X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Facebook users, makakatanggap ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng bakuna

4 min read
Facebook users, makakatanggap ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng bakuna

Narito ang bagong feature ng Facebook na ginawa para magbigay ng impormasyon tungkol sa pagbabakuna

Kahalagahan ng bakuna ipapalaganap sa pamamagitan ng Facebook at Instagram. Ito ang bagong feature na ginawa ng social networking site para malabanan ang pagkalat ng mga anti-vaccine misinformation.

kahalagahan ng bakuna

Image from Pixabay

Pagpapalaganap ng kahalagan ng bakuna online

Ayon sa pahayag ng Facebook na nagmamay-ari rin ng Instagram, ang bagong feature na ito ay lalabas sa networking site tuwing mag-sesearch tungkol sa vaccine-related content ang isang user. Ganoon din kapag bumibisita sa mga Facebook groups at pages o kaya naman kapag tinap ang vaccine-related hashtag sa Instagram.

kahalagahan ng bakuna

Image from CNN

Ang mga impormasyong makikita sa bagong feature na ito ay mula sa Center for Disease Control and Prevention o CDC at World Health Organization o WHO.

“The World Health Organization and Facebook have been in discussions for several months to ensure people will be able to access authoritative information on vaccines and reduce the spread of inaccuracies.”

Ito ang pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang written statement.

Magandang paraan daw ito upang malabanan ang vaccine misinformation na malaking banta sa maayos na kalusugan sa buong mundo. Lalo pa’t maraming sakit ang maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

“Major digital organizations have a responsibility to their users — to ensure that they can access facts about vaccines and health. It would be great to see social and search platforms come together to leverage their combined reach.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Ghebreyesus.

Isang mahusay na hakbang para malabanan ang vaccine misinformation

Pinuri naman ng CDC ang hakbang na ito na ginawa ng Facebook para labanan ang mga anti-vaccine misinformation. Lalo pa’t ayon sa mga public health experts, ang mga anti-vaccination content online ang isa sa mga dahilan kung bakit kumonti ang nagpapabakuna na nag-resulta sa mga disease outbreaks sa buong mundo.

“We know that parents often turn to social media to access health information and connect with other parents, and it can be difficult to determine what is accurate and who the credible sources of information are.  Combating “vaccine myths and misinformation is a shared responsibility and we applaud these efforts.

Ito ang pahayag ni Kristen Nordlund, ang spokeswoman ng CDC.

Maliban sa Facebook at Instagram, ang Pinterest, Amazon at YouTube ay sinimulan naring tanggalin ang mga anti-vaccine related content sa kanilang platform.

Mga bakunang kailangan ng iyong anak sa kaniyang unang taon

Samantala, para sa mga magulang ang mga vaccines o bakuna na dapat matanggap ng iyong anak sa kaniyang unang taon ay ang sumusunod:

Unang Buwan (Pagkapanganak hanggang sa ika-aapat na linggo)

  • BCG (Bacille-Calmette-Guerin) o ang bakuna laban sa tuberkulosis at ketong (leprosy)
  • Bakuna laban sa Hepatitis B

Ika-6, 10 at 14 na linggo

  • DPT (Diphteria, Pertussis, Tetanus) o ang bakuna laban sa mga sakit o impeksyon sa upper respiratory tract at labis na pananakit o paninigas ng muscles ng baby.
  • Polio (Oral Polio Vaccine o OPV), ang bakuna laban sa sakit na polio
  • Haemophilus Influenzae Type B (Hib) at Pneumococoal Conjugate (PCV) vaccines laban sa sakit na pulmonya
  • Bakuna laban sa Rotavirus o Diarrhea

9 na buwan

  • MMR vaccine o ang bakuna laban sa measles, mumps at rubella

Ang mga bakunang nabanggit ay libreng makukuha sa pinakamalapit na health centers sa inyong lugar. Dito rin ay mas mabibigyan kayo ng kaalaman tungkol sa mga bakunang ito. Importanteng maintindihan ng bawat magulang ang kahalagahan ng bakuna dahil ito ang magiging proteksyon ng inyong anak laban sa mga sakit.

May mga bakuna rin na maaring makuha sa pribadong klinika tulad ng bakuna laban sa chicken pox o bulutong, tetraxim at flu vaccine ngunit ito ay may bayad na.

Source: CNN, The AsianParent Philippines

Photo: Pixabay

Basahin: 7 bakuna na kailangang ulitin kapag malaki na ang bata

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Facebook users, makakatanggap ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng bakuna
Share:
  • 5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak

    5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak

  • Super bacteria sanhi ng hindi paghuhugas ng kamay matapos mag-CR, hindi nagagamot ng antibiotics

    Super bacteria sanhi ng hindi paghuhugas ng kamay matapos mag-CR, hindi nagagamot ng antibiotics

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak

    5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak

  • Super bacteria sanhi ng hindi paghuhugas ng kamay matapos mag-CR, hindi nagagamot ng antibiotics

    Super bacteria sanhi ng hindi paghuhugas ng kamay matapos mag-CR, hindi nagagamot ng antibiotics

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.