Higit sa dalawang daang libong quarantine babies o lockdown babies Philippines inaasahang ipanganganak sa susunod na taon ayon sa POPCOM.
Quarantine babies o lockdown babies Philippines
Ayon sa UN data, sa ngayon ang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang umabot na sa 109, 581, 078 na Pilipino. Katumbas ito ng 1.41% ng kabuuang populasyon sa buong mundo na kung saan nasa 13 puwesto ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking populasyon. Habang pumapangalawa naman ito sa mga bansang may pinaka-malaking populasyon sa Southeast Asia.
Ang mga numerong ito ay nadadagdagan pa sa pagdaan ng mga araw at tinatayang mas lolobo sa susunod na taon. Ito ay ayon sa Commission on Population o POPCOM. Ang itinuturong dahilan ay ang ipinatutupad na lockdown o quarantine measures sa buong bansa laban sa COVID-19 pandemic. Dahil sa pamamagitan nito ay mas dumami ang oras ng mag-asawa na magkasama sa loob ng kanilang bahay.
214,000 babies inaasahang maipapanganak next year
Base nga sa pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines Population Institute o UPPI tinatayang aabot sa 214,000 quarantine babies ang ipapanganak sa Pilipinas sa susunod na taon. Dahil maliban sa mas mataas na tiyansa ng pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa ay may 600,000 na kababaihan rin ang hindi nakakuha ng kanilang family planning supplies bunsod parin ng ipinatutupad na lockdown. Ito ay dahil hindi sila makapunta sa mga centers sa kanilang lugar upang makakuha ng kanilang supply o serbisyong kailangan. Sapagkat wala silang masakyan na pampublikong transportasyon o kaya naman natatakot silang lumabas at mahawa sa kumakalat na virus.
“They also predicted that 600,000 women will not be able to get (family planning) supplies… (This means) one pregnancy for every three women who are not able to get the supplies that they need.”
Ito ang pahayag ni POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III sa isang panayam.
POPCOM sa mga couples: Mag-kontrol at gumamit ng family planning method
Kaya naman kaugnay nito ay una ng hinimok ng POPCOM ang mga mag-asawa na kung maari ay mag-kontrol o kaya naman ay gumawa ng paraan upang magsagawa parin ng family planning method. Dahil ayon sa statistics, ang bilang ng unplanned pregnancies ay mas tumataas kapag may natural calamity. At ito ay hindi dapat dumagdag pa sa kinahaharap na pagsubok ng mga medical institution sa ngayon.
We are uncertain as to when the health emergency caused by COVID-19 will abate. As such, we do not want to add on to the current situation with another possible crisis caused by unplanned pregnancies, as they could bear added weight to our already strained medical institutions.”
Ito ang pahayag ni POPCOM Chief Juan Antonio Perez III sa isang pahayag.
Kaugnay nito ay pinaalalahan niya rin ang mga health agencies na sana ay patuloy na i-educate ang kanilang komunidad tungkol sa kahalagahan ng family planning. Sila ay dapat na mabigyan rin ng kanilang kinakailangang supply tulad ng pills at condom upang ito ay maisagawa. Kung kinakailangan ito ay dapat mai-deliver sa mga bahay-bahay ng mga pamilyang naka-enroll sa family planning program ng bawat barangay.
Long-term family planning method ang gamitin para makasigurado
Pero dagdag pa niya upang mas makasigurado at hindi na makadagdag pa sa bilang ng lockdown babies Philippines ay mas maiging gumamit nalang ng long-acting contraceptives ang mga babae. Tulad ng intra-uterine devices o IUD o kaya naman ay sub-dermal implants na tumatagal ng ilang taon.
“If you have not decided on the number of children, and you are relying on a method that is commodity-based, then you are truly at risk for another unplanned child. So, we’d like to encourage women to use a more long-acting method”, pahayag parin ni Perez.
Ayon parin kay Perez, ay mananatiling bukas ang POPCOM family wellness clinic sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City upang ma-serbisyohan ang mga pamilyang Pilipino at mag-asawa para sa kanilang family planning needs.
Maari ring makipag-ugnayan sa kanilang Family Planning Facebook account kung nais humingi ng payo o tulong mula sa ahensya. Ito ay bukas at tumatanggap ng katanungan mula alas-8 hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Ano ang family planning?
Ayon sa Department of Health, ang family planning ay ang pagkakaroon ng bilang ng mga anak kung kailangan gusto at handa na ang isang pamilya. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng ligtas at epektibong modernong paraan para maiwasan ang hindi inaasahang pagdadalang-tao ng isang babae. Ito rin ay ang tamang pagkakaroon ng proper birth spacing o ang agwat ng mga edad ng mga anak na dapat ay tatlo hanggang limang taon ang layo sa isa’t-isa na makakabuti hindi lang para sa ina kundi pati natin sa kaniyang anak at buong pamilya.
Isang paraan ng pagpa-family planning ay ang paggamit ng mga birth control methods o mga paraan na makakatulong upang makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis. May iba’t-ibang klase ng birth control methods ang maaring pagpilian na mas nagiging epektibo kung tama ang paggamit nito. Ilan nga sa mga uri ng birth control methods na available sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
Mga uri ng birth control methods sa Pilipinas
- Condom
- Birth control pills
- IUD o Intra-uterine device
- Implant
- Injectable
- Calendar o Rhythm method
- Withdrawal method
Kung may katanungan o nais maliwanagan sa mga nabanggit na family planning methods ay makipag-ugnayan lang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Source:
Inquirer News, The Philippine Star, DOH
Basahin:
Ang mga dapat malaman tungkol sa family planning
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!