Paano turuan ang bata magsalita ba ang problema mo? May sagot ang isang pag-aaral na makakatulong sayo!
Image from Freepik
Paano turuan ang bata magsalita
Bagamat ang pagsasalita ay natutunan ng isang bata ng kusa, may iilang bata naman ang nagkakaroon ng speech delays dulot ng magkakaibang dahilan.
Pero para maiwasan ang speech delay lalo na sa mga batang wala namang medikal na kondisyon na maaring maging balakid dito ay may paraan na maaring gawin. Ito ay ang ipakausap ang isang bata sa kapwa niya bata, ayon sa isang pag-aaral.
Ang pag-aaral ay ginawa ng mga researchers mula sa Ohio State University at Purdue University. Base sa mga researchers ang mga bata ay nagkakaroon ng dagdag na salita sa kanilang vocabulary kapag sila ay nakikipagusap sa kapwa nila bata. Ito daw ay dahil sa speech patterns na parehong mayroon sila kumpara sa matatanda.
“Sensitivity to talker properties is found to be related to speech processing and language development,” paliwanag ni Yuanyuan Wang mula sa Ohio State University.
“Much of what we know about the world is learned from other people. This is especially true for children”, dagdag pa niya.
Natuklasan ito ni Wang kasama ang iba pang researchers sa pamamagitan ng dalawang experiments sa 2-year-old na mga bata.
Experiment tungkol sa speech processing ng mga bata
Sa unang scenario ay pinanood ng video ang mga bata ng dalawang speakers, isang lalaki at isang babae na nagrerecite ng nursery rhyme gamit ang normal nilang boses.
Pagkatapos makapanood ng video ay binigyan ng task ang mga bata na gayahin ang sinasabi ng video na pinanood nila sa parehong tunog at paraan ng pagsasalita ng speaker.
Sa pangalawang experiment ay tinuruan naman ng mga bagong salita ang mga bata gamit ang speakers mula sa magkakaibang edad.
At mula sa ginawang pag-aaral natuklasan ng mga researcher na mas natuto ng bagong salita ang mga bata sa mga speakers na may gulang na 8 to 10 years old.
Ayon parin kay Wang, sa ginawang pag-aaral lumalabas na mas mabilis matuto ang bata magsalita gamit ang parehong speech pattern na mayroon siya. Ito daw ay implikasyon ng social cognition at selective social learning.
Ang behavior rin daw na ito ng mga bata ay maaring makaimpluwensya sa kanilang preferences sa pagpili ng social groups sa kanilang paglaki.
Kaya naman kung nagiisip ka ng paraan kung paano turuan ang bata magsalita lalo na kung ito ay iyong anak ay hayaan siyang makipag-usap at makipaglaro sa kapwa niya bata para siya ay matuto ng mag-isa at kusa.
Source: Daily Mail UK
Image: Freepik
Basahin: Mas maaga raw nagsasalita ang mga baby kapag ginawa ito ng magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!