TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

May sakit pero kailangang alagaan si baby? Heto ang mga kailangan mong gawin

5 min read
May sakit pero kailangang alagaan si baby? Heto ang mga kailangan mong gawin

Kailangang siguraduhin pa rin ng mga mommies at daddies na maging malusog sila para sa kanilang mga anak.

May mga pagkakataong magkakaroon ng sakit ang mga parents ngunit kailangan pa rin na maalagaan si baby kahit masama ang pakiramdam. Sa ganitong pangyayari, hindi pa rin natitigil ang responsibilidad ng mga magulang para sa kanilang anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Tips para maalagaan si baby kahit may sakit ang parent
  • Paano mapapanatiling healthy ang pangangatawan para sa iyong baby?

Tips para maalagaan si baby kahit may sakit ang parent

May sakit pero kailangang alagaan si baby? Heto ang mga kailangan mong gawin

Number one concern ng mommies and daddies na maprotektahan ang kanilang anak. Sa kakaisip ng parents paano maaalagaan o malalayo ang baby sa kahit ano mang sakit kung minsan ay sila pa ang nakakuha nito.

Sa ganitong pagkakataon, dapat isipin din ng mga magulang na unahin ang kanialng health dahil sila ang pangunahing mag-aaruga sa kanilang baby.

Hindi naman talaga rin maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa kahit anong edad. Kung sakaling nasa ganitong pangyayari ano nga ba ang kailangan gawin? Narito ang ilang tips:

1. Unang-una sa lahat ay kailangang kumonsulta sa iyong doktor at health care professional – Kailangan na unang kokontakin sa ganitong pagkakataon ay sa mga propesyunal lumapit upang mabigyan ng tamang diagnosis. Mahalaga kasing malaman kaagad kung ano ba ang sakit o nararamdaman na iyong nararanasan. Magandang sa personal na doktor lumapit upang malaman niya ang iyong history at mabigyan ka ng tamang treatment.

Mas magiging komportable ka rin sabihin ng impormasyon tungkol sa kung kailan, saan, at kung paano ka nagkasakit. Sila rin ang pangunahing makakaalam kung paano mami-minimize ang germs na posibleng makuha pa ng iyong baby.

2. Huwag huminto na magpa-breastfeed sa iyong baby – Mahlalagang malaman na hindi nata-transmit sa breastmilk ang germs na dala ng temporary illness kaya hindi dapat mag-worry na ma-contaminate ang gatas. Ang katawan kasi ng tao ay nagpo-produce ng antibodies sa tuwing nagkakasakit kaya safe naman ang gatas na ilalabas ng iyong katawan. Kahit na magkasakit ka, hindi pa rin dapat mapabayaan ang health ni baby.

Kung nag-aalala pa rin na mahawa ang anak sa iyong sakit kung magkakaroon ng contact, maaaring i-consider ang breast pumping. Humingi ng tulong sa partner o sa kasama sa bahay upang magawa ito at magtuloy-tuloy pa rin ang pagkain ni baby.

3. Iwasang mag-panic at isipin na magkakasakit din ang iyong anak – Siyempre ang unang magiging concern talaga ng parents ay ang mahawa ang kanilang anak. Sa ganitong pagkakataon, iwasan ang mag-panic dahil kung minsan ay hindi nagiging maganda ang dulot nito. Ang mahalaga ay pakinggan ang payo ng doktor kung papaanong hindi rin makukuha ng baby mo ang iyong sakit.

maalagaan si baby kahit may sakit

Larawan kuha mula sa Pexels

4. Tandaan na normal lamang itong nangyayari at lilipas din – Hindi naman talaga maiiwasang malugmok sa ganitong pagkakataon dahil bukod sa walang energy ay hindi pa naalaagaan nang buo ang anak. Huwag lang kalimutan na normal na mapapagod ang katawan at hindi ikaw ang nag-iisang nakararanas nito. Ang mga temporary illness ay lilipas din naman matapos ang ilang araw lalo kung kumonsulta kaagad sa iyong doktor.

Maraming mga magulang na rin ang dumaan dito. Ang importante ay magpalakas upang makabalik ang lakas at mabantayan kaagad ang baby mo. Sa mga araw na may sakit ka ay ang pinakamainam na gawin ay magpahinga muna nang manumbalik ang lakas.

5. Sa oras na magkasakit, humingi kaagad ng tulong – Hindi mo kakayanin nang mag-isa ang pagpapagaling kasabay ng pag-aalaga sa baby. Dapat ay makahingi kaagad ng tulong sa malalapit na pamilya lalo kung ikaw ay mayroong partner. Sabihin sa kanila ang tunay na nararamdaman at kung anong klaseng tulong ang nais na hingin sa kanila.

Kung minsan ay mahirap ito ngunit ito ang isa sa pinaka makakatulong upang mapabilis ang iyong pagpapagaling. Sila rin ang makakatuwang lalo sa pag-aalaga ng iyong baby.

BASAHIN:

#AskDok: My baby got sick after meeting relatives—is USOG real?

Masakit na ulo habang buntis? 6 home remedies sa masakit na ulo kapag buntis

5 nakakahawang sakit ng mga bata na maaaring makuha rin ng adults

Paano mapapanatiling healthy ang pangangatawan para sa iyong baby?

maalagaan si baby kahit may sakit

Larawan kuha mula sa Pexels

Magulang ang pangunahing mag-aalaga sa kanilang mga anak. Kung ang concern mo ay health ng mga baby, dapat ay maging concern din ang personal na health mo para mas maalagaan sila nang mas mabuti. Narito ang ilang maaaring gawin upang maging malakas at healhty as parents.

  1. Matutong malaman kung kailan dapat magpahinga at mag-relax.
  2. Kumain ng masusustansyang pagkain kasabay ng pagse-serve ng healthy foods din sa mga anak.
  3. Kumpletuhin pa rin ang tulog ng at least 7 hours per day.
  4. Iwasan ang labis na stress at iniisip upang hindi makakuha ng sakit.
  5. Maglaan ng oras para sa pag-eehersisyo upang maging physically fit.
  6. Huwag i-overwork ang sarili at masyadong pagurin ang pangangatawan.
  7. Humingi ng tips sa personal na doktor tungkol sa diet.
  8. Uminom ng vitamins.
  9. Maging hydrated at uminom ng marmaing tubig everyday.
  10. Maglaan ng “me time” at magsaya paminsan-minsan.

Healthline, Raising Children

Partner Stories
What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think
What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • May sakit pero kailangang alagaan si baby? Heto ang mga kailangan mong gawin
Share:
  • What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think
    Partner Stories

    What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think
    Partner Stories

    What Can One Hour Do for a Child? More Than You Think

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko