Parenting 101: Paano mawala ang sinok ni baby

lead image

Alamin kung bakit sinisinok si baby at kung ano ang pwedeng gawin para mawala ito.

Normal lang na pangyayari ang sinisinok. Nangyayari ito sa mga baby, pati na rin sa mga nakatatanda. Kadalasan, wala naman itong dinudulot na masama. Pero minsan, inaakala natin na hindi komportable si baby dahil dito. Kaya't pinipilit nating alamin kung paano mawala ang sinok ni baby.

Pero ang katotohanan ay wala namang nararamdaman si baby tuwing sinisinok siya.

Ang sinok ay nangyayari kapag naiipit ang diaphragm at sumasara ng mabilis ang vocal cords. Ito ang nagdudulot ng pagsinok.

Alam niyo ba na ang mga babies ay hindi nagigising kahit sinisinok sila? Talagang wala itong negatibong epekto para sa kanila. Pero kung gusto mo talagang malaman kung paano mawala ang sinok ni baby, heto ang ilang tips.

how to get rid of baby hiccups

Tips kung paano mawala ang sinok ni baby

1. Padighayin si baby

Minsan, sinisinok si baby habang siya ay umiinom ng gatas. Kapag nangyari ito, itigil muna ang pagpapakain kay baby at padighayin siya. Nakakatulong ito upang mawala ang pagsinok. Nakakatulong din na itayo ng deretso si baby upang mabilis na lumabas ang gas sa kanyang tiyan.

Tip: Dahan dahang hilutin ang kanilang likod mula sa baywang hanggang balikat habang nakaupo si baby. Kung hindi ito gumana, subukan tapikin ng dahan-dahan ang kanilang likod. Mabuting gawin ito sa isang matibay at hindi maalog na upuan.

2. Bigyan ng pacifier si baby

Kung hindi gumana ang pagpapagdighay kay baby, pwede kang gumamit ng pacifier upang mawala ang sinok. Ito ay dahil nakakatulong ang pacifier para ma-relax ang diaphragm at

Tip: Bukod sa pacifier, pwede ka din mag breastfeed ng iyong baby para mawala ang kanyang sinok.

3. Painumin si baby ng gripe water

Ang gripe water ay tubig na hinaluan ng iba't-ibang halamang gamot na posibleng makatulong magbawas ng sakit sa tiyan ng mga sanggol.

Tip: Basahing mabuti ang ingredients ng gripe water na inyong bibilhin. Minsan may kahalo itong alcohol o sugar na hindi makabubuti kay baby.

4. Patawanin si baby

Kung ayaw mawala ng sinok ni baby, pwede mo silang patawanin o abalahin para hindi nila mapansin na sinisinok na pala sila.

Tip: Maghanap ng gawain na magpapakalma kay baby sa halip na magpapalikot sa kanya.

5. Antayin lang itong mawala

Kung wala pa ring gumanang solusyon, mabuting hayaan na lang na mawala ang sinok ni baby. Madalas, nawawala ang sinok sa loob ng 10 minuto. Ngunit kung sobrang tagal bago mawala ang sinok ni baby, at mukhang hindi na sya komportable dahil dito, mabuting magpakonsulta na sa doktor.

Tip: Huwag pansinin ang sinok ni baby. Kadalasan, mawawal rin ito pag hinayaan lang.

how to get rid of baby hiccups

Iba pang mga dapat at hindi dapat gawin kapag sinisinok si baby

Mga dapat gawin

  • Kapag sininok si baby, pwede mo siyang painumin ng gatas. Nakaktulong ang paglunok upang mawala ang sinok.
  • Pwede mong i-hele ang iyong sanggol para marelax si baby.
  • Bigyan mo si baby ng gatas kapag hindi siya pagod, at ibigay mo ito madalas upang hindi sumama ang kanyang loob.

Mga hindi dapat gawin

  • Huwag ipitin ang ilong ni baby dahil pwede siyang masaktan, at pwede rin siyang hindi makahinga.
  • Sa mga sanggol na wala pang anim na taong gulang, iwasang bigyan siya ng tubig na inumin.
  • Huwag takpan ang ilong at bibig ni baby dahil hindi siya makakahinga.
  • Iwasang bigyan si baby ng peppermint, lemon, vinegar, peanut butter o pickle juice dahil makakasama ito sa kanyang kalusugan.
  • Huwag mong gulatin si baby dahil baka lalo lang siyang mahirapan at mapagod.

 

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/how-to-get-rid-of-baby-hiccups/

 

Basahin: Baby hiccups: Ano ang solusyon?