Nagbigay ng paalala at babala ang isang opisyal sa mga magulang na maging maingat at ugaliin ang tamang pagpapatulog sa kanilang mga anak. Ito’y kasunod nang pagkamatay ng isang baby, matapos nitong matulog ng nakadapa.
Upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol, nagsagawa ng autopsy examination ang mga awtoridad ngunit hindi pa rin natuloy ang pinaka dahilan nito.
Ayon sa State Coroner Kamala Ponnampalam, hindi sapat ang dahilang ‘suffocation’ para masabing ito ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol. Ngunit binigyan niya ng linaw na ito ay maaaring nagpapataas ng tiyansa “unsafe sleeping practices which have possibly led to infant death”
Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash
2-month-old baby na pinatulog nang nakadapa, namatay
Ayon sa report, natagpuan na lamang ng domestic helper mula sa Sengkang flat ang walang buhay na 2-month old na sanggol. Narito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari:
- Noong May 17, 2020, bandang 7 PM ng hapon, pinainom ng gatas (130ml) ng domestic helper ang sanggol. Pinadighay niya ito at hinintay na makatulog.
- Nakadapa ang sanggol na matulog habang ang ulo nito ay nasa kanang bahagi.
- Umalis sandali ang katulong para gumawa ng ibang gawaing bahay at pati na rin tulungan sa pagligo ang dalawang bata pa.
- Naligo rin siya at naglaba pagkatapos.
- Pagkatapos ng isang oras, napansin ng katulong na hindi man lang umiyak ang sanggol. Dito na siya pumunta sa kuwarto nito at tignan.
- Ang mukha ng sanggol ay nakaharap na sa mattress. Binuhat niya ito at napansing hindi na humihinga at maputla na ang labi.
- Umalis agad ang katulong sa kuwarto kasama ang baby. Tinawagan niya ang nanay ng sanggol at sinabihang umuwi agad.
- Naunang makauwi ang tatay at nakita nito ang katulong na umiiyak habang karga ang baby.
- Hindi na humihinga ang sanggol at ang gatas ay nakitang tumutulo sa ilong.
- Dinala agad nila ang baby sa ospital.
- Ayon sa ospital, wala ng pulso ang sanggol.
- Dito na idineklarang patay na ang sanggol, 9:51 PM.
Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash
Walang foul play na naganap
Nakita sa autopsy na walang abnormality o kakaiba sa bata. Ayon sa forensic pathologist, hindi sapat na dahilan ang posisyon ng bata sa pagtulog para masabing ito ang dahilan ng pagkamatay niya. Ito’y dahil walang nangyaring co-sleeping o ebidensya na natatabunan ang bibig o ilong ng bata.
Ngunit dahil nakaharap sa mattress ang mukha ng bata sa pagtulog, ito ay maaaring na suffocate dahil napigilan ang pagdaloy ng hangin sa external airways nito na naging resulta nang pagkamatay ng bata.
Dagdag pa rito, walang nakitang ibang injury o kakaiba sa paligid ng ilong at bibig ng bata. Ayon sa coroner, “no basis to suspect foul play”.
Para sa mga magulang ng bata, ang katulong ay may kapabayaan sa kanilang anak. Isa pang tinitignan ng mga magulang ay kung bakit sa kama ito pinatulog imbes na sa higaan mismo ng bata. Dahilan ng katulong, maririnig daw niya agad ang bata kung ito ay umiyak sa kama dahil mas malapit ito sa kusina at living room.
Isa ring concern ng mga magulang ay kung bakit pinainom ng breast milk ang bata imbes na formula milk. Ito kasi ang usual routine nila.
Tinanong pa ng mga magulang ng sanggol na kung baka na-distract ito sa kaniyang cellphone at nakalimutang tignan ang sanggol sa kuwarto ng isang oras. Ayon naman sa katulong, hindi siya gumamit ng phone bago malamang hindi na gumagalaw ang bata.
Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash
Ligtas na pagtulog
Payo ng mga eksperto pati na rin ng pediatricians, kinakailangan na patulugin na nakahiga ang mga sanggol. Nagbigay ang coroner ng ABC para sa ligtas na pagtulog.
- Alone – ang sanggol ay ‘di dapat kasama sa iisang higaan ngunit hindi kailangang matulog sa ibang kuwarto.
- Back – ang sanggol ay kailangang hindi nakadapa.
- Crib – ang sanggol at kailangang matulog ng nakahiga sa isang maayos at matibay na crib. Siguraduhin lang na walang unan, bedding at laruan.
Binigyan din niya ng diin na kailangang sanayin ngmga magulang ang gawain na ito para maging ligtas sa pagtulog ang isang sanggol. Ang pagsasanay na ito ay kinakailangang alam rin ng mga caregiver.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Co-sleeping, nagiging sanhi raw ng baby suffocation
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!