TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Meryll Soriano sinabing pinagplanuhan at nakailang subok sila ni Joem bago siya tuluyang nabuntis

5 min read
Meryll Soriano sinabing pinagplanuhan at nakailang subok sila ni Joem bago siya tuluyang nabuntis

Dating nobya ni Joem na si Crisha Uy nagbigay komento sa rebelasyon nila Meryll at Joem.

Meryll Soriano at Joem Bascon pinagplanuhan at nakailang subok pa umano bago tuluyang makabuo ng kanilang baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Baby nina Meryll Soriano at Joem Bascon
  • Pregnancy ni Meryell Soriano sa baby nila ni Joem
  • Comment ni Crisha Uy kina Joem Bascon at Meryll Soriano sa kanilang baby

Meryll Soriano at Joem Bascon baby

Sa isa sa pinakabagong Instagram post ng aktres na si Meryll Soriano, nagbahagi ito ng cute na larawan nila ng aktor na si Joem Bascon. Ayon sa caption ng post na ito ni Meryll, ito umano ang kuha matapos nilang malaman na siya ay buntis na sa kanilang anak. Ang pagbubuntis na kanilang pinagplanunan umano at sinubukan ng paulit-ulit.

“When we found out we were parents after planning and trying. Voilà! What a happy day.”

Ito ang pahayag ni Meryll sa kaniyang Instagram account.

Matatandaang pagpasok ng bagong taon nitong 2021 ay isinapubliko nila Meryll at Joem na sila ay may anak na. Ito ay sa pamamagitan ng pagpopost ni Meryll ng mga larawan sa Instagram habang may bitbit na sanggol kasama si Joem. May mga larawan ding makikita na kasama nila ang 13-anyos na panganay na anak ni Meryll na si Elijah.

Sa caption ng post ng mga larawan na ipinost ni Meryll ay sinabi niyang bumabati ang kaniyang pamilya ng masayang bagong taon sa lahat.

Hindi man deretsahang sinabi ni Meryll sa kaniyang post na ang hawak niyang sanggol ay ang anak nila ni Joem, mabilis namang nagkaroon ng konklusyon ang mga netizens.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

Meryl Soriano’s pregnancy journey with 2nd baby

Mula noong bagong taon ay sunod-sunod na ang pag-popost ni Meryll ng mga larawan ng kaniyang baby kasama ang malalapit na miyembro ng kanilang pamilya. Tulad ng ama niyang si Willie Revillame at tiyahin na si Maricel Soriano.

meryll soriano at joem bascon

Image screenshot from Meryll Soriano’s Instagram account

Nagbahagi rin siya ng mga larawan kasama si Joem na ipinapasyal ang kanilang baby. Nagkuwento rin siya ng naging pregnancy journey niya sa naging anak nila Joem.

Ayon kay Meryll, sampung oras siyang nag-labour sa kanilang anak ni Joem na naipanganak niya namang normal. Bagama’t sa edad niyang 38 ay hindi naging madali ang pagbubuntis niya. Siya ay nakaranas ng anxiety at nakaranas din ng gestational diabetes.

meryll soriano at joem bascon

Image screenshot from Meryll Soriano’s Instagram account

“At 38, my doctor told me that it’s risky and difficult. I had anxiety over this on the latter part of my pregnancy.”

“I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth.”

BASAHIN:

#AskDok: Mga paraan para mas maging makapit si baby sa iyong sinapupunan

#AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

“I’m preggo!” Roxanne Barcelo, soon to be celebrity mom na

Ito ang pagbabahagi ni Meryll sa kaniyang naging pagbubuntis na kaniya namang nasolusyonan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.

“So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.”

“Voila! I made it. I did it and I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery.”

Meryll thanks Joem for his love and support

 
View this post on Instagram
  A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

 

Pero ang pregnancy journey niya nga umano na iyon ay hindi magiging madali kung wala ang suporta ni Joem. Sapagkat maliban sa tinulungan siya nito na magkaroon ng healthy diet ay inalagaan din siya nito sa abot ng makakaya niya.

“But I couldn’t have done it without Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and HawHaw and he did pregnant workouts with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best. Thank you so much, Dud.”

Ayon pa kay Meryll, kung may isang tao na labis-labis din ang kasiyahan sa pagdating ng bagong anghel sa kanilang pamilya, ito ay si Eli, ang panganay na anak niya. Dahil 10-years-old pa lang umano ito ay pasikreto na itong humihiling na magkaroon ng baby brother na sa ngayon ay naisakatuparan na.

“We are the happiest to get to share this experience to our parents and family. Family is everything. And, to Kuya Eli, who has been secretly wishing for a brother since he was 10. Bless his heart”, pahayag pa ni Meryll.

Crisha Uy comments on Meryll Soriano and Joem Bascon’s baby

meryll soriano at joem bascon

Image screenshot from Meryll Soriano’s Instagram account

Pero kung may masaya sa bagong yugto na ito ng buhay nila Meryll Soriano at Joem Bascon, may isang tao namang hindi naitago ang pagkakalungkot niya. Ito ay ang ex-girlfriend ni Joem for 8 years na si Crisha Uy na hiniwalayan umano ng aktor noong 2019 dahil na-fall out of love ito sa kaniya.

“So yes, alam ko na yung totoo. Alam ko yung relatonship nila, their bundle of blessing,” “Nung naramdaman ko that day, nagalit ako. Kasi bumalik feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sayo.” “Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya nun, and I was lied to. Kasi I gave him the benefit of the doubt eh, before. Pero yun nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko ‘yun. Sampal sa mukha, na tama pala ‘yung hinala ko noon.”

Ito ang mga pahayag ni Crisha tungkol sa rebelasyon nila Meryll at Joem.

Source:

GMA News, ABS-CBN News

Partner Stories
Gawing Magical ang PASKO with MAGGI
Gawing Magical ang PASKO with MAGGI
Enjoy Clean Air Indoors for Healthier Living with New Philips Air Purifiers
Enjoy Clean Air Indoors for Healthier Living with New Philips Air Purifiers
Healthy eating habits to help you keep up with all the summer fun
Healthy eating habits to help you keep up with all the summer fun
Green Cross continues to ramp up operations to meet increased demand in the face of the COVID-19 pandemic
Green Cross continues to ramp up operations to meet increased demand in the face of the COVID-19 pandemic

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Meryll Soriano sinabing pinagplanuhan at nakailang subok sila ni Joem bago siya tuluyang nabuntis
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko