16 #TipidTips kung paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby

Murang handa sa birthday? Narito ang mga tipid tips mula sa mga TAP mommies para maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby! PHOTO: iBaby Photography

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malapit na ba ang first birthday ni baby? Alamin rito kung anong pwedeng gawin para magkaroon ng murang handa sa birthday ng iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga kaugalian sa unang kaarawan ng bata
  • Murang handa sa birthday ni baby – tips mula sa mga magulang

Matapos ang 11 buwan ng pagpapadede, pagpapalit ng diaper, at pag gising sa madaling araw, heto na ang pinakahihintay na milestone ni baby—ang kaniyang first birthday! Karamihan ay gustong i-celebrate ang okasyon na ito. Ngunit sa nagtataasang presyo ng bilihin ngayon, posible pa bang magkaroon ng murang handa sa birthday ni baby?

1st birthday ni baby – bonggang selebrasyon o simpleng handaan lang?

Nakaugalian na nating mga Pinoy ang ipagdiwang ang unang kaarawan ng ating anak. Ito ang isang bagay na talagang pinaghahandaan ng mga nanay at tatay.

Para sa may mga budget, pwede silang magkaroon ng bonggang selebrasyon. Subalit kung kapos naman sa ipon, o gusto mong maging mas praktikal ang selebrasyon, wala naman masama kung simpleng handaan lang sa birthday ni baby.

Sabi nga ng iba, hindi pa naman maaalala ni baby ang kaniyang unang kaarawan. “Anong malay niya kung mayroon bang mamahalin na clown sa birthday niya?”  Tama naman, pero maganda pa rin kung magkakaroon ka ng mga alaala na maikukuwento sa iyong anak paglaki niya.

Paano nga ba maipagdiriwang nang maayos ang birthday ni baby nang hindi gumagastos nang malaki?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Narito ang mga nakalap naming tipid tips kung paano maka-menos sa gastos sa unang kaarawan ni baby:

Pagsabayin ang birthday at binyag

Isang paraan para makatipid ay kung pagsasabayin ang birthday at ang binyag para isang handaan na lamang. Marami nang magulang ang gumagawa nito ngayon. Kadalasan kasi parehong mga bisita rin lang naman ang iimbitahin para sa dalawang okasyon.

Imbis na mag-party, mag-travel na lang

May mga magulang na pinipili na lang na mag-travel lang imbis na maghanda. Rason nila, hindi rin naman maaalala ni baby ang kaniyang first birthday party. Mas makakagawa kayo ng memories kung magbibiyahe kayo bilang isang pamilya. Kung interesado ka sa idea na ito, narito ang ilang puwedeng gawin ng iyong pamilya para i-celebrate ang birthday ni baby.

Oras ng party

Kadalasan, after lunch at bago maghapunan ginaganap ang mga kiddie party. Bukod sa ito ang oras na gising at mataas ang energy ng mga bata, may praktikal ding rason para dito: hindi kailangan maghanda ng maraming putahe o dishes. Sa oras na ito, ipinapalagay na kumain na ang mga bisita ng pananghalian. Kaya naman merienda na lamang ang kailangang ihanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Divisoria!

Kung may party, inaasahan ring may loot bag. At saan pa ba mas makaka-menos pagdating sa mga party favors kundi sa Divisoria. Maraming mga tindahan rito na nagtitinda ng mga naka-pack na laruan or gamit sa eskwelahan na puwedeng ilagay sa loot bag. Hindi lang ‘yon, makakahanap din ng balloons, decorations, pabitin, at banderitas.

Walang panahon pumunta ng Divi? Mayro’n ding mga party stores sa may Market Market, Taguig. Mas mataas nga lang ang presyo kaysa sa Divisoria pero mas mura pa rin kaysa sa mga department stores at malls.

Antayin ang online sale

Sa panahon ngayon, naglipana na rin ang mga tindahan ng party supplies sa online market gaya ng Shopee o Lazada. Makikita mo rito ang mga kagamitang presyong-Divi, pero hindi mo na kailangan pang lumabas ng iyong bahay. Mayroon ngang shipping fee, pero mas mura at mas ligtas naman kung tutuusin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos buwan-buwan ay nagkakaroon ng sale ang mga online stores, kaya naman i-add to cart mo na ang mga party favors at decors na gusto mo, at saka mo na lang i-checkout kapag naka-sale na.

Activity imbis na performer

“Imbis na kumukha kami ng clown o magician, na hindi rin maiintindihan ni baby, nag-decide kami na maglagay ng arts and crafts booth para pagka-abalahan ng mga bata,” suggestion ni Mommy Candice. “Napapansin ko kasi sa mga birthday party na pagkatapos ng program, wala nang ginagawa ang mga bata. Sa first birthday ng baby ko, nag-decorate ng bags ang mga bata. Nagsilbi na rin na give away ang mga ginawa nilang bags,” dagdag pa niya.

Puwede ring mag-set-up ng iba-ibang booths katulad ng giant board games, atbp.

Facebook invitation

Isa sa mga puwedeng tanggalin sa listahan ng kailangan bilihin ay ang mga imbitasyon. Kadalasan, gumagawa na lamang ng Facebook event ang mga magulang at iniimbita ang mga kaanak at kaibigan gamit ito. Sa ganitong paraan, menos gastos, makakatulong pa sa environment dahil hindi na kailangan gumamit ng papel.

DIY

Usong-uso na ngayon ang DIY o do-it-yourself pagdating sa mga dekorasyon, imbitasyon, atbp. Maraming mga tutorial sa Pinterest o Youtube na maaaring sundin upang makagawa ng mga simpleng dekorasyon katulad ng banderitas, pinwheels, at paper fans. Makakatipid ng lubos kung ikaw ang gagawa nito dahil umaabot sa P100 kada paper fan kung bibilhin ito sa tindahan.

Pwede ring humingi ng tulong mula sa iyong mga artistic na kaibigan o kamag-anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Food trays

Kung hindi rin lang ganoon karami ang mga bisita sa party, mas makakatipid kung bibili na lamang ng food trays imbis na magpa-cater. Puwede itong iayos sa isang mahabang table at kaniya-kaniyang kuha na lang ng pagkain ang mga bisita.

Candy buffet

Nagkakahalaga ng P3,000 pataas ang mga candy buffet kung kukuha ka sa supplier. Ngunit puwede mo rin itong i-DIY, mommy! Kumuha lamang ng mga mason jars at punuin ng mga paboritong candy, chocolate, at gummy bears.

Alamin dito kung papaano.

Talented na mga bisita

Mayroon ba kayong talented na kaibigan o kamag-anak na marunong mag-host o di kaya’y magaling kumuha ng pictures? Tanungin kung nais nilang i-showcase ang kanilang talento sa birthday ni baby.

Tandaan: humingi lang ng pabor sa mga bisita na close sa inyo at hindi mao-offend kung tatanungin kung puwede silang maging parte ng party. Kung sila ay propesyunal, tanungin muna ang rates nila at huwag i-assume na libre ang gagawin nilang trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Spotify

“Hindi na kami kumuha ng sound system para sa birthday ng anak namin,” ani Mommy Anne.“Gumawa na lamang ako ng playlist sa Spotify at pinatugtog sa bluetooth speaker.”

BASAHIN:

LOOK: Janella Salvador and Markus Paterson, ipinagdiwang ang first birthday ni Baby Jude

Agree or Disagree: Dapat bang magdaos ng dalawang birthday party para sa bata kung hiwalay na ang magulang?

3 tips to celebrate your kids birthday from this event planner mom!

Larawan mula sa Shutterstock

Entertainment na pwede na ring decor

“Noong first birthday ng baby ko, sa halip na gumastos ng malaki sa decorations at program, nagrent na lang kami ng dalawang bouncy castles para sa mga bata. Tuwang-tuwa ang mga bata, halos hindi sila tumigil sa kakalaro. Sulit na sulit ang binayad namin,” sabi ni Mommy Camille.

Ngayong pandemic, dahil sarado ang mga indoor playground at pools, naging uso ang mga inflatables na for rent sa mga bahay. Bukod sa mag-eenjoy nang husto ang mga bata, maganda rin itong tingnan sa photos at parang nagsisilbing decor na rin sa party.

Mas kaunting bisita

Kung dati ay hindi bababa sa 100 ang inyong mga bisita, ngayon, nasanay na ang tao sa mga intimate at family-only na pagdiriwang dahil sa pandemya. Magandang ideya rin ito para mas makamura at maging mas simple lang ang handaan sa birthday ng iyong anak.

Hindi na kailangang imbitahin ang lahat ng kaklase o mga kapitbahay. Tanging ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan lang ay sapat na para magkaroon ng masayang pagdiriwang.

Online birthday party

Nauso na rin ang mga online birthday parties kung saan ginagawa na lang ito gamit ang live chats o video conference app gaya ng Zoom. Paniguradong makakabawas ka na sa gastos dahil hindi ka na magbabayad ng venue. Hindi mo na rin kailangang gumastos para mag-decorate. Internet connection lang ang kailangan upang makadalo ang inyong mga bisita.

Pwede ka pa rin namang magpadala ng packed food sa inyong mga piling “party guests” kasama ang loot bag o ilang gamit para sa online activities.

Siguruhin lang na bago magsimula ang online party ay nakapag-nap si baby para maging magiliw siya sa mga babati sa kaniya, kahit sa screen lang.

Drive-by birthday

“Para sa 1st birthday ng bunso namin, nagprepare lang kami ng packed na food, loot bags at masks para ibigay sa mga bisita namin. Sandali lang na kamustahan habang nasa loob sila ng kotse, at inabot na lang namin ang mga goodie bags sa kanila,” kwento ni Mommy May.

“Nakapagpa-picture sila kay baby pero naka-social distancing pa rin. Pagkatapos ng picture-taking, alis na rin agad sila. Mas ayos ‘yon para sa’kin kasi bukod sa tipid, mas safe pa,” dagdag niya.

Pwede mo rin itong subukan sa first birthday ng iyong anak, Mommy. Siguruhin lnag na maipapaliwanag mo nang maayos sa inyong mga “bisita” kung anong mangyayari sa araw na iyon para alam nila kung ano ang kanilang aasahan.

Larawan mula sa Pexels

Hindi kailangang gumastos nang malaki para mag-enjoy ang mga bisita, lalong lalo na ang may birthday. Simpleng handaan lang sa birthday niya ay magiging makabuluhan kung sama-sama ang buong pamilya. Ang mahalaga ay ang magpasalamat sa nagdaang taon ng buhay niya, at magkaroon ng magagandang alaala na makikuwento mo sa iyong anak paglaki niya.

May mga iba pa ba kayong tips para sa murang handa sa birthday party ni baby? I-share sa comments sa ibaba.