“Anong ginamit mong pain relief sa labor?”, “Anong paraan ng pain relief ang pinaka mabisa?” ay ilan sa karaniwang tanong ng mga magiging ina sa theAsianparent app.
Sa totoo, maraming mga ina ang umamin na takot silang manganak dahil sa labor pain. Ang takot sa labor pain ay isa sa mga rason kaya ayaw ng ibang iba ang natural na delivery.
Tulad ng inaasahan, labor pain ang nanguna sa aming poll na “What do you fear the most during your pregnancy”!
Sa article na ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan ng pain relief sa labor, at ang pros at cons, para magkaroon ka ng maganda at stress-free na panganganak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Pain relief sa labor: Pharmacological na paraan
Ang kaayahang tumanggap ng sakit ay iba-iba sa bawat tao. Pati narin ang bisa ng iba’t ibang paraan ng pain relief.
Ito ang ilang karaniwang paraan para sa pain relief sa labor.
Etonox o nitrous oxide gas
Ang etonox ay kilala sa tawag na “laughing gas”, at halo ito ng nitrous oxide at oxygen.
Ihihinga mo ang gas na ito sa simula ng contractions gamit ang mask o mouthpiece na hahawakan mo. Makakabuti ang mabagal at malalim ang paghinga sa pagsimula ng contractions para makamit ang maximum na epekto sa rurok ng contraction. Inaabot ng 20 hanggang 30 na segundo para umepekto ang gas.
Pros:
- Madaling makakuha nito.
- Natutunaw ito sa dugo, at walang nakakasamang side effects sa katawan ng ina at ng baby.
- Madaling gawin at maaaring kontrolin ng mom-to-be.
Cons:
- Maaaring hindi epektibo sa malalang sakit kaya kakailanganin ng iba pang paraan ng pain relief.
- May posibilidad na antukin, sumama ang pakiramdam, mahilo, at hindi kayaning tumuon.
- Maaaring manuyo ang bibig (sa ganitong pagkakataon, makakatulong ang pagsipsip ng tubig o yelo).
Mga gamot tulad ng Pethidine
Ang Pethidine, Diamorphine at mga katulad na gamot ay maaaring ibigay para sa pain relief bilang injection.
Ang Pethidine na maskaraniwang ginagamit ay malakas na painkiller na maaaring i-inject sa hita o puwet para makatulong sa labor pain. Bawat injection ay aabutin ng 20 minuto para umepekto nang 2 hanggang 4 na oras nang pain relief.
Subalit, may ilang mga hadlang sa paraan na ito ng pain realief. Hindi ito maaaring ibigay nang sobrang lapit na sa oras ng panganganak dahil maaari itong magdulot ng pagkahilo at prublema sa paghinga ng baby. Ang injection na ito ay dapat gamitin hanggang 4 na oras bago manganak at kapag wala pang 6cm ang dilation ng cervix.
Pros:
- Mas malakas ang mga ito sa laughing gas, at makakatulong nang malaki sa pagbawas ng pananakit.
- Nakakatulong itong magparelax at magpatulog ng ina.
Cons:
- Maaaring magdulot ang mga gamot na ito ng pagka-antok at pagkahilo sa ina.
- Maaring mabawasan ang kakayahang umire ng ina.
- Ang mga gamot na ito ay tumatagos sa placenta at maaaring magpa-antok sa baby. Maaapektuhan nito ang breastfeeding matapos ipanganak.
- Maaari nitong maapektuhan ang paghinga ng baby matapos ipanganak. Kung mangyari ito, isang antidote ang kailangang ibigay para labanan ang side effects.
- Kung water birth, hindi magagamit ang birthing pool nang nasa 2 oras matapos ibigay ang injection.
Epidural
Ang epidural ay isang anaesthetic na ini-inject sa spine at nagpapamanhid ng mga nerves na nagdadala ng impulse ng sakit mula sa birth canal patungo ng utak.
Ang anaesthetist lamang ang maaaring magbigay ng epidural, kaya maaari lamang tumanggap ng epidural kapag nasa labor ward na. Kailangan munang lumagda ng consent bago mabigyan ng epidural.
Kung piliin ito, susuriin nang madalas ang blood pressure, at sasailalim sa drip. Ang iyong contractions at tibok ng puso ng baby ay babantayan din nang maigi.
Pros
- Mas epektibong pain relief kumpara sa laughing gas o pethidine.
- Nakakatulong sa mga may matatagal o malalang labor.
- Maaaring simulan ano mang oras.
- Hinahayaan kang mawalan nang sakit at gising habang nagla-labor.
- Hindi ito nauugnay sa masmatagal na unang bahagi ng labor o pagpapataas ng tsansa na kailanganin ng caesarean section.
Cons
- Hindi makakagalaw nang madalas matapos ang ilang bigay ng gamot.
- Makakatanggap lamang nito sa labor ward sa ospital, dahil kailangan ay anaesthetist ang magbibigay nito.
- Ang epidural ay nauugnay sa masmatagal na ikalawang bahagi ng labor at masmataas na tsansa ng assisted birth (vacuum/forceps delivery). Kung hindi na nararamdaman ang contractions, sasabihin ng nurse/midwife kung kailan iiri.
- Kailangang bantayan nang maigi sa labor.
- Maaaring magka-side effects o komplikasyon, tulad ng pagkawala ng pakiramadam at paghina ng muscles, pagkahilo, panginginig, pagbaba ng blood pressure, katamtamang pananakit ng likod, pagkawala ng kontrol sa pag-ihi, pangangati ng balat, pagsama ng pakiramdam, pananakit ng ulo, impeksiyon, hirap sa paghinga, at pinsala sa nerves.
- Sa mga sobrang bihirang kaso (1 sa 50,000-100,000), maaari itong magdulot ng pagka-paralisa.
Non-pharmacological (drug-free) na paraan ng pain relief sa labor
Mas pinipili ng ibang ina ang alternatibong drug-free na paraan para sa pain relief tulad ng acupuncture, aromatherapy, pagmasahe at reflexology. Subalit, ang bisa ng mga ito ay hindi pa napapatunayan ng siyensiya.
Mahalagang mapag-usapan ito ng inyong duktor o midwife bago mag-labor. Siguraduhin din na ang practitioner ay nakatanggap ng sapat na trainging at karanasan.
Ang ilang non-pharmacological na paraan ng pain relief sa labor ay:
TENS Machine
Ang ibig sabihin ng TENS ay transcutaneous electrical nerve stimulation. Ang TENS machine ay nagpapadala ng electrical impulse para pigilan ang pain signals mula sa katawang patungong utak. Hinihikayat din nito ang katawan na maglabas ng natural na painkillers na tinatawag na endorphins.
Ang TENS ay kinikilalang mas-epektibo sa mga unang bahagi kung saan marami ang nakakaranas ng pananakit ng lower back. Hindi pa ito nakikitang epektibo sa active phase ng labor kung saan ang contractions ay masmahaba, masmalakas at masmadalas.
Walang kinikilalang side effects ang TENS machine para sa ina o baby ngunit siguraduhin parin sa inyong duktor.
Pros:
- Ang TENS machine ay hindi nakaka-apekto sa baby.
- Makokontrol mo ito.
- Maaaring isabay ang ibang paraan ng pain relief.
Cons:
- Kung simulan lamang gamitin ang TENS machine kapag malala na ang labor, hindi na ito magiging epektibo.
- Hindi ito epektibo sa lahat ng kababaihan. Maaaring mangailangan ng ibang paraan ng pain relief.
- Hindi ito magagamit sa birthing pool, pagligo o shower dahil sa panganib ng electrocution.
Water birth
Para sa ilang kababaihan, ang panganganak sa tubig ay masnakaka-relax at nakaka-bawas sa sakit ng contractions. I-check sa inyong duktor kung maaaring maging option ang water birth. Ang tubig ay ipapanatili sa kumportableng temperatura (hindi lalagpas ng 37.5°C), at babantayan din ang temperatura mo.
Tandaan na kung nais ng water birth, hindi makakagamit ng TENS machine. Hindi rin makakagamit ng kahit anong gamot para sa pain relief, tulad ng pethidine o epidural.
Ilan pang tips para sa pain relief sa labor:
- Epektibo ang breathing and relaxation techniques at siguradong ligtas. Ang mabagal at rhythmic na paghinga ay nakakatulong maka-relax at makaya ang labor pain.
- Ang pagligo sa maligamgam na tubig o shower ay nakakatulong sa unang bahagi ng labor.
- Gumalaw ka. Ang posisyon ay nagdudulot ng pagbabago kaya subukang lumuhod, maglakad-lakad o magkuyakoy.
- Hawakan ang kamay ng asawa o magpa-masahe sa kanya. Ngunit normal lang rin kung ayaw mo talagang magpa-hawak.
(Source: NHS, Singhealth, Healthhub)
Basahin: Buntis na nagle-labor na pala, naire ang kaniyang sanggol sa CR