X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Madalas nangangagat ang anak? 4 paraan para maitigil nila ang habit na ito, ayon sa experts

4 min read

Hindi raw dapat pinaparusahan kung madalas na nangangagat ang anak dahil ito ang reactive mode nila, ayon sa experts.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Madalas nangangagat ang anak? Hindi raw dapat sila pinarurusahan ayon sa experts
  • 4 ways para maiwasang ugaliin ng bata ang pangangagat

Madalas nangangagat ang anak? Hindi raw dapat sila pinarurusahan ayon sa experts

nangangagat ang anak

Iwasan daw binibigyan ng parusa ang anak kung pa mahilig ito mangagat ayon sa experts. | Larawan mula sa Pexels

Iba-iba ang behaviors na maaaring ipakita ng bata depende sa kanyang experience at sitwasyon. Isa sa mga hindi common na ginagawa ng bata ang pangangagat. Katulad ng kuwento ng nanay at tatay na isa ito sa naging concern nang sobra sa kanilang anak na magdadalawang taong gulang.

Pagkukwento nila, nagsimula raw silang mag-alala nang kinakagat na rin ng kanilang anak ang pamilya at iba pang mga bata. Nagsisimula raw ang ganitong ginagawa ng bata tuwing nati-trigger siya ng sobrang kakulitan.

Ginagawa na raw halos nilang lahat ang dapat gawin para lang mahinto ang ganitong habit ng bata. Sinubukan daw nilang bigyan na siya ng parusa para lamang matigil na ang behavior niyang ganito. Sinisigawan, ginagamitan ng masasakit na salita, at kinukuha ang mga laruan para lamang pumirmi ang anak.

Dahil daw dito, nagsimula na ang bata na magsabi parati ng, “Huwag kang mangangagat. Huwag kang mangangagat.” Ito raw ay para lamang maging masaya sila na tumitigil na siya sa pangangagat. Ayon sa experts, emotionally-charged na raw ang bata kaya hindi rin maganda ang ganitong behavior na naging epekto ng kanilang punishment.

nangangagat ang anak

Mayroong hindi magandang epekto ang punishment para sa bata. | Larawan mulla sa Pexels

Ang mga parusang ginagawa raw ng parents na ito ay imbes na makatulong ay lalo lang nakakapagpalala ng kalagayan ng kanilang anak.

Ito ang ilang sa natukoy ng experts na dahilan:

  • Hindi nagagawang i-identify ng parents ang ugat ng problema.
  • Nako-confuse ang bata na hindi niya nami-meet ang expectations ng kaniyang mga magulang.
  • Nararamdaman ng bata ang labis na shame kaya maaaring mag-shut down ang kaniyang brain.
  • Napupuno lang ng negative emotions ang kaniyang nararamdaman.
  • Wala silang napupulot na lesson dahil napupuno sila ng emotion imbes na maunawaan na mali ang kanilang ginagawa.

4 ways para maiwasang ugaliin ng bata ang pangangagat

nangangagat ang anak

Narito ang iba’t ibang paraan upang maiwasang mangagat ang anak palagi. | Larawan mula sa Pexels

Hahanap talaga ng paraan ang parents upang maiwasan ng kanilang anak ang mga bad habit na mayroon sila. Tulad na lang ng mga magulang na nabanggit, kaya ng humingi sila ng tulong sa experts narito ang ilang sa paraan nilang naisip na maging solusyon dito:

Paghahanap ng alternative

Nalaman nila na hindi basta-basta mawawala ang ganitong behavior ng kanilang anak. Naisip din nila na hindi natitigil ang pangangagat niya nang sinabi lang nilang itigil na ito. Dahil na tuloy dito, sinabihan sila ng experts na humanap ng mga bagay na maaari niyang makagat nang ligtas.

Effective way kasi ang paghahanap ng alternative upang hindi niya ito magawa sa ibang tao.

Ugaliing ipaalala sa bata na hindi tama ang gawain ito

Kasama sa gentle parenting ang pakikipag-usap sa bata sa mahinahong paraan mas nauunawaan niya kasi ang mga bagay kung kalmado itong pinaliliwanag sa kanya. Kaya ginawa ng parents na parating ipaalala ito from time to time.

Ipinapaliwanag nila parati na mayroong sariling pakiramdam ang mga tao at nasasaktan sila sa ginagawa niya ito. Sinasabi rin nila sa kanya na maaari niya ring maramdaman ang pain na ito kung siya ang makakaranas dahil katulad ng ibang tao ay may feelings din siya.

Para sa experts, kalaunan daw ay mauunawaan ito ng bata kung paulit-ulit na gagawin.

Pag-unawa sa nararamdaman ng bata.

Magandang unang paraan na gawin ay maunawaan kung ano ba ang nararamdaman ng bata kung bakit ito paulit-ulit na ginagawa. Simula nito, nalaman na nilang nagbibigay ng masarap na feeling ang ganitong pakiramdam para sa kanya.

Kaya naman naghanap sila ng mga bagay na ligtas niyang maibabaon ang kanyang ngipin. Para rin maiwasang kumagat sa ibang tao, dinadala nila ang mga bagay na ito kahit saan magpunta.

Dito rin nila naisip na magcommunicate sa kanya at maintindihan na hindi naman niya sinasadyang makasakit ng ibang tao. Nalaman din kasi nilang nauunang mag-act ang kanyang katawan kaysa sa brain kaya hindi niya muna naiisip na hindi na tama kanyang ginagawa.

Magmula raw nito ay naisipan nilang maging helper at takbuhan ng bata sa tuwing kailangan niya ng tulong.

Pagpapanatiling kalmado.

Hindi raw naiiwasang nagagawa niya pa rin ito, sa oras na nakikita nila on act na nangangagat na naman ang bata ay kalmado nila itong pinatitigil. Dito nila muling ipapaalala na ligtas siya dahil kasama naman niya ang kanyang parents. Tiyaka nila ipapakita ang bagay na maaari niyang kagatin.

Psychology Today

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Madalas nangangagat ang anak? 4 paraan para maitigil nila ang habit na ito, ayon sa experts
Share:
  • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

  • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

  • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

  • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

  • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

  • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.