Ating alamin kung anong rason ng pagmamanas ng buntis at kung paano ito maiiwasan. Moms, take note!
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagmamanas ng buntis
- Sanhi ng pagmamanas ng buntis
- Home remedy para sa manas ng paa
Pagmamanas ng buntis
Kapag nagbubuntis, ang katawan ay lumilikha ng mas maraming dugo at body fluids para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang sanggol sa sinapupunan.
Pagmamanas ng buntis
Ang pamamansa, o edema, ay sanhi ng mga namuo o naipon a tubig sa body tissues kapag ang babae ay buntis. Karaniwang ang mga paa, sakong, at binti ang tinatamaan nito. Kaya naman ito ang dahilan ng pagmamanas ng buntis. Alamin ang mga home remedy para sa manas ng paa!
Bakit nga ba nangyayari ang pagmamanas ng buntis?
Karaniwang namamanas ang babae sa huling trimester at dahil sa bumibigat na uterus, nadidiin ang pelvic veins at vena cava o ang malaking ugat sa kanang bahagi ng katawan na nagdadala ng dugo mula sa ibabang bahagi ng katawan papunta sa puso, kaya’t naiipon ang tubig sa ugat, at namamanas. Mas nagiging malala din ang pamamanas sa gabi, at kapag mainit ang panahon, tulad ng tag-init o summer.
Ang nadadagdag na fluids na ito ay kinakailangan ng katawan upang maihanda ito sa paglaki dahil sa pagbubuntis. Pinapalambot nito at inihahanda ang pelvic joints ant tissues sa nalalapit na panganganak.
Ang init ng panahon, pagtayo ng matagal, pagiging aktibo, kakulangan sa potassium, labis na caffeine at sodium sa katawan, ay ilan sa mga nagpapalala sa edema.
BASAHIN:
14 na natural na solusyon para mawala ang pamamanas ng paa
Anong mabisang gamot sa pamamaga ng paa?
Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito?
Sanhi ng pagmamanas ng buntis
Dahil ito sa mabilis na pagtaas ng hormone progesterone ng buntis at napapabagal ang digestion. Ito ang dahilan ng abdominal bloating na maaaring makita sa kamay, paa o mukha.
Kung sakaling nakakaranas nito kasabaya ang pagkahilo, pananakit ng ulo at pagdurugo, mas magandang magpatingin na agad sa iyong doctor.
Narito pa ang ilang dahilan ng pagmamanas ng buntis:
- Pagtayo ng matagal na oras
- Pag inom ng kape
- Mainit na panahon
- Hindi balance na diet
- Hindi pag inom ng sapat na tubig
Home remedy para sa manas ng paa ng buntis | Image from Freepik
Nawawala ba ito?
Huwag mag-alala. Ang pagmamanas ng buntis ay kusang umiimpis pagkapanganak. Ilalabas ito ni Nanay sa pagpapawis at pag-ihi ng madalas.
Dapat bang mag-alala?
Halos lahat ng nagdadalang taong buntis ay nakakaranas ng pagmamanas. Ngunit kung nararamdaman mo na maaaring sintomas na ito ng preeclampsia, kumonsulta agad sa doktor. Narito ang ilang sintomas na naghuhudyat ng pag-aalala:
- Pamamaga ng mukha
- Pamamaga ng paligid ng mata
- Labis na pamamanas ng kamay, binti, paa o sakong
- Ang isang binti ay mas manas kaysa sa isa
- Masakit ang balakang (maaaring may blood clot)
Home remedy para sa manas ng paa ng buntis | Image from Freepik
Paano maiibsan ang pagmamanas ng buntis?: Home remedy para sa manas ng paa
Walang gamot sa manas ngunit maraming paraan para mabawasan ang pananakit o para mas maging komportable ang lagay ni Nanay.
- Isa sa mga home remedy para sa manas ng paa ay ang pag-iwas ang pag-upo nang naka ekis ang mga binti o sakong upang maibsan ang pagmamanas ng buntis.
- Iwasang maupo o tumayo ng matagal. Tumayo o maglakad-lakad ng ilang sandali kapag nararamdaman nang matagal nang nakaupo o nakatayo.
- Ipinapayo ng mga doktor ang paghiga ng patagilid sa kaliwa upang hindi gaanong madiinan ang mga ugat at ang kidney.
- Ipahinga ang mga paa at binti, hanggat maaari. Itaas ang mga ito o ipatong sa silya, unan o footrest. Kapag napapahinga ang katawan, natutulungang maglabas ng tubig ang kidney.
- Ideretso ang mga binti kung nakaupo, at iikot ng dahan dahan ang paa, at igalaw ang mga daliri sa paa upang maibsan ang pagmamanas ng buntis.
- Ang mabisang gamot sa manas ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain at iwasan ang junk food, maaalat na pagkain, at mga inuming may caffeine. Makakatulong ang pagkaing mayaman sa potassium tulad ng saging.
- Pumiling magsuot ng komportableng sapatos, o mas malaki ang sukat kaysa sa karaniwang sinusuot.
- Iwasan ang pagsusuot ng medyas o stockings na may mahigpit na garter sa sakong o binti.
- Pumili ng waist-high maternity support na maternity stockings
- Mabisang home remedy para sa manas ng paa ay ang pag-inom ng maraming tubig, o sampung baso sa isang araw. Nakakatulong ito na mapigil ang pag-ipon ng tubig sa katawan. Surprisingly, this helps your body retain less fluid.
- Mag-ehersisyo. Maglakad-lakad o lumangoy. Ang pagbababad sa tubig (tulad ng swimming pool) ay nakakabawas sa pamamanas.
- Alternatibong gamot sa manas ay ang paglalagay ng ng cold compress sa mga namamanas na bahagi ng katawan upang maibsan ang pagmamanas ng buntis.
Sources:
What to Expect When You’re Expecting ni Heidi Murkoff, Mayo Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!