sa mga paraang ipinapayo para makaiwas sa sakit ay ang sumusunod:
- Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na hindi bababa sa 20 segundo.
- Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo.
- Pag-disinfect sa mga gamit o lugar sa bahay na nahawakan ng taong may sakit.
- Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
- Pagluluto ng pagkain nang maayos lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
- Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
- Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
- Pagpapanatili ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pagtulog ng tama.
SOURCES: CNBC, Fox News, CNN Philippines
BASAHIN: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan, #WalangPasok: Class Suspension dahil sa Banta ng Coronavirus, Jan 27, Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!