Narito ang kwento sa likod ng pagbubuntis ng ating mga mommy habang COVID-19.
Simula ng 2020
Noong Bagong Taon, wala tayong malay lahat na ang taong 2020 pala ay magbibigay sa ating mga Pilipino ng sunod-sunod na pagsubok.
Simula pa lang ng taon ngunit sunod-sunod na trahedya at problema na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang ating nararanasan. Isa na diyan ang pagputok ng Bulkang Taal na dahilan ng pag-ulan ng mga delikadong abo sa Luzon. Ngunit isa pang problemang kasalukuyang pa rin nating nararanasan ay ang COVID-19 pandemic.
Unang nadiskubre ang coronavirus a bansang China noong November 2019. At nito nga lang January 2020 ay inanunsyo na ito ng World Health Organization bilang isang seryosong sakit na kailangang malunasan agad-agad. Kasunod nito ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa nasabing virus sa China. Pinangalanan na rin itong COVID-19.
At nito nga lang buwan ng March, kinalala na ang COIVD-19 ng World Health Organization bilang isang pandemic.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa, hindi maikakaila na labis nang naapektuhan hindi lang ang ekonomiya ng bansa kundi pati na rin ang mental health ng mga tao.
Pagbubuntis habang COVID-19 | Image from Unsplash
Narito ang dahilan kung bakit blessing ang mga COVID-19 babies
Isa na rito ang ating mga pregnant moms na nakatakdang manganak ngayong kasagsagan ng COVID-19. Hindi mo maaalis sa kanila ang labis na pagkatakot dahil sa maaaring maging epekto ng nakamamatay na virus sa kanilang pagbubuntis. Kaya naman may ibang nanay na nagsisisi na sana ay hindi muna siya nabuntis para sa kapakanan ng kanilang mga dinadala.
Ngunit para maging positibo tayong lahat, ‘wag nating katakutan ang pagkakaroon ng baby ngayong COVID-19. Espesyal sila at ipinagkaloob sa ating mga mommies para magsilbing kasiyahan sa nararanasan nating pagsubok ngayon.
Special ang mga babies ano man ang taon o buwan silang pinanganak.
Pagbubuntis habang COVID-19: Extra extra quality time with baby!
Kung ikaw ay isang working mom o sobrang busy na mamshie, malamang ay makakatulong na rin para sa iyo ang pansamantalang break natin sa outside world. Limitado ang ating mga galaw at hindi pwedeng basta basta na lumabas lalo na dahil high-risk ang mga pregnant moms.
Imbis na katakutan ang pandemic, bakit hindi mo ito gawing advantage sa iyong paparating na angel? Ang quarantine ay magsisilbi sa inyong bonding time (extra bond with baby!) na aminado kang hindi mo nagagawa dati dahil sa sobrang pagka-busy sa work.
Kung kabuwanan mo na mommy at natatakot ka pa rin na manganak dahil iniisip mo ang maaaring maging epekto ng COVID-19 sa iyong baby, ‘wag mag-aalala dahil malakas si baby at hinihintay kana niyang makasama!
Pagbubuntis habang COVID-19 | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Pagbubuntis habang COVID-19 | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
BASAHIN:
LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!
Lullaby songs na makakatulong upang mabilis makatulog si baby
EXPERTS: Pregnant moms, huwag mag-alala na mahahawa si baby sa COVID-19