Jessy Mendiola sinisimulan na ang pagde-design ng baby room ni Peanut. Aktres sinabing may naiisip na silang pangalan ni Luis sa kanilang baby na inspirasyon rin sa disenyo ng magiging nursery room nito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola.
- Pagdidisenyo ni Jessy Mendiola ng magiging baby room ng unica hija nila ni Luis Manzano.
Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola
Sa pinakabagong vlog episode ng aktres na si Jessy Mendiola ay nagbigay ng update ang soon to be mom sa pagbubuntis niya.
Ayon kay Jessy, nasa 6th month na siya ng kaniyang pagbubuntis at marami na silang ginagawang adjustments at preparations ng mister na si Luis Manzano para sa nalalapit niyang panganganak.
“I’m currently 6 months and 1 week pregnant, 25 weeks na ko. Ang daming nangyayari sa buhay namin, kumbaga sumasabay siya sa paglaki ni Peanut. Naghahanda kami for the baby shower, then we are moving to a new house. Lilipat kami sa bahay na mas safe para sa baby namin.”
Ito ang pagbabahagi ni Jessy sa kaniyang vlog.
Matatandaang kamakailan ay nag-positibo sa sakit na COVID-19 si Jessy. Pero base sa latest niyang vlog na tampok ang pre-natal check-up niya ay ibinahagi rin ng aktres na maayos ang paglaki ng kaniyang sanggol sa kabila ng banta sa kalusugang naranasan.
“Peanut is ok, peanut is normal even after my COVID infection. We are just really grateful kasi strong si Peanut. Normal ang growth niya, normal ang weight niya.”
Ito ang sabi pa ni Jessy.
Sa isinagawang pre-natal checkup ni Jessy ay sumailalim rin sa ultrasound scan ang kaniyang ipinagbubuntis. Doon nagpakita ng mukha ang baby ni Jessy at Luis na lamang umano ang nakuhang itsura mula sa kaniyang ina.
Kuwento pa ni Jessy, kung sa mga naunang buwan ng pagbubuntis ay hindi pa siya makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan niya, ngayon ay talagang ramdam na ramdam niya ng may sanggol na lumalaki sa loob ng kaniyang tiyan. Dahil ngayon daw ay ramdam na ramdam niya na ang bawat paggalaw nito.
“Nakaka-excite kasi yung mga first few months ang surreal e. Hindi pa ako naniniwala na buntis ba talaga ako? Tapos ngayon makikita mo na, ok totoo na ito.”
“Ramdam na ramdam ko na. Bumibigat na yung tiyan ko, sumasakit na yung lower back ko. Nagiging manas ako minsan. Nakakatuwa lang na everything is just unfolding in front of me”, sabi pa ni Jessy.
Pagdidisenyo ni Jessy Mendiola ng magiging baby room ng unica hija nila ni Luis Manzano
Ilang buwan nalang at mahahawakan na nila Jessy at Luis ang kanilang unica hija. Kaya naman sa ngayon ay nagsisimula narin sila sa pagpaplano sa magiging itsura ng baby room o kwarto nito.
Ayon kay Jessy, ang kapatid niyang interior designer na si Megan Tawile ang nangunguna sa pag-aayos ng baby room ng kaniyang anak. Pagdating sa naiisip nilang theme ng kwarto nito, si Jessy sinabing ibinabagay nila ito sa pangalan ng kanilang baby. Bagamat ang aktres hindi pa ibinahagi ang naisip nilang ipangalan sa panganay nila ni Luis.
“We are planning a baby room for Peanut. Gusto ko mabango lang tingnan, floral. ‘Yong name ni Peanut malalaman ninyo yan in a few months. Yung name niya binabagay namin sa room niya.”
Pagpapatuloy pa ni Jessy, maliban sa gusto niyang maging relaxing sa mata ang kwarto ng kaniyang magiging anak, sinisiguro niya rin na safe ito o baby friendly. Lahat ng gamit at furniture dito ay hindi toxic sa environment.
Kahit mga fabric na ginamit ay hindi harsh o maaring maka-irritate sa maselang balat pa ng mga sanggol. Dagdag pa niya, kahit baby girl ang ipinagbubuntis ayaw niyang mag-sumigaw na pink ang kwarto nito.
“Di ba may ibang mga baby room na ‘yong theme nila kapag girl super pink, pag boy super blue. Parang naisip ko lang yung pagka-neutral niya kahit papaano may touch of femininity but at the same time hindi siya ‘yong hard core na parang pink na pink.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Sa ngayon, maliban sa pagpaplano sa kanilang baby room, sina Jessy at Luis ay nangibang bansa muna para makapag-relax. Sabi ni Jessy, napakahalaga sa kaniya ng ginagawang pagsuporta at pag-aalalay ni Luis sa kaniyang pagbubuntis. Sa mga buntis na tulad niya, si Jessy ay nag-iwan ng mensahe para hindi sila ma-stress habang nagdadalang-tao.
“Just support each other. Syempre nandiyan yung worries, nandyan ‘yong anxieties, nandyan ‘yong fear, nandyan ‘yong kasiyahan, pag-aalala yung doubt, it’s very important that you support each other. Be open to each other.”
Ito ang payo ng soon-to-be mom na si Jessy sa mga buntis na tulad niya at sa kanilang mga asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!