X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

4 min read
Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

Napag-alaman na itinago raw ng minor de edad na ina ng inabandonang sanggol ang kaniyang pagbubuntis matapos siyang magahasa.

Natagpuan ng mga residente ng Agno, Pangasinan ang isang bagong silang na sanggol na mayroon pang dugo, at inabandona sa damuhan. Matapos mag-imbestiga, napag-alaman na minor de edad raw ang ina ng sanggol, at siya raw ay naging biktima ng panggagahasa kaya nabuntis at inabandona ang kaniyang anak.

Inabandonang sanggol, natagpuang nakadapa sa damuhan

Ayon sa mga nakahanap sa sanggol, nakita nila na punong-puno raw ito ng dugo at nakakabit pa ang kaniyang pusod. Bukod dito, nilalanggam na rin daw ang ilang bahagi ng kaniyang katawan. Dahil dito, dali-daling dinala ang sanggol sa ospital upang maalagaan at malaman kung mayroon ba itong problema.

Sa kabutihang palad, malakas raw ang resistensya ng bata, at bukod sa ilang mga gasgas at sugat na tinamo, malusog at wala raw itong problema.

Nalaman naman nila na isang 15-taong gulang ang ina ng sanggol. Ayon sa ina, siya raw ay naging biktima ng panggagahasa, at ito ang dahilan kung bakit niya inabandona ang sanggol.

Umuwi siya ng duguan sa kanilang tahanan

Kuwento naman ng lola ng sanggol, nagulat raw siya nang makitang umuwi ang kaniyang anak na mayroong dugo sa binti. Nakita rin daw ito ng kaniyang asawa, kaya’t tinanong sa bata kung siya ang ina ng sanggol.

Inamin naman ito ng ina, at sinabi rin na naging biktima raw siya ng panggagahasa. Itinago raw niya ang pagbubuntis sa kaniyang pamilya at kamag-anak, at sinubukang abandunahin ang bata.

Ayon naman sa lola ng sanggol, nais raw niyang alagaan ang kaniyang apo. Gusto raw niya itong palakihin at paaralin, at tulungan ang kaniyang anak na alagaan ang bata.

Kasalukuyan naman nakikipag-ugnayan ang pamilya sa DSWD upang mabigyan ng counseling ang ina ng sanggol.

Hindi madali ang maagang pagbubuntis

Sa ating bansa, tumaas ng tumataas ang kaso ng mga inang maagang nabubuntis. Madalas ay minor de edad pa lamang sila, at halos walang alam tungkol sa pag-aalaga ng mga bata. Kaya’t importanteng bigyan natin sila ng suporta at hindi panghuhusga, dahil mas importante ang mabigyan natin sila at ang kanialng mga anak ng magandang kinabukasan.

Heto ang ilang mga payo para sa maagang nagbuntis:

1. Sabihin mo sa iyong mga magulang o sa kahit sinong nakatatanda na iyong pinagkakatiwalaan.

Natatakot man ang bata na sabihin ito, ang mga nagdadalang tao ay kailangan pa rin ng suporta ng ibang tao para sa ikabubuti ng bata. Kaya naman kailangan nila itong sabihin sa kanilang magulang, o kaya naman ay sa isang nakatatanda na kanilang pinagkakatiwalaan.

Sa tulong ng nakatatandang kaya mong pagkatiwalaan, makakapag-desisyong mabuti ang mga batang nagdadalang tao. Mabibigyan pa sila ng suportang medikal.

Himukin mo ang dalagang nagdadalang tao na lumapit sa taong pinagkakatiwalaan nila ng taos-puso at walang takot. Pero, maging handa para sa hindi magandang reaksyon.

Pero dapat din nilang tandaan na kung anuman ang gusto niyang gawin, dapat ay hindi siya mapilitang gawin ang hindi niya gusto.

2. Pumunta sa isang doktor.

Ang isang buntis ay dapat matingnan ng isang doktor sa lalong madaling panahon, para mabigyan ng tamang prenatal care. Siya ay dapat bigyan ng mga bitaminang kailangan niya. Dapat rin siyang sumailalim sa isang pagsusuri upang makita nila kung meron siyang STD kung kinakailangan.

May karapatan ang tatay na maki-alam sa sitwasyong ng nagbubuntis.

3. Kausapin ang ama ng bata.

Karapatang malaman ng tatay ng bata na meron siyang anak. Mula doon ay dapat magdesisyon kung ano ang gagawin ng ama.

4. Humanap ng mga taong susuporta sa iyo.

Ang nagdadalang tao ay meron dapat susuporta sa kanya, katulad ng counselor, mga kaibigan, mga magulang, o doktor. Mainam na magkaroon ng mga taong matatakbuhan ng nagdadalang tao kung kailangan niya maglabas ng sama ng loob at matulungan siyang ma-solusyonan ang kaniyang mga problema.

 

Source: GMA Network

Basahin: Madrasta pinag-utos na gahasain at patayin ang kaniyang stepdaughter

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko