Paano mawala ang sinok ni baby? 7 paraan upang hindi sinukin si baby

Normal man sa bata ang pagkakaroon ng sinok, discomfort ang dulot nito. Kaya paano nga ba mawala ang sinok ni baby?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal lang ang pagsinok sa mga bata, pati na rin sa mga nakatatanda. Kadalasan, wala naman itong dinudulot na masama. Minsan, inaakala natin na hindi komportable si baby dahil dito, pero sa katunayan ay wala namang nararamdaman si baby tuwing sinisinok siya. Pero syempre di rin natin maiwasan na tanungin kung paano mawala ang sinok ni baby?

Talaan ng Nilalaman

Sinok ng baby

Paano mawala ang sinok ni baby?

Ang sinok ay nangyayari kapag naiipit ang diaphragm at sumasara nang mabilis ang vocal cords. Ito ang nagdudulot ng pagsinok o hiccups in English.

Besides, alam niyo ba na ang mga babies ay hindi nagigising kahit sinisinok sila? Talagang wala itong negatibong epekto para sa kanila. Pero kung nabo-bother ka talaga sa sinok ng anak mo mahalaga na rin na malaman kung anong paraan para mawala ang sinok? Alamin ang mga tamang paraan sa article na ito.

Paano mawala ang sinok ni baby? Dahilan ng sinok ng baby

Sa isang pag-aaral noong 2012, sinasabing ang pagkakaroon ng hiccup reflex ay maaaring dahilan para mawala ang excess na hangin mula sa tiyan ng isang sanggol.

However, ayon sa medical community, wala pa rin talagang nakaalam kung bakit nagkakaroon ng hiccups o sinok sa mga baby.

Nangyayari ang sinok sa baby kapag mayroong nagdudulot sa diaphragm ng spasm at ang vocal cords ay biglang hindi magpa-function nang maayos. Ang hangin ang pumupuwersa palabas papunta sa saradong vocal chords, na naglilikha ng tunog ng sinok ni baby.

Wala pa talagang nakakaalam ng sanhi sa sinok ni baby pero minsan inuugnay ito sa diaphragm spasm. Maaari itong mangyari kapag marami kang napapakain sa iyong baby, mabilis kumain si baby, at kung nakakalunok siya ng hangin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga bagay na ito ay maaaring magdulot para lumaki ang tiyan ng baby. Sa pag-expand nito, itinutulak nito ang hangin papunta sa diaphragm, na nagpapa-trigger sa spasm na magdudulot ng sinok o hiccups kay baby.

Sumang-ayon naman si Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center na ang sinok ay maaring may kinalaman sa diaphragm ni baby.

“Ang hiccups normal naman ‘yan. It happens din and has something to do sa nerves sa diaphragm. Minsan nati-trigger ‘yan, kapag na-trigger iyan, ayan ‘yong nerves sa diaphragm nagkakaroon ng hiccups.” paliwanag niya.

Dagdag pa rito, kapag madalas na nagkakaroon ng sinok si baby at nagdudulot na ito ng hirap at pagkabalisa. Maaari mayroong ibang dahilan o sakit na nagdudulot nito, gaya ng gastroesophageal reflux (GER).

Nangyayari ito kapag nakakain si baby ng mga pagkaing maraming acid. Kapag ang fluids na ito ay dumaan sa diaphragm, maaari itong maka-irritate at mag-trigger ng spasms.

Karaniwang nakakaranas ng pagduwal at paglalaway ang mga baby na nakararanas ng GER. Kung ito naman ay senyales na ng GERD o disorder, maaari itong makaramdam ng iba pang sintomas.

Kung ang baby ay mayroong GERD, tandaan na hindi lang pagsinok ang maaari niyang maranasan. Kasama sa mga sintomas nito ang pag-ubo, paglalaway, pagiging iritable at madalas na pag-iyak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung mapuna ang mga ganitong sintomas sa iyong anak, makabubuting kumonsulta agad sa doktor at huwag itong balewalain.

Gamot sa sinok ng baby: Tips paano mawala ang sinok ni baby

Paano mawala ang sinok ni baby? Anong paraan para mawala ang sinok ng baby? Narito ang mga epektibong pantanggal sinok ng baby.

Kung wala namang reflux symptoms ang iyong anak, hindi ka dapat na mag-aalala sa sinok ng baby. Ngunit kung nababahala ka o nagdudulot ng discomfort sa iyo ang pagsinok ni baby, narito ang mga epektibong pantanggal sinok ng baby.

Anong paraan para mawala ang sinok ng baby?

1. Baguhin ang posisyon ng pagpapasuso kay baby

Subukang pasusuhin ang iyong sanggol sa mas upright na posisyon. Makatutulong din ang paggamit ng unang upang hindi nakahiga nang flat ang bata. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang excess na hangin na nate-take niya habang sumususo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Gamot sa sinok ng baby: Padighayin si baby

Kadalasan, hindi na kailangan ng gamot sa sinok ni baby. Tanging ang pagpapadighay lang sa kanila ang solusyon dito.

Minsan, sinisinok si baby habang siya ay umiinom ng gatas. Kapag nangyari ito, itigil muna ang pagpapadede kay baby at padighayin muna siya. Nakakatulong ito upang mawala ang pagsinok.

Nakakatulong din na itayo ng diretso si baby upang mabilis na lumabas ang gas sa kanyang tiyan.

Tip: Dahan dahang hilutin ang kanilang likod mula sa baywang hanggang balikat habang nakaupo si baby. Kung hindi ito gumana, subukan tapikin ng dahan-dahan ang kanilang likod. Mabuting gawin ito sa isang matibay at hindi maalog na upuan.

3. Anong paraan para mawala ang sinok? Bigyan ng pacifier si baby!

Kung hindi gumana ang pagpapagdighay kay baby, pwede kang gumamit ng pacifier upang mawala ang sinok. Ito ay dahil nakakatulong ang pacifier para ma-relax ang diaphragm niya.

Paano mawala ang sinok ni baby? | Image from Dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Paano mawala ang sinok ni baby? Padedehin si baby

Kung gusto mong ipagpaliban ang pagbibigay ng pacifier kay baby, mas makabubuting padedehin na lang siya kapag siya ay sinisinok. Ito rin ang payo ni Dr. Tiglao.

“I advise mothers to breastfeed. Kapag sinisinok padedehin mo, dire-diretso hanggang sa makalimutan niya na ang suminok.”

5. Paano mawala ang sinok ni baby? Patawanin si baby

Kung ayaw mawala ng sinok ni baby, pwede mo silang patawanin o abalahin para hindi nila mapansin na sinisinok na pala sila. Pwede mo ring i-hele ang iyong sanggol para ma-relax siya.

Tip: Maghanap ng gawain na magpapakalma kay baby sa halip na magpapalikot sa kanya.

6. Bigyan si baby ng gripe water

Ang gripe water ay over-the-counter blend ng herbs na ginagamit panggamot sa colic at pananakit ng tiyan. Ayon sa Cleveland Clinic, maaari umano itong makatulong para mawala ang sinok ng baby.

7. Paano mawala ang sinok ni baby? Antayin lang itong mawala

Kung wala pa ring gumanang solusyon, mabuting hayaan na lang na mawala ang sinok ni baby. Madalas, nawawala ang sinok sa loob ng 10 minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit kung sobrang tagal bago mawala ang sinok ni baby, at mukhang hindi na sya komportable dahil dito, mabuting magpakonsulta na sa doktor.

Tip: Huwag pansinin ang sinok ni baby. Kadalasan, mawawal rin ito pag hinayaan lang.

Paano mawala ang sinok ni baby?

Paglalagay ng sinulid sa noo at ibang pang hindi dapat gawin

Ayon sa matatanda, kapag sinisinok ang bata, pwedeng maglagay ng sinulid o kaya sulatan ng lipstick ang kaniyang noo. Pero paglinaw ni Dr. Tiglao, walang medikal na basehan ang paraang ito at paniniwala lang ng matatanda.

Ang sinok ay nanggagaling sa diaphragm at walang kinalaman ang noo. Subalit kung gagawin mo ito para ma-distract ang iyong sanggol, puwede mo namang subukan kung gusto mo.

Narito pa ang mga bagay na hindi makakatulong kapag may sinok ang baby:

  • Huwag pisilin ang ilong ni baby dahil puwede siyang masaktan, at pwede rin siyang hindi makahinga.
  • Sa mga sanggol na wala pang anim na taong gulang, iwasang bigyan siya ng tubig na inumin.
  • Huwag takpan ang ilong at bibig ni baby dahil hindi siya makakahinga.
  • Iwasang bigyan si baby ng peppermint, lemon, vinegar, peanut butter o pickle juice dahil makakasama ito sa kaniyang kalusugan.
  • Huwag mong gulatin si baby dahil baka lalo lang siyang mahirapan at mapagod.

Kung may pangamba, huwag mag atubiling kumonsulta sa iyong doktor para sa gamot sa sinok ni baby. Dito mabibigyan siya ng tamang lunas at payo kung paano mawala ito.

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sinok ni baby?

Ang sinok ay hindi laging maiiwasan, pero sa pagsunod sa mga strategy na ito ay maaari itong makatulong kay baby at sa ‘yo.

  • Pakainin si baby bago pa siya magutom, para maging kalmado siya.
  • Makakatulong din na pakainin si baby ng madalas pero kaunting amount lamang ng pagkain.
  • Bagalan ang pagpapakain kay baby. Kapag napansin na nagkakaroon ng sinok ang baby tuwing kumakain, marahil ito ay resulta ng pagkain nang mabilis. Ang mabagal na pagkain ng baby ay maaaring makabawas sa tsansa ng pagkakaroon ng sinok.
  • Maaari ring makatulong sa kaniya ang pagpapaupo kay baby nang tuwid, isang oras pagkatapos kumain.
  • Makakatulong din para walang makapasok na hangin sa kaniyang tiyan ang paglilipat ng posisyon ng bote (kung bottle-fed si baby)
  • Siguruhing ang buong bibig niya ang naka-latch sa buong nipple o sa kaniyang feeding bottle.
  • Tiyaking puno ng gatas ang feeding bottle ng iyong anak kung ito ay padededein sa bote. Tanggalin din muna ang extra air sa tsupon ng feeding bottle dahil maaari itong magdulot ng sinok.
  • Pumili ng tamang nipple size kung sususo ang anak sa feeding bottle. Mahalaga ring pansinin kung hindi masyadong mabilis o mabagal ang flow ng gatas sa nipple. Makabubuting palitan ang nipple ng feeding bottle kada buwan. Ito ay dahil nakadepende sa edad ng bata kung ano ang tamang flow ng gatas para sa kaniya.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Larawan mula sa Pexels kuha ni Laura Garcia

Hindi naman nakakabahala ang pagsinok ni baby lalo na sa mga baby na 12 months pababa. Pero kung ang mga sumusunod ay nararanasan ng bata baka kailangan na itong patingnan sa doktor:

  • Kung ang sinok ay madalas mangyari at tumatagal nang mahigit 10 minuto.
  • Kapag nagiging sanhi ito ng pagsusuka o sobrang iritasyon.
  • Kung may kasamang hirap sa paghinga o iba pang sintomas.

Kung may kakaibang nararamdaman ang baby o napapansin mong sobrang madalas ang sinok, mainam na kumonsulta sa iyong pediatrician para sa tamang payo. Kausapin ang pediatrician ni baby kung madalas niya itong nararanasan.

Maaari kasing may underlying condition kung bakit ito nangyayari. Katulad nga ng nabanggit kanina na GER.

Ang palatandaan ng pagkakaroon ng GER sa isang baby ay ang mga sumusunod:

  • Madalas ang pag-iyak kaysa sa karaniwan, lalo na kapag sa pinapapadede siya.
  • Nagsusuka kaysa sa normal.

Kung ikaw ay nasusupetsiya na mayroong GER ang iyong anak ay agad na pumunta sa doktor upang mapagamot siya.

Dagdag pa rito, mahalagang magpakonsulta sa doktor kung matagal nang sinisinok si baby at hindi ito tumitigil. Pwede ring ipaalam sa iyong doktor ang pagsinok ng baby kung nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam sa bata.

Tandaan na mag-ingat sa paggamit ng mga home remedies sa sinok ng baby. May mga website na nagtatala ng mga home remedy para sa sinok. Subalit, maaaring para ito sa mga matatandang sinisinok at hindi angkop para sa baby. Sensitibo pa ang esophagus at stomach ng bata, kaya mahalagang mag-ingat sa paggamit ng home remedies upang matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Normal man ang pagsinok ng baby, mabuti pa rin na magpatingin sa doktor kung tuloy-tuloy o hindi nawawala ang sinok ng baby. Lalo na kung ito ay nagdudulot ng pagkairita at pag-iyak ng sanggol. Kung nagdudulot ng di magandang pakiramdam sa iyong anak ang pagsinok, makabubuting magpakonsulta na sa doktor dahil maaaring senyales pala ito ng iba pang medical issue.

Kumonsulta rin sa doktor kung ang iyong anak ay nakararanas ng hirap sa paghinga at pangangasul o pangingitim ng labi. Gayundin kung ang pagsinok nito ay nakaaabala sa pagtulog ng bata. Kung lampas isang taong gulang na ang iyong anak at madalas pa rin ang pagsinok nito, makabubuti rin na maggpatingin sa pediatrician para malaman kung may iba pa bang underlying issue na kailangang lunasan.

Larawan mula sa Shutterstock

Iba pang dapat tandaan

Normal lang ang pagsinok sa mga baby kaya naman kung hindi ito nagdudulot ng di magandang pakiramdam sa iyong anak, hindi mo kailangang mabahala. Kusa ring mawawala ang sinok ng baby kahit hindi ito gamutin.

Tandaan na maraming home remedies na mababasa sa internet para matanggal umano ang sinok. Subalit karamihan sa mga ito ay hindi angkop sa baby tulad na lamang ng paghila sa dila. Huwag itong gagawin sa iyong anak.

Hindi angkop ang method na ito sa mga sanggol at imbes na makabuti sa kanilang pakiramdam ay maaaring magdulot pa ito ng problema.

Kung ikaw ay nababahala sa sinok ng iyong anak, mas makabubuting magpatingin sa doktor kaysa sumubok ng ano mang home remedy. Tandaan na sensitibo ang kalusugan ng mga sanggol at hindi lahat ng home remedy na mababasa sa internet ay ligtas para sa iyong anak.

GER at GERD sa mga bata

Ang Gastroesophageal reflux (GER) ay nangyayari kapag umangat ang laman ng stomach sa esophagus. Maraming tao sa pagitan ng edad na isang taon hanggang 18 years old ang nakararanas nito.

Maaaring walang sintomas ang GER pero may pagkakataon na nagdudulot ito ng heartburn na tinatawag ding acid digestion. Maaari rin itong magdulot ng pagkaduwal.

Dagdag pa rito, tinatawag din na acid indigestion, acid reflux, o acid regurgitation ang GER. Normal at pangkaraniwan sa mga bata na makaranas ng GER. Subalit, kapag ang GER ay nagdulot ng repeated symptoms at humahantong sa komplikasyon, tinatawag na itong GERD.

Ang Gastroesophageal reflux disease (GERD) ay ang mas severe at mas long-lasting na kondisyon ng GER. Sino mang bata ay maaaring magkaroon ng GERD pero mas karaniwan ito sa mga batang overweight o obese.

Bukod pa rito, mataas din ang risk factor ng pagkakaroon ng GERD ng mga batang may kondisyon na nakaaapekto sa esophagus, nervous system, o lungs.

Kabilang ang pagsinok ng baby sa sintomas ng GERD. Bukod sa pagsinok ng baby maaari ding makaranas ito ng mga sumusunod:

  • hindi normal nga paggalaw ng leeg at pisngi
  • pakiramdam na nabibilaukan o hirap sa paglunok
  • pagiging iritable lalo na tuwing naduduwal
  • walang gana sa pagkain o ayaw kumain
  • komplikasyon tulad ng mababang timbang, ubo, at pagkahapo
  • pagsusuka

Kung maranasan ng iyong anak ang mga nabanggit na sintomas, agad na kumonsulta sa inyong doktor para malapatan ng tamang paggamot.

May iba pang kondisyon na may katulad na sintomas ng sa GERD. Maaaring magrekomenda ang inyong doktor ng tests para matiyak kung ang dinaranas ba ng bata ay GERD o iba pang health problems.

Mahalaga ring tumawag agad sa inyong doktor kung makaranas ng iba pang sintomas ang iyong anak na maaaring dulot ng seryosong health problem. Obserbahan kung nararanasan ng iyong anak ang mga sumusunod:

  • labis na pagkairita
  • pag-iyak nang higit sa pangkaraniwan
  • mababang timbang ng bata o tila hindi nadaragadagan ang timbang ng bata kahit nadadagdagan ang edad
  • hirap sa paghinga
  • hirap sa paglunok
  • senyales ng dehydration tulad ng pagkapuno ng diaper sa loob lamang ng tatlong oras
  • kakulangan sa energy o panghihina
  • pagsusuka lalo na kung ito ay projectile vomiting
  • pagsusuka ng may kasamang dugo
  • pagdurugo ng puwet o pagdumi ng may kasamang dugo
  • kung ang bata ay nasa edad 6 months pababa at madalas itong naduduwal

GERD diagnosis sa mga bata

Ayon sa WEB MD, karaniwang dinadiagnose ang GERD sa mga bata sa pamamagitan lamang ng pagtingin o pag-alam sa medical history nito. Lalo na kung madalas na nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam ang GERD sa bata. Bukod pa rito, maaari ding tingnan ng doktor ang growth chart at diet history ng iyong anak.

Sa ibang kaso, maaaring irekomenda ng doktor na sumailalim sa ilang test ang iyong anak para makita kung may GERD nga ba ito o iba pang medical issue ang dinaranas ng iyong anak.

Narito ang ilan sa mga pagsusuri na maaaring gawin sa bata:

  • pH probe
  • Upper GI endoscopy
  • Barium swallow o upper GI series
  • Gastric emptying study

Gamot sa GERD ng bata

Narito ang mga maaaring gawin kung mayroong GERD ang sanggol:

  • I-angat ang ulunan ng crib ng bata
  • Buhatin nang nakatunghay o upright ang baby nang 30 minuto matapos padedein.
  • Kung pinapadede ito sa bote, dagdagan ng cereal ang gatas. Ngunit itanong muna sa doktor kung angkop ba ito sa kalagayan ng iyong anak. Huwag itong gagawin nang walang approval mula sa doktor.
  • Subukan pakainin ang iyong anak ng solid food. Subalit tandaan din na gawin lamang ito kung may approval ng doktor.

Para naman sa mga mas matandang bata, narito ang mga maaaring gawin:

  • I-angat ang ulunan ng higaan ng bata
  • Hayaang nakatunghay o nakaupo nang upright ang bata nang dalawang oras matapos kumain.
  • Imbes na tatlong large meal ay pakainin ito nang maraming small meals sa loob ng buong araw.
  • Limitahan ang pagkain ng matataba at maaanghang na pagkain.
  • Hikayatin ang iyong anak na mag-ehersisyo nang regular.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

Dagdag ulat mula kay Marhiel Garrote at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara