TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Jollibee party packages: How to book an online party para sa kids

5 min read
Jollibee party packages: How to book an online party para sa kids

Kunin na ang inyong party hats at ihanda ang mga sarili na makita si Jollibee. Kamakailan lamang ay inanunsyo nila ang "Jollibee Virtual Party"! | Lead image from Jollibee

Who doesn’t love Jollibee? Halos lahat ata ng bata, mahal na mahal ang sumasayaw pulang bubuyog na ito! Actually, pati mga chikiting ko, laging bukambibig si Jollibee. Nakakalungkot lang dahil sa nangyayaring pandemic, maraming birthday parties ang nakansela. Pero worry no more kids! Kunin na ang inyong party hats at ihanda ang mga sarili na makita si Jollibee. Kamakailan lamang ay inanunsyo nila ang “Jollibee Virtual Party”. Alamin ang iba’t-ibang abot kayang Jollibee virtual party packages!

Jollibee virtual party

Siyempre, dahil priority natin ang safety at health ng ating mga anak, mas extra special ang birthday ng mga chikiting dahil sa “Jollibee Virtual Party“. Pwedeng-pwede nang mag celebrate ng kaarawan sa bahay kasama si Jollibee. Available ito sa participating stores!

jollibee virtual party

Jollibee party packages: How to book an online party para sa kids | Image from Jollibee on Facebook

550 pesos per head sa sampung location ang maaaring makadalo sa Jollibee virtual party. Ngunit kung lalagpas ang bilang ng kasali, mayroon naman silang 15 pax at 60 pax na party packages. Ngunit ano nga ba ang mangyayari sa virtual party ng Jollibee?

Base sa piniling party package, ang jollibee meals ng guests ay ihahatid mismo sa kanilang mga bahay. Kasama na rito ang mga palamuti at dekorasyon sa party ng iyong chikiting.

Hindi lang ‘yan, dahil tatagal ng oras kayong mag-eenjoy virtually sa party!

Jollibee party packages steps

Kung ikaw ay interesado, ang una mong kailangang gawin ay mamili sa tatlong package na ito:

STEP 1

Party for 5 homes

  • Worth 11,500 pesos
  • 767 pesos per head
  • Full package para sa 15 katao

Party for 10 homes

  • Worth 16,500 pesos
  • 550 pesos per head
  • Full package para sa 30 katao

Party for 20 homes

  • Worth 26,500 pesos
  • 442 pesos per head
  • Full package para sa 60 katao

Ang tatlong party package na ito ay naglalaman ng: pagkain na ide-deliver sa bawat bahay, party decorations, regalo para sa celebrant at isang oras na online program.

jollibee virtual party

Jollibee party packages: How to book an online party para sa kids| Image from Jollibee on Facebook

STEP 2

Kailangan mong mamili ng food packages. Narito ang apat na maaaring pagpilian:

SOLO MEAL A

  • 1-pc Chicken joy w/ Jolly Spaghetti
  • Fries
  • Peach mango pie
  • Drink

SOLO MEAL B

  • 1-pc Chicken joy w/ rice
  • Jolly Spaghetti
  • Fries
  • Peach mango pie
  • Drink

FAMILY MEAL A

  • 6-pc Chickenjoy Bucket
  • Jolly Spaghetti Family Pan

FAMILY MEAL B

  • 6-pc Chickenjoy Bucket with Jolly Spaghetti
  • Rice
  • Drinks

Kinakailangan na isa lang ang piliing food package bawat party package. Para sa mga pipili ng Solo Meal A&B, makakatanggap sila ng 3 meal set. Habang ang mga pumili ng Family Meal A&B, isa lamang ang kanilang meal set.

STEP 3

Para sa Step 3, maaari kang mamili ng party giveaways. Ang mga laruan ay nagsisimula sa presyo na 45 pesos hanggang 1,100 pesos.

jollibee virtual party

Jollibee online party: How to book an online party para sa kids | Image from Jollibee on Facebook

STEP 4

Mukhang masusulit talaga ng iyong anak ang Jollibee online party dahil maaaring pagpilian ang apat na ito bilang tema ng kaarawan ng iyong anak. Ito ang mga:

  • Jollitown Theme Park
  • Fairytale Land
  • Hello Kitty Fun Carnival
  • Jollirace

Nais mo bang i-surprise ang iyong anak sa kaniyang kaawaran? Swak na swak ng Jollibee Online/Virtual Party para sa kaniya! Kung ikaw ay interesado at nais magpa-reserve ng party, i-click lamang ito.

Regular Jollibee Party Package

Party Themes: Jollitown, Jollirace, Jollibee’s FUN-tastic Factory, Hello Kitty

Party Food Package: Nagsisimula sa P161-P236 para sa in-store party at P89-P164 para sa outside party. Maaari rin gumawa ng sarili mong food package para sa minimum na 30 na bisita.

  • Menu para sa P161 Food Package (in-store): Jolly Spaghetti, Regular Fries, Regular Softdrink, Sundae
  • Menu para sa P89 Food Package (out-store): Jolly Spaghetti, Peach Mango Pie, Sunkist

Theme Favors Party Fee: P1,500 para sa in-store party at P2,000 para sa outside party

Kasama sa Party Fee: Jollibee Mascot , 30 name tags, 30 balloons, 15 assorted na papremyo sa mga laro, 15 party hats, 15 invitation cards, 15 trayliners, 5 box ng crayons, 1 message board

Partner Stories
A safe and worry-free shopping experience with Rustan's
A safe and worry-free shopping experience with Rustan's
Take your LEGO® Play to the next level with this game changer
Take your LEGO® Play to the next level with this game changer
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"
Bite into Milky Goodness with Milkana Creamy Lollipops
Bite into Milky Goodness with Milkana Creamy Lollipops

Add-ons:

Theme favor: P7 (party hat + trayliner, invitation card, at name tag)

Jollibee Party Lootbags: P60 bawat isa

Jollibee Party Cake: (ang 8 x12inches ay P900, at ang 12×12inches ay P1,100)

Additional Mascot: P1000 bawat mascot para sa 30 minuto ng appearance

Maaari rin makakuha ng P200 na rebate kung gagastos ng P10,000 gamit ang iyong Happy Card Plus. Tandaan lamang na ang Jollibee party package na Kiddie Store Party ay mayroon lamang sa ilang piling branch ng Jollibee. Maaaring bisitahin ang kanilang website para i-check gamit ang Store Finder tool ang listahan ng mga branch na may Jollibee party package.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Pehpot.com

 

BASAHIN:

Jollibee party at iba pang kiddie party packages para sa birthday ni baby

How to plan your kid’s 7th birthday party

LOOK: Princess-themed 7th birthday ng anak ni Yasmien Kurdi

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kaganapan
  • /
  • Jollibee party packages: How to book an online party para sa kids
Share:
  • Proteksyon sa init: Paano pangalagaan ang pamilya habang nagtatravel o nagbabakasyon

    Proteksyon sa init: Paano pangalagaan ang pamilya habang nagtatravel o nagbabakasyon

  • 10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

    10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

  • Paano nag-ask ng marriage ang husband niyo? Ito ang sagot ng mga TAP moms

    Paano nag-ask ng marriage ang husband niyo? Ito ang sagot ng mga TAP moms

  • Proteksyon sa init: Paano pangalagaan ang pamilya habang nagtatravel o nagbabakasyon

    Proteksyon sa init: Paano pangalagaan ang pamilya habang nagtatravel o nagbabakasyon

  • 10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

    10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

  • Paano nag-ask ng marriage ang husband niyo? Ito ang sagot ng mga TAP moms

    Paano nag-ask ng marriage ang husband niyo? Ito ang sagot ng mga TAP moms

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko