TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

2-month-old baby na pinatulog nang nakadapa, namatay

4 min read
2-month-old baby na pinatulog nang nakadapa, namatay

Masama bang nakadapa matulog ang baby? Ayon sa mga eksperto, ito ay nagpapataas ng tyansa ng suffocation na nagiging dahilan ng pagkamatay ng karamihan.

Nagbigay ng paalala at babala ang isang opisyal sa mga magulang na maging maingat at ugaliin ang tamang pagpapatulog sa kanilang mga anak. Ito’y kasunod nang pagkamatay ng isang baby, matapos nitong matulog ng nakadapa.

Upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol, nagsagawa ng autopsy examination ang mga awtoridad ngunit hindi pa rin natuloy ang pinaka dahilan nito.

Ayon sa State Coroner Kamala Ponnampalam, hindi sapat ang dahilang ‘suffocation’ para masabing ito ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol. Ngunit binigyan niya ng linaw na ito ay maaaring nagpapataas ng tiyansa “unsafe sleeping practices which have possibly led to infant death”

nakadapa matulog ang baby

Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash

2-month-old baby na pinatulog nang nakadapa, namatay

Ayon sa report, natagpuan na lamang ng domestic helper mula sa Sengkang flat ang walang buhay na 2-month old na sanggol. Narito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari:

  • Noong May 17, 2020, bandang 7 PM ng hapon, pinainom ng gatas (130ml) ng domestic helper ang sanggol. Pinadighay niya ito at hinintay na makatulog.
  • Nakadapa ang sanggol na matulog habang ang ulo nito ay nasa kanang bahagi.
  • Umalis sandali ang katulong para gumawa ng ibang gawaing bahay at pati na rin tulungan sa pagligo ang dalawang bata pa.
  • Naligo rin siya at naglaba pagkatapos.
  • Pagkatapos ng isang oras, napansin ng katulong na hindi man lang umiyak ang sanggol. Dito na siya pumunta sa kuwarto nito at tignan.
  • Ang mukha ng sanggol ay nakaharap na sa mattress. Binuhat niya ito at napansing hindi na humihinga at maputla na ang labi.
  • Umalis agad ang katulong sa kuwarto kasama ang baby. Tinawagan niya ang nanay ng sanggol at sinabihang umuwi agad.
  • Naunang makauwi ang tatay at nakita nito ang katulong na umiiyak habang karga ang baby.
  • Hindi na humihinga ang sanggol at ang gatas ay nakitang tumutulo sa ilong.
  • Dinala agad nila ang baby sa ospital.
  • Ayon sa ospital, wala ng pulso ang sanggol.
  • Dito na idineklarang patay na ang sanggol, 9:51 PM.
nakadapa matulog ang baby

Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash

Walang foul play na naganap

Nakita sa autopsy na walang abnormality o kakaiba sa bata. Ayon sa forensic pathologist, hindi sapat na dahilan ang posisyon ng bata sa pagtulog para masabing ito ang dahilan ng pagkamatay niya. Ito’y dahil walang nangyaring co-sleeping o ebidensya na natatabunan ang bibig o ilong ng bata.

Ngunit dahil nakaharap sa mattress ang mukha ng bata sa pagtulog, ito ay maaaring na suffocate dahil napigilan ang pagdaloy ng hangin sa external airways nito na naging resulta nang pagkamatay ng bata.

Dagdag pa rito, walang nakitang ibang injury o kakaiba sa paligid ng ilong at bibig ng bata. Ayon sa coroner, “no basis to suspect foul play”. 

Para sa mga magulang ng bata, ang katulong ay may kapabayaan sa kanilang anak. Isa pang tinitignan ng mga magulang ay kung bakit sa kama ito pinatulog imbes na sa higaan mismo ng bata. Dahilan ng katulong, maririnig daw niya agad ang bata kung ito ay umiyak sa kama dahil mas malapit ito sa kusina at living room.

Isa ring concern ng mga magulang ay kung bakit pinainom ng breast milk ang bata imbes na formula milk. Ito kasi ang usual routine nila.

Tinanong pa ng mga magulang ng sanggol na kung baka na-distract ito sa kaniyang cellphone at nakalimutang tignan ang sanggol sa kuwarto ng isang oras. Ayon naman sa katulong, hindi siya gumamit ng phone bago malamang hindi na gumagalaw ang bata.

nakadapa matulog ang baby

Nakadapa matulog ang baby | Image from Unsplash

Ligtas na pagtulog

Payo ng mga eksperto pati na rin ng pediatricians, kinakailangan na patulugin na nakahiga ang mga sanggol. Nagbigay ang coroner ng ABC para sa ligtas na pagtulog.

  • Alone – ang sanggol ay ‘di dapat kasama sa iisang higaan ngunit hindi kailangang matulog sa ibang kuwarto.
  • Back – ang sanggol ay kailangang hindi nakadapa.
  • Crib – ang sanggol at kailangang matulog ng nakahiga sa isang maayos at matibay na crib. Siguraduhin lang na walang unan, bedding at laruan.

Binigyan din niya ng diin na kailangang sanayin ngmga magulang ang gawain na ito para maging ligtas sa pagtulog ang isang sanggol. Ang pagsasanay na ito ay kinakailangang alam rin ng mga caregiver.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

Co-sleeping, nagiging sanhi raw ng baby suffocation

9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 2-month-old baby na pinatulog nang nakadapa, namatay
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko