5 epektibong paraan ng pagpapadighay ng sanggol

5 epektibong paraan ng pagpapadighay ng sanggol

May kabag ba si baby? Padighayin siya nang wasto at ligtas sa pamamagitan ng mga tips na ito!

Ang pagpapadighay ng sanggol ay isang paraan upang maialis ang kabag sa tiyan ni baby habang o pagkatapos dumedede si baby. Kapag walang kabag si baby, mas marami ang kanyang madededeng gatas dahil mas marami na ang espasyo sa loob ng kanyang tiyan.

Kailan ba dapat padighayin si baby? Kung napansin mong alumpihit at umiiyak si baby, subukan mo siyang padighayin. Ang mabuting pagsasanay ay ang pagkakaroon ng break time sa pagitan ng pagpapasuso o pagpapadede sa bote ng 2 hanggang 3 ounces ng gatas at pagpapadighay ng sanggol. Kung nakaidlip naman si baby pagkatapos dumede, huwag muna siyang padighayin.

Ang dami at dalas ng pagpapadighay ng sanggol ay nakadepende sa bawat baby. Ang mga baby na breastfed o dumedede sa ina ay hindi masyadong kailangan na padighayin kumpara sa mga baby na dumedede sa bote. Bakit? Sapagkat kadalasang kokonti lang ang hangin na pumapasok sa tiyan ni baby kapag siya ay dumedede kay mommy. Tulad nga ng nabanggit kanina, depende ito sa bawat baby kaya kailangang tingnan ng maigi si baby para malaman mo kung gaano mo dapat kadalas siyang padighayin.

Maaaring makatulong sa'yo ang 5 paraan na ito kung paano ang tama at epektibong pagpapadighay ng sanggol.

Padighayin nang Patayo sa Balikat

Ito ang pinakamadalas na paraan ng pagpapadighay ng sanggol. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghawak kay baby sa patayong posisyon at pagpwesto sa kanya sa iyong balikat habang nakasuporta naman ang iyong isang kamay sa kanyang ulo.

pagpapadighay ng sanggol

Padighayin nang Patayo sa Kandungan

Isa pang paraan ng pagpapadighay ng sanggol ay ang hawakan si baby sa iyong kandungan at ihilig siya ng pasulong. Tapikin ng marahan ang likod ni baby habang paikot itong hinahaplos.

pagpapadighay ng sanggol

Pagpapadighay nang Padapa sa Kandungan

Isa pang paraan ay ang padapain si baby sa iyong kandungan habang ang isa mong kamay ay nakasuporta sa kanyang dibdib. Salitang haplusin ang likod ni baby at marahang tapikin para dumighay.

pagpapadighay ng sanggol

Ibaluktot ang Tuhod Patungo sa Dibdib

Kung nahihirapang dumidighay si baby gamit ang mga paraan na una nang nabanggit, subukan naman ang pagpapadighay na paupo si baby. Bahagyang ibaluktot ang kanyang tuhod patungo sa kanyang dibdib para matulungang madighay si baby.

pagpapadighay ng sanggol

Pagpapadighay Habang o Pagkatapos Dumede ni Baby

Para sa mas madaling pagpapadighay ng sanggol, subukan ang paraan ng pagpapadighay habang dumedede at pagkatapos dumede ni baby. Ang pagpapadighay bago dumede ay makatutulong upang maginhawahan si baby sa pagdede.

pagpapadighay ng sanggol

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: WhatToExpect.com, Baby Center

BASAHIN: Parenting 101: Paano mawala ang sinok ni baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

Bianchi Mendoza

app info
get app banner