Co-sleeping numero unong dahilan umano ng suffocation sa mga baby, ayon sa isang pag-aaral.
Bilang magulang ay lagi nating iniisip ang kaligtasan ng ating anak. Kaya naman hanggang sa pagtulog ay hindi natin sila inaalis sa ating tabi. Isang gawi na ating nakasanayan na.
Pero ayon sa isang pag-aaral, ito daw ay mali. At mas magdudulot pa ng kapahamakaman sa buhay niya.
Ano ang co-sleeping?
Ang co-sleeping ay nangangahulugan ng pagtulog ng isang magulang ng malapit sa kaniyang sanggol o baby na arm’s reach lang. Ayon kay Dr. William Sear’s, isang parenting and behavior expert.
Isa ito sa madalas na makikitang scenario lalo na sa ating mga Pilipino.
Dahil sa co-sleeping ay mas nagiging madali para sa mga magulang lalo na sa mga ina ang pagbibigay ng pangangailangan ng kaniyang sanggol gaya ng pagpapasuso.
Dagdag pa dito ang, sense of security na nararamdaman ng isang magulang kapag nasa tabi niya lang ang anak.
Ngunit ang nakasanayang paniniwala na ito, ay hindi nirerekomenda ng isang pag-aaral.
Ang co-sleeping daw ay delikado para kay baby. Maaring ito pa ang mas magdulot ng peligro sa buhay niya.
Baby suffocation dulot ng co-sleeping
Isa nga sa maaring maging masamang epekto ng co-sleeping ay ang accidental suffocation ni baby.
Sa isang analysis na ginawa sa U.S., napag-alamang ang accidental suffocation ang numero unang dahilan ng mga injury deaths sa mga sanggol.
Ayon sa pag-aaral sa bawat naitalang bilang na 250 baby suffocation deaths, halos 70% sa mga ito ay dahil sa kumot, unan o soft bedding na natakip sa airways ni baby. Na naging dahilan upang sila ay hindi makahinga.
Samantalang, kalahati naman ng mga soft bedding related suffocation na ito ay nangyari sa isang adult bed na kung saan natutulog si baby sa kaniyang tiyan.
Ang mga baby suffocation cases nga na ito ay nauuwi sa isang malungkot na pangyayari na madalas ay tinutukoy na kaso ng SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.
Pero para kay Dr. Fern Hauck, isang expert sa infant deaths mula sa University of Virginia at co-author ng ginawang pag-aaral, ito ay maaring maiwasan.
Nakakagulat nga lang daw na sa pagdaan ng panahon ay mas tumataas pa ang bilang ng infant deaths na dulot ng co-sleeping o bed sharing.
Mula sa 6 deaths per 100,00 infants noong 1999 ay tumaas ito ng 23 deaths sa kada 100,000 infants nitong 2015.
Para kay Dr, Rachel Moon, isang pediatrics professor mula sa University of Virginia, hindi na daw nakakagulat ang naging resulta ng ginawang pag-aaral.
“Every day I talk to parents who have lost babies. They thought they were doing the right thing, and it seems safe and it seems OK, until you lose a baby,” kwento ni Dr.Moon.
Ang co-sleeping daw kasi ay nakasanayan na lalo na sa mga pamilyang parte na ito ng kanilang kultura gaya sa Pilipinas. Ang iba naman ay dahil walang kakayahan bumili ng crib.
Samantalang ang iba ay nakikita ito bilang pinakamadaling paraan para maibigay ang mga needs ng bagong silang na sanggol. Pero payo ng mga pediatricians ito daw ay mali at delikado para kay baby.
Para masiguro ang safety ni baby sa kaniyang higaan at pagtulog ay laging isaisip ang mga paalalang ito.
Reminders para masiguro ang bed safety ni baby
- Mas mabuting patulugin si baby sa isang crib o bassinet sa iisang kwarto na kasama ka para mas masiguro ang kaniyang safety.
- Kailangan ding gumamit ng mga tight-fitting top sheet sa mga cribs para maiwasan ang suffocation o strangulation ni baby.
- Iwasang ilagay ang crib ni baby malapit sa bintana o pintuan na kung saan may cord o accessories na maaring makasakal sa kaniya.
- Alisin ang mga unan o kumot na maaring makasuffocate kay baby.
- Para naman hindi siya lamigin ay pasuotin siya ng overall o sleepsacks.
- Iwasang maglagay ng stuffed animal sa tulugan o higaan ni baby.
- Kung hindi maiiwasan ang co-sleeping siguraduhing may malaking space ang tutulugan ninyo ni baby.
- Ang mattress o higaan ay maiging ilagay sa sahig at lagyan ng harang sa paligid para mas masigurado ang kaligtasan ni baby.
- Siguraduhin ding walang space sa pagitan ng dingding o mattress na hinihigaan ni baby na maari niyang mapag-stuckan.
- Ang pagtulog ni baby sa kaniyang likuran ay nagpapabawas ng tiyansa ng SIDS na mangyari sa kaniya.
Sudden Infant Death Syndrome o SIDS
Ayon sa Mayo Clinic, ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay ang unexplained death ng sanggol na may isang taong gulang pababa sa kaniyang pagtulog.
Tinatawag din itong crib death dahil madalas ang mga sanggol na nakakaranas nito ay namamatay sa kaniyang crib.
Ang SIDS ay hindi maiiwasan, ngunit ayon sa American Academy of Pediatrics o AAP ang isang safe sleep environment ay nakakapagpababa ng tiyansang mangyari ito.
Dahil maliban sa brain defects sa portion ng utak ni baby na pinaniniwalaang nagdudulot nito. Ang pwesto ni baby sa pagtulog at bed safety niya ang isang pangunahing dahilan ng SIDS na naitala sa kasulukuyan.
Kaya naman para maiwasang mangyari ito sa iyong anak, ay laging isaisip ang kaligtasan niya hanggang sa pagtulog.
Sources:
Safe Kids Org, Very Well Family, Gulf Today, Mayo Clinic, WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!