Ngayong darating na pasukan sa August 24, ready na ba ang iyong anak para sa kanyang online learning? Don’t worry mommy dahil siguradong makakatulong ang libreng worksheet mula grade 1 hanggang grade 10 na ito!
Balik klase ngayong August 24, 2020
Para sa darating na pasukan ngayong August 24, ang mga school ay sasailalim sa Blended learning.
Ang sistema na ito ay ginagamitan ng internet, TV, radio o ibang worksheets na ibibigay ng paaralan. Ito ay para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Free worksheets for grade school | Image from Freepik
Dagdag pa ni Department of Education Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa kabila ng desisyon ng DepEd sa Blended learning, tutol pa rin si President Duterte dito.
Ayon sa kanya, “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita.
Free worksheets for grade school | Image from Freepik
Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.
Print and download! Libreng worksheet mula grade 1 hanggang grade 10
Para sa mga mommy na naghahanap ng school worksheet para sa kanilang mga anak, narito ang listahan ng mga pwedeng makatulong sa inyo ngayon. Ang mga worksheet na ito ay mula Grade 1 hanggang Grade 10.
First grade: https://tinyurl.com/TDAgrade1
Second grade: https://tinyurl.com/TDAgrade2
Third grade: https://tinyurl.com/TDAgrade3
Fourth grade: https://tinyurl.com/TDAgrade4
Fifth grade: https://tinyurl.com/TDAgrade5
Sixth grade: https://tinyurl.com/TDAgrade06
Seventh grade: https://tinyurl.com/TDAgrade7
Eight grade: https://tinyurl.com/TDAgrade8
Ninth grade: https://tinyurl.com/TDAgrade9
Tenth grade: https://tinyurl.com/TDAgrade10
Libreng worksheet mula grade 1 hanggang grade 10 | Image from Unsplash
Ngayong pinaiiral ang Blended Learning, gawing makabuluhan ang pag-aaral ng iyong anak sa bahay. Wag kakalimutang tulungan siya kung siya ay alam mong nahihirapan sa isang subject. Maglaan rin ng tahimik at komportableng kwarto para maging iwas distraction sa kanyang study time kung sakaling mag iingay si bunso.
Samahan na rin ng paborito niyang merienda para may energy sa pag solve ng napakahirap na math problems!
Ingat po tayo moms and kids!
Source:
Free worksheets for grade school
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!