X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bata namigay ng higit P5.5 milyong gift sa isang live streaming app

5 min read

Narito ang mga internet safety tips para sa mga bata na makakatulong upang maiwasang mangyari ito sa iyong anak.

internet safety tips para sa mga bata

Book photo created by pressfoto - www.freepik.com 

Batang namigay ng higit sa P5.5 milyong gifts online

Isang bata sa South Korea ang namigay ng higit sa P5.5 milyong worth of gifts sa isang live streaming app. Mga magulang ng bata nagulat at walang kaalam-alam sa ginawa ng kanilang anak.

Ayon sa ama ng nasabing bata na isang babae at edad 11-anyos, nagawa ito ng bata gamit ang smartphone ng kaniyang ina.

"My wife always leaves her phone unlocked since she is visually impaired and suffers from brain damage.”

Ito ang pahayag ng ama sa isang panayam.

Dahil sa wala itong password ay na-access umano ng bata ang smartphone nito. Namili ito ng app-credits sa isang live streaming app na kung tawagin ay Hakuna Live. At saka ito ipinamigay sa kaniyang sinusubaybayang streaming stars.

Ang ipinamigay na gifts ng bata umabot sa halagang 130 million won o P 5.5 milyon. Ito sana ay gagamitin ng kaniyang magulang bilang pambili ng kanilang bagong bahay na nakatabi sa kanilang bank account.

Ayon pa rin sa ama ng bata, nasa 35 streamers ang nakatanggap ng online gifts na ipinamigay ng kaniyang anak. Ginawa ang transaksyon sa pagitan nitong Agosto 3 hanggang 12 sa pamamagitan ng isang mobile payment system.

Halos P2 milyon sa kaniyang naipamigay hindi na maibabalik pa

Nakausap na umano nila ang 35 streamers na nakatanggap ng online gifts mula sa bata. Marami ang pumayag na ibalik ang pera. Ngunit mayroon sa mga ito ang hindi na ma-recover na tinatayang nasa 46 million won o P1,925,600 milyon.

Ang ginawa na ito ng bata ay hindi isolated case. Sa South Chungcheong Province pa rin sa South Korea ay may isang bata rin ang nagbigay ng 17 million won o P734,617 sa isang online streamer. Marami pang tulad nitong kaso ang na-record ng awtoridad na mas dumami pa nang nagsimula ang COVID-19 pandemic. Dahil sa maraming bata ang ginugugol ang kanilang oras sa pag-oonline sa internet.

Kaya naman payo ng awtoridad bantayan ang inyong mga anak. Siguraduhing protektado ang inyong mga online transactions. Para rin maiwasan ito, narito ang mga internet safety tips para sa mga bata na maaari ninyong i-apply.

internet safety tips para sa mga bata

People photo created by pch.vector - www.freepik.com / Internet safety tips para sa mga bata

Internet safety tips para sa mga bata

1. Mag-set ng rules o limitahan ang paggamit ng internet ng iyong anak.

Ipaliwanag sa kaniya kung bakit kailangan niyang sumunod sa mga internet rule na ibinibigay mo at ng inyong Internet service provider.

2. Paalalahanan siya na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon o makikipag-usap sa mga taong hindi niya naman kilala.

Paalalahanan siya na huwag mag-post o makipagpapalit ng personal pictures at information online. Ipaalala rin na hindi siya dapat basta nagbibigay ng kaniyang personal information sa ibang tao tulad ng kaniyang phone number, address at lokasyon. Hindi niya rin dapat pinamimigay ang kaniyang password maliban sa iyo na magulang niya.

Kung inaaya siyang makipagkita ng taong nakilala niya online ay dapat na agad niya itong ipaalam sayo. Ganoon din kung siya'y nakakatanggap ng pananakot o request mula sa mga nakilala niyang tao online.

3. Mag-spend ng time kasama ang iyong anak para makita ang ginagawa niya online.

Ilagay ang computer, gadget at smartphones sa common area at hindi sa kuwarto para ma-monitor mo ang ginagawa niya. Mabuti rin na tabihan siya sa oras na siya ay nag-iinternet o may ginagawa online.

internet safety tips para sa mga bata

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

4. I-bookmark ang mga favorite sites ng iyong anak para mas madali niya itong makita.

Para hindi na siya maka-access ng iba pang sites ay i-bookmark na ang mga sites na ina-access ng iyong anak. Saka ito ugaliing i-check o tingnan ang mga transactions o activity na ginagawa niya dito.

5. Ugaliing i-check ang iyong credit card at phone bills para malaman mo agad kung may “unfamiliar” account charges.

Mahalaga ito upang agad na maagapan o mahinto ang mga transaction o activity na maaring maglagay sa iyong anak o pamilya sa alanganin at kapahamakan.

6. Makipag-ugnayan din sa eskuwelahan ng iyong anak para malaman kung sila ba ay napapayagan mag-access ng internet.

Mahalaga ito upang malaman mo kung may iba pang online activity na ginagawa ang iyong anak sa labas ng inyong bahay. Kung sakali mang nakaka-access sila ng internet sa school ay alamin sa eskuwelahan kung may online protection ba silang ginagamit para masigurong ligtas ang iyong anak online.

7. I-encourage ang iyong anak na maging open sa iyo sa lahat ng oras kung may gusto siyang sabihin o may bagay na gumugulo sa kaniya.

Ito'y upang agad mong ma-address ang kaniyang mga katanungan at maiwasan siyang maging biktima ng mga online predators.

 

Source:

ABS-CBN News, Safewise, The Asianparent PH

Photo:

Technology photo created by freepik - www.freepik.com

BASAHIN:

Partner Stories
Awaken the Season at Ayala Malls
Awaken the Season at Ayala Malls
OMF Lit's Amazon sales goes to Mandaluyong frontlines
OMF Lit's Amazon sales goes to Mandaluyong frontlines
Novo Nordisk launches once-weekly treatment for Filipinos with type 2 diabetes  
Novo Nordisk launches once-weekly treatment for Filipinos with type 2 diabetes  
In choosing purified water, are you sure it's 'untouched by human hands'?
In choosing purified water, are you sure it's 'untouched by human hands'?

4 signs na masyadong nang maraming laruan ang bata

8 signs na addicted na ang anak mo sa gadgets

How to protect your child from social media cyberbullies

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Bata namigay ng higit P5.5 milyong gift sa isang live streaming app
Share:
  • Dangerous online games and apps to avoid for your children

    Dangerous online games and apps to avoid for your children

  • Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

    Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Dangerous online games and apps to avoid for your children

    Dangerous online games and apps to avoid for your children

  • Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

    Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.