Kris Aquino sa pakikipaglaban sa sakit: “Kuya & Bimb are my living reminders to not give up because they still need a healthier mama.”

Ayon kay Kris, si Josh at Bimby ang dahilan kung paano niya nalalampasan ang hirap at sakit ng treatment na pinagdadaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino muling nakasama ang mga anak na sina Josh at Bimby sa Amerika. Ayon kay Kris, ang mga anak ang pinaghuhugutan niya ng lakas sa pakikipaglaban sa kaniyang malubhang sakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Muling pagkikita ni Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby sa Amerika.
  • Paglaban ni Kris sa sakit para sa mga anak.

Muling pagkikita ni Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby sa Amerika

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Nagkasama ng muli ang mag-iinang sina Kris Aquino, Josh at Bimby. Ang tagpong ito ibinahagi ni Kris sa kaniyang latest social media post. Kuwento ni Kris, si Bimby lang daw talaga ang dapat babalik ng US para may makasama siya. Lalo pa’t sa ngayon daw ang sakit sa kaniyang mga joints at balakang ay mas lumalala. Namamaga rin daw ang tuhod niya dahilan para mahirapan siyang maglakad. Kaya naman pinakiusapan niya si Bimby na bumalik na agad.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Hindi daw inakala ni Kris na pati ang panganay niyang si Josh ay gusto ring bumalik sa US para mabisita siya. Dahil daw ang happy place nito ay ang bahay nila sa Tarlac. Gustuhin man daw ni Kris na bigyan ng kalayaan ang mga anak at ma-enjoy ng mga ito ang kaniyang teenage life kailangan niya daw ang mga ito sa pagpapagamot niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I wanted for Bimb to experience normal teenage life & kuya’s happy place is Alto, our family compound in Tarlac… pero mahirap mag chemotherapy medication as part of my immunosuppressant therapy without the support system of family.”

Ito ang bahagi ng Instagram post ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paglaban ni Kris sa sakit para sa mga anak

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Ikinuwento rin ni Kris kung gaano kahirap ang treatment na pinagdadaanan niya. Pero lahat daw ng hirap at sakit ay tinitiis niya para malabanan ang sakit at maging malusog para sa mga anak niyang sina Josh at Bimby. Kaya naman labis ang saya niya na makasama at mayakap muli ang mga ito.

“Kuya & Bimb are my living reminders to not give up because they still need a healthier mama. ‘Pag mahal mo, hinding hindi ka susuko, itutuloy ang LABAN.”

“Tonight i’ll sleep “siksik” in between my 2 giants. Muling nabuo kaming 3, thank you God for making me a very happy mama. ?”

Ito ang sabi pa ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement