Ini-isyu ng BIR ang TIN para sa mga empleyado pati na rin sa self-employed na propesyonal o freelancers, at mga korporasyon sa pribado at publikong sektor.
Ano ba ang TIN number? Ito ang reference number na ginagamit para mag-file ng tax. Ang sekundaryo na gamit ng TIN ay bilang isang valid ID para sa iyong mga government transactions. Paano kumuha ng TIN ID? Alamin dito.
Ano ang TIN number o TIN Card?
Bawat isa sa atin ay may responsibilidad sa bansang ginagalawan. Isa nga sa mga responsibilidad na ito ay ang pagbabayad ng income tax o ‘yong tax na kinakaltas o ibinabawas sa mga kinikita natin mula sa mga negosyo o trabaho.
Ano ang TIN number?
Ang Taxpayer Identification number ay identifying number na ginagamit sa pagbabayad ng tax. Samantala, ang TIN card naman ay ang identification card o ID na siyang patunay na ikaw ay taxpayer. Kagaya ng nabanggit sa itaas, tinatanggap din bilang valid ID ang TIN card na maaaring gamitin sa mga transaksyon sa gobyerno.
Ang TIN ID o Card ay isang uri ng identification card na naglalaman ng buong pangalan, address, kaarawan, picture, signature, at card issue date ng isang holder.
Ito ay ini-issue ng BIR o ng Bureau of Internal Revenue nang libre. Ito ay gawa sa isang yellowish na papel o manipis na cardboard at mayroon din itong BIR logo.
Hindi rin ito nag-eexpire, ibig sabihin nito, valid ito hanggang sa gusto mo nang mag-renew. Lalo na kapag ito’y hindi na mabasa.
Sino ang mga pwedeng kumuha ng TIN Online?
Kung noon ay kailangan pang bumisita sa BIR branch para mag-asikaso o magproseso ng aplikasyon ng TIN, alam niyo bang puwede na itong gawin online? Pero sino ba ang mga pwedeng kumuha ng TIN ID o number online?
Paano kumuha ng TIN ID online?
Maaaring mag-register online ng TIN number o tinatawag din na eTIN. Narito ang mga pwedeng kumuha nito online:
- Kung ikaw ay Self-employed
- Mga Mixed Income Earners
- Employees
- Mga qualified sa ilalim sa Executive No. 98
Bilang paglilinaw, TIN ID o identification o TIN number lang ang maaaring iproseso online. Hindi pa maaaring iproseso ang mismong ID card online. Kailangan pa rin na personal na pumunta sa RDO branch sa inyong lungsod para makakuha ng ID card.
Mga hakbang kung paano kumuha ng TIN ID
Paano kumuha ng TIN ID online?
Maaari ng kumuha ng TIN ID o number online lalo na kung walang oras para kumuha sa BIR RDO mismo. Upang makakuha o makapag-apply para sa TIN number online naisip ng gobyerno na gawin ang BIR eRegistraion System.
Ito ay para lamang sa mga hindi pa nakakakuha ng TIN. Sa ngayon ang online registration para sa TIN ID ay para lamang sa mga self-employed muna. Hindi pa maaaring mag-register online ang mga empleyado para sa kanilang TIN.
1. Pumunta sa eRegistration website: https://ereg.bir.gov.ph/ereg/welcome.do, ereg.bir.gov.ph o efps.bir.gov.ph
2. Mag-fill out ng form online na nagre-require ng basic na impormasyon ng taxpayer. Tandaan na maging maingat sa paglagay ng mga detalye upang makumpleto ang buong form.
3. Maghintay ng kumpirmasyon na email mula sa BIR. Kung wala ito sa iyong inbox, maaaring nasa spam mo ito. Tandaan na kailangan mong magbayad ng registration fee na P 500.00 lalo na kung ikaw ay isang single proprietor o propesyonal.
Para sa first timer: Paano kumuha ng TIN number?
Ito ang mga requirements at procedures sa pagkuha ng TIN number at upang makapagregister sa BIR:
- BIR Form 1901 — ang aplikasyon para sa mga self-employed at mixed income na indibidwal, estate, o trust
- Ang BIR Form 1902 — ang aplikasyon para sa mga inidibidwal na kumikita galing sa sariling income at non-resident citizens o overseas contract workers o seamen na kumikita sa isang foreign sourced na income
- BIR Form 1903 — ang aplikasyon para sa mga korporasyon o partnerships (taxable/non-taxable), kasama rito ang GAIs at LGUs
- Ang BIR Form 1904 — ang aplikasyon para sa mga one time taxpayer at mga tao na naka-register sa ilalim ng EO 98
Mga kailangang dokumento
Para sa mga self-employed at mixed-income na indibidwal (mga propesyonal o sole proprietors)
- BIR Form 1902 – ang aplikasyon para sa mga indibidwal na kumikita sa sariling compensation income (local at alien empleyado man)
- Kahit anong identipikasyon na inisyu ng gobyerno (e.g. birth certificate, passport, driver’s license, community tax certificate) na may pangalan mo, address, at kapanganakan
- Marriage contract kung kasal na
- Para sa mga alien na empleyado – passport
- Working permit o photocopy ng duly received application for alien employment permit (AEP) na galing sa Department of Labor and Employment (DOLE)
BASAHIN:
Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS
Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?
Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?
Larawan mula sa iStock
Para sa mga empleyado na gagamit ng eREG System, ang requirements sa taas ay kakailanganin din.
Pamamaraan
- I-fill out ang BIR Form 1902 at isumite ito kasama ng mga iba pang dokumentong required sa employer.
- Matapos ito, kukumpletuhin i-fill out ng employer ang kailangan niyang sulatan o sagutan.
- Isumite ang BIR Form 1902 sa Revenue District Office (RDO) kung saan may jurisdiction sila sa kung saan ka nagta-trabaho.
Individuals Earning Purely Compensation Income
- PSA (NSO) Birth certificate
- Valid at acceptable IDs, Company ID o Certificate of Employment
For One Time Taxpayers (No Prior TIN)
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Deed of Sale, kung applicable
- Deed of Donation, kung applicable
Partnerships/Corporations
- Certificate of Registration galing sa Securities and Exchange Commission (SEC); Articles of incorporation/partnership
- Mayor’s Permit
Non-Resident Citizens
Payor of Final Tax on Winnings
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Marriage Certificate, kung ang aplikante ay kasal na
- Certification galing sa awarding company o indibidwal
Vehicle Registrant
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Deed of Sale at Official Receipt/Cash Invoice
OCWs/Seamen Earning Purely Foreign-Sourced Income
- BIR Form 1904 – Application for Registration for One-Time Taxpayer and Person Registering under E.O. 98
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Employment Contract
Self-employed at Mixed Income Individuals
- BIR Form No. 1901 version 2018
- Kahit anong identification na galing sa pamahalaan na nagpapakita ng full name, address at birthdate ng applikante. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod; Birth Certificate, passport, driver’s license, Comunity Tax Certificate.)
- Resibo ng registration fee at DST o proof of Payment of Annual Registration.
Larawan mula sa iStock
Paano naman kumuha ng TIN ID kung mayroon ka nang TIN number?
Narito ang mga hakbang kung paano kumuha ng TIN ID kung may tin number na.
Pumunta lamang sa RDO o Revenue District office kung saan ka nakarehistro. Kung ikaw ay isang empleyado na inisyuhan ng TIN sa pamamagitan ng iyong employer. Maaari ka nang pumunta nang direkta sa RDO para mag-apply ng TIN card.
Kinakailangan lamang na mag-present ng isang valid ID na government issued. Kailangan mo rin ibigay sa RDO ang iyong TIN number para sa verification bago ka isyuhan ng TIN ID. Kung hindi mo naman personal na makukuha ang TIN ID dahil halimbawa sa conflict of schedule sa trabaho, maaari kang magpadala ng authorized representative na siyang kukuha nito para sa’yo.
Kailangang mayroong special power of attorney (SPA) ang iyong representative para maibigay rito ang iyong TIN ID.
Ganoon din ang proseso para sa mga self-employed individual na mayroon nang TIN number at nais na magkaoon din ng TIN ID card.
Paano kumuha ng TIN ID kung ikaw ay unemployed?
Unemployed ka man o estudyante, maaari ka ring magkaroon ng TIN ID. Ayon sa Executive Order No. 98, kung ikaw ay estudyante na nasa edad na higit sa 18 taong gulang, o ikaw ay unemployed puwede kang kumuha ng TIN ID para magamit ito bilang essential requirement sa pakikipagtransakyon sa gobyerno. Paano nga ba kumuha ng TIN ID kung ikaw ay unemployed?
Narito ang mga requirements na kailangan para makakuha ng TIN ID ang unemployed at mga estudyante:
- Ano mang dokumento na nakasaad ang iyong pagkakakilanlan at inisyu ng authorized government body. Halimbawa:
- Required ang passport kung ikaw ay non-resident alien
- Kailagan din ang marriage contract kung ikaw naman ay babae, kasal na, at isinunod sa apelyido ng asawa ang pangalan.
Kung mayroon ka na ng mga requirements na ito, maaari mo nang gawin ang iba pang proseso. Una, I fill-out ang BIR Form 1904 at dalahin ang inyong mga requirement sa RDO ng lungsod kung saan kayo nakatira. Hindi puwedeng iproseso ang TIN sa ibang lungsod.
Sunod, tiyakin na ipapasa ang mga requirement sa authorized personnel sa inyong RDO. Kapag naproseso na ang inyong aplikasyon, hintayin na lamang ang scheduled date kung kailan mo makukuha ang iyong TIN ID.
Samantala, para naman sa mga indibidwal na employed at bago palang nagtratrabaho para sa employer, ang HR department ang karaniwang nagproproseso ng TIN application.
Kailangan mo lang i-accomplish o sagutan ang BIR Form 1902 at i-submit sa HR ang TIN ID requirements na nabanggit sa itaas. Iproproseso ng HR ang iyong aplikasyon at hihintayin mo na lamang sa loob ng ilang araw na ma-isyu ang iyong TIN card.
Kung ikaw naman ang inatasan ng HR na magproseso ng sariling aplikasyon, puwedeng dumiretso na sa RDO kung saan nakarehistro ang kompanyang pinagtratrabahuhan at i-submit doon ang lahat ng requirements. Maghintay lang ng ilang oras at iproproseso rin within the day ang iyong ID.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Nataliya Vaitkevich
Anong gagawin kapag nawala, nasira, o hindi na updated ay TIN ID?
Kapag nawala ang iyong TIN ID o nasira, o kaya naman hindi na updated ang address nito halimbawa. O kaya naman para sa mga babaeng kasal na at iibahin ang kanilang apelyido.
-
Kailangan mo ng mga requirements para sa isang TIN card replacement. Ito ay ang mga sumusunod:
- Accomplished BIR Form 1905 (Application for Registration Information Update/Correction/Cancellation)
- Accomplished BIR Form 0605 (Payment Form)
- If TIN card is lost: Notarized Affidavit of Loss (You can draft your own affidavit or get one from a notary public near you. It usually costs Php 150 to Php 300+)
- If TIN card is damaged: Old TIN card (both original and photocopy)
- For married women: Marriage certificate and old TIN card (both original and photocopy)
-
Magkano ang TIN card replacement fee?
- Nagkakahalaga ito ng Php 100, para ito sa processing.
-
Steps sa pag-a-apply ng TIN card replacement
- Pumunta sa RDO kung saan ka nakarehistro o kung saan inisyu ang TIN mo.
- Sagutan ang BIR Form 1905
- Ibagay lahat ng kinakailangan na impormasyon
- Pumunta sa COR update windom para i-submit ang iyong accomplished BIR Form 1905 kasama na ang iba pang requirements.
- Magbayad sa bangko na authorized ng RDO para sa TIN card fee. Mag-request ng payment slip sa banko kapag andoon ka na. Magbibigay sila ng resibo.
- Bumalik sa RDO para i-submit ang resibo at machine0-validated BIR Form na 0605 sa COR Update window. Kailangan mo rin i-surrender ang original mong ID o photocopy ng iyong TIN card, kung na-damaged ito o papalitan ang iyong pangalan.
- Matatanggap ang iyong TIN card matapos mo itong maproseso o maaaring umabot ito ng limang araw.
Tips sa pagkuha ng TIN ID number
Tandaan na umiwas at huwag magpagawa ng TIN ID sa mga fixer. Bukod sa bawal ito sa batas ay maaaring maloko. Marami rin ang mga scammer online.
Madaling pekein ang TIN Card at kapag pekeng TIN card ang ibinigay sa iyo ng fixer ay hindi mo rin ito mapapakinabangan at masasayang lang ang iyong ibinayad.
Mayroon pang mga fixer na ang mahal ng singil sa mga nagpapagawa nito pero wala namang bayad ang pagkuha ng TIN card.
Nagbabala na rin ang BIR patungkol sa mga scammer at fixer na nag-i-issue ng mga pekeng ID number at card.
Mas mainam pa rin na ikaw mismo ang kumuha at mag-aasikaso ng iyong TIN ID dahil kinakailangan mo rin ito. Lalo na kung ikaw ay may negosyo o nagtatrabaho.
Maaari rin tanggapin o kunin ang TIN card ng authorized representative na iyong napili. Tandaan lamang ng iyong representative na kailangan niyang dalhin ang nakanotaryong Special Power of Attorney o SPA. Kasama na rin ang kanilang government-issued valid ID. Mas mainam na magdala na ng dalawang ID para sigurado.
Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan