Soraya Ray L. Bañas o mas kilala ng lahat sa tawag na Kitkat, ibinahagi ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang 1st baby!
Mababasa sa artikulong ito:
- Kitkat pregnant sa kaniyang 1st baby
- Sintomas ng early pregnancy
Kitkat pregnant sa kaniyang 1st baby
Eksaktong araw kung kailan nagdiriwang ang buong mundo para sa araw ng mga puso, ibinahagi ni ng singer at komedyanteng si Kitkat ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Sa kasalukuyan, labinglimang buwan na siyang pregnant sa 1st baby nila ng kaniyang. Taong 2014 nang ikasal si Kitkat sa kaniyang Filipino-American boyfriend na ngayo’y asawa na niyang si Waldy Fabia.
Kasabay ng pagbati ng “HAPPY VALENTINE’s DAY EVERYONE!!!!” ni Kitkat sa kaniyang Instagram post, ibinahagi rin niya sa mga tao ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Kilalang mapagbiro ang aktres bilang siya ay isang kilalang komedyante. Subalit sa pagkakataong ito, proud at masayang ibinahagi ni Kitkat ang tungkol sa kaniyang pregnancy.
Pagbabahagi ni Kitkat,
“We just want to share with all of you our greatest happiness and Blessing, YES!!! WE ARE PREGNANT!”
Ayon sa aktres, mula pa man noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon at nagdadalang-tao na siya. Subalit tila pansamantala muna itong nilihim ng aktres. Pagbabanggit niya,
“Oha walang nakapansin ano, I’ve been pregnant since november and super blessing talaga at ‘di kami maselan ni baby… “
Labis na lamang ang pagpapasalamat ng aktres dahil hindi naging maselan ang unang yugto ng kaniyang pagbubuntis. Dahilan para hindi siya agad tumigil sa pagtatrabaho bilang aktres at komedyante.
“Siguro nagtataka lang kayo bakit lagi maluwag ang mga damit ko sa mga tv appearances ko at lagi naka rubber shoes hehe!” dagdag pa niya.
Si kitkat ay lumalabas sa GMA late-night comedy program na The Boobay and Tekla Show, kung saan kabilang siya sa kung tawagin nila ay Mema Squad.
Upang hindi agad mapansin ng mga tao at mga katrabaho, pinili ng komedyante ang pagsusuot ng mga maluluwag at komportableng kasuotan.
Sa labis na tuwa at kasiyahan, ibinahagi ng aktres ang kanilang minu-minuto at paulit-ulit na pasasalamat sa Diyos sa pagpapalang ito na ibinagay sa kanila. Ang malaking blessing na ito ‘di umano ang magdadala ng malaking pagbabago sa kanilang buhay.
Bukod pa rito, hindi pinapahirapan ang soon-to-be mom na si Kitkat ng kaniyang baby. Pagsasaad niya,
“Ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma at kung ano ano pa ay ‘di ko talaga nararamdaman simula ng nagbuntis ako!”
Hindi gaya ng ibang soon-to-be mom na nakakaranas ng marami at malalang sintomas ng pagbubuntis, masasabing medyo hassle-free ang kaniyang pagbubuntis. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan at pagpapasalamat ni Kitkat.
Ayon pa sa kaniya,
“We Praise and Love and Trust YOU PAPA GOD! Maraming Salamat po talaga! … ‘yon lang! “HAPPY (indeed) VALENTINE’s” talaga.”
Pagsasaad pa ng aktres, “Perfect timing” ang pagdating ng kanilang baby na talaga namang ipinagkatiwala nila sa Diyos.
View this post on Instagram
Samantala, sa isa pa niyang IG post kung saan makikita ang video ng kaniyang baby habang naka-ultrasound, kapansin-pansin ang excitement ng aktres sa pagdating ng kaniyang little angel.
Ngayon pa lamang ay nilu-look forward na niya ang mga pagkakataon na makikita, makakasama at mahahagkan niya ang anak.
Ayon sa aktres na si Kitkat,
“I look forward to all the ways you will be just like your Daddy Walby. But I especially look forward to learning about all the things that make you uniquely YOU. We love you baby, we cant wait to see you.”
BASAHIN:
Buntis ba ako? Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
Sintomas ng early pregnancy
Nararamdaman mo ba o simpleng napapaisip ka kung ikaw ay buntis? Isang mabilis na paraan upang matukoy kung ikaw ba ay nagdadalang-tao ay sa pamamagitan ng pregnancy test.
Samantala, may ilang mga sintomas ng early pregnancy ang maaari mong makita at maramdaman upang matukoy ang posibilidad sa iyong pagbubuntis.
-
Spotting at Cramping.
Mayroong tinatawag na implantation bleeding, nangyayari ito 6 hanggang 12 araw mula ng ma-fertilize ang egg. Ang cramps naman ay maihahalintulad sa menstrual cramps. Kaya naman napapagkamalan ng ilang kababaihan na ito ay sensyales lamang na magsisimula na ang kanilang period.
-
Pagbabago sa breast.
Mabilis na nagbabago ang hormone level ng babae matapos ang conception. Dahil sa mabilis na pagbabagong ito, maaaring makaranas ng pamamaga, pananakit, at maging tingly ang breast ng babae sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
-
Fatigue.
Ang pakiramdam ng pagkapagod ay normal lamang sa mga nagdadalang-tao mula sa simula hanggang sa makapanganak ito. Ang hindi pangkaraniwang pagkapagod ng babae ay maaaring maranasan isang linggo matapos mag-conceive.
-
Morning sickness (Nausea).
Ito ang pinakakilalang sintomas ng early pregnancy, subalit hindi lahat ng babaeng nasa early pregnancy stage ay makakaranas nito. Ang pagduduwal at pagkahilo ay maaaring maranasan kahit anong oras. Subalit karaniwan itong nangyayari tuwing umaga.
-
Missed period.
Ang hindi datnan ng buwanang dalaw ang isa sa pinakamalinaw at obvious na sintomas ng pregnancy. Subalit tandaan na hindi lahat ng missed period ay dahil sa pagbubuntis.
Iba pang sintomas ng early pregnancy:
- Madalas na pag-ihi
- Constipation
- Mood swings
- Pananakit ng likod at ulo
- Pagkahilo at panghihina
Maaaring maranasan ng babaeng nagdadalang-tao ang lahat ng sintomas na nabanggit sa itaas. Mayroong iba na isa o dalawa lamang sa mga ito ang kaniyang nararanasan.
Alin man dito ang iyong maranasan at pakiramdam mong hindi na normal at nakaabala na, agad na komunsulta sa doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.