Sa kahit anong pagkakataon, sadyang nakapagbibigay ng ligaya ang mga sanggol sa ating buhay, kahit ano pang gawin nila. Kung ikaw ay nangangailangan ng pampatanggal ng stress, narito ang isang nakakatawang video ng baby kung saan automatic na kumekendeng ang sanggol tuwing “pinipindot” ng nanay ang pwet nito.
Ang Cute na Paggalaw ng Sanggol na Ikinaaliw ng Netizens!
Isang Taiwan netizen ang nag-post ng video sa isang grupo sa social networking site kamakailan. Hinikayat niya ang mga pamilyang may sanggol na may edad na anim na buwan o mas bata pa na panoorin ang kanyang video para makita ang isang ‘napakagandang show.’ Talaga namang napaka-cute at nakakaaliw nito!
Nakatutuwang panoorin ang nakakatawang video ng baby na kusang paggalaw ng puwet at mga paa ng cute na baby na ito sa tuwing hahawakan ito ng kanyang ina sa magkabilang bahagi ng kanyang katawan.
Panoorin ang nakaaaliw na paggalaw nito rito:
Nakamamangha kung paanong sumusunod ang paggalaw ng kanyang ibabang bahagi ng katawan depende kung saan siya hinawakan ng kaniyang ina. Kung mahawakan sa kanan, gagalaw ang kanyang puwet at mga paa sa kanan. Ganun din kung hahawakan naman siya sa kaliwa.
Sino bang hindi maaaliw kung mapanood ito? Sobrang cute.
Sa sobrang dami nang nakakita ng video, may ilang netizen na gusto rin itong subukan sa kanilang mga anak.
Ang siyentipikong paliwanag sa kakaibang paggalaw ng bata
Ayon sa EBC News, ang ipinamalas ng bata ay tinatawag na Galant reflex, kung saang ang katawan ng bata ay gumagalaw base sa paghaplos sa kanyang ibabang bahagi ng katawan katulad ng lower back.
Ito ay maaaring makitang ginagawa ng isang sanggol mula pagkasilang hanggang sa apat o anim na buwang gulang.
Sumusunod ang paggalaw ng batang sanggol depende sa hand movements ng kanyang ina.
Idiniin ng isang researcher na nag ganitong uri ng muscle exercise ay napakaimportante dahil makatutulong ito sa pag-develop ng kanyang nervous system.
Isang good news para sa lahat, ngunit hindi ito dapat gawin nang madalas sa isang batang sanggol. Kailangan ding tandaaan na hindi dapat iwanang nakadapa ang isang sanggol dahil baka ma-suffocate ito. Hindi rin ito dapat gawin kung nagpapatulog ng sanggol.
Source: Retained Neonatal Reflexes, ETtoday, Bastille Post
Isinalin mula sa wikang Ingles
https://sg.theasianparent.com/cute-baby-movement
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!