15 na mga pagkaing Pinoy para sa pag-boost ng talino ng iyong anak

undefined

Bigyan ang inyong anak ng nutritional boost para sa brain growth. Narito ang mga pagkaing puno ng nutrisyon pasa sa brain function, memory at concentration ng mga bata (at mga matanda na rin)

Narito ang mga pagkaing puno ng vitamins para sa brain ng bata na makakatulong sa function, memory at concentration nila (at ng mga matanda na rin).

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Vitamins para sa brain ng bata.
  • 1o superfoods na puno ng vitamins para sa brain ng bata.
  • Pagkaing pampatalino.

Ang utak daw ay isang organ na palaging gutom, at siyang pangunahing kumukuha ng sustansiya ng mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw. Alamin ang mga pagkain na puno ng vitamins para sa brain ng bata.

Kung nais na mabusog sa tamang nutrisyon ang utak ng mga bata, at umusbong at dumami ang mga dendrites nito, dapat kumain ng mga pagkaing hitik sa nutrients para sa utak, paliwanag ni Bethany Thayer, MS, RD, isang nutritionist at tagapagsalita ng American Dietetic Association (ADA), ayon sa WebMD.

Kung junk food ang kinakain, siguradong junk din ang mapupunta sa utak, hindi ba?

Vitamins para sa brain ng bata

Bilang isa sa mga bahagi ng developmental milestones ng ating mga anak moms, ay ang pagkain ng tama batay sa kanilang edad. Kasabay ng tamang amount o dami ng pagkain habang lumalaki ay ang nilalaman na mga vitamins at minerals sa bawat pagkain.

Kailangan ang mga vitamins na ito para sa brain ng bata. Kaya, bilang parents, need nating alamin kung aling mga pampatalinong pagkain ang nararapat o madalas na maihain sa ating hapag.

Kasabay din ng pag-alam sa mga pampatalinong pagkain ay natuturuan din natin ang ating mga anak sa pagkain ng masustansiyang pagkain. Kasama na dito ang prutas at gulay, at mga protein na makukuha hindi lamang sa red meats.

Narito ang mga vitamins para sa brain ng bata (at sa matanda na rin):

  • Omega-3 fatty acidsat unsaturated fats: makikita ito sa mga isda, beans, at maging sa yogurt at itlog
  • Vitamin E: makukuha ang vitamins para sa brain ng bata na ito sa dark leafy green na mga gulay, avocado, mangga, at ibang nuts at seeds
  • B Vitamins: Kadalasang makukuha ang B vitamins sa mga beans, ang Vitamin B6 naman sa saging, tuna, salmon, poultry at leafy green na mga gulay
  • Vitamin C: Samantala, madalas namang makukuha ito sa citrus fruits, cauliflower, red at green bell peppers, at kamatis

Ilan lamang ito sa mga vitamins para sa brain ng bata na dapat nating malaman. Siyempre, mahalaga din na ikonsulta sa inyong pediatrician kung paano ibabalanse ang bawat meal ng inyong anak para matiyak ang sustansiyang kailangan at vitamins para sa brain ng bata.

Pinoy Brain Food: 10 superfoods na puno ng vitamins para sa brain ng bata

vitamins para sa brain ng bata - pinoy brain food

Isama ang mga Pinoy brain food sa araw-araw na meal plans para lalo pang mapatalino ang iyong mga anak! | image courtesy: dreamstime

Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa importanteng bitamina at nutrients para sa brain growth at function, tulad ng omega-3 fatty acids, choline (para sa memory), thiamin, vitamin B at E, iron at protina.

Ang mga ito ay masustansiyang Pinoy brain food dahil nagbibigay ng energy at nahahasa ang utak at isip ng mga bata, sa buong maghapon. Almusal, tanghalian, meryenda o hapunan, pasok na pasok ang mga pagkaing ito sa paborito ng mga batang kainin.

1. Itlog
2. Peanut Butter
3. Whole Grain
4. Oats/Oatmeal
5. Berries
6. Beans
7. Makulay na gulay
8. Gatas at Yoghurt
9. Lean Meat (o alternatibong karne)

Paano maipapasok sa araw-araw na diet ng mga bata ang mga pagkaing ito? Subukang maghain ng mga putaheng gusto ng mga bata, AT hitik pa sa sustansiya para sa kanilang talino at pag-iisip.

Narito ang mga masarap na Pinoy brain food na siksik sa sustansiya at nutrients para sa brain growth at function ng mga tsikiting.

vitamins para sa brain ng bata - pinoy brain food

Madali lamang isama ang mga Pinoy brain food sa inyong mga paboriting recipes! | image courtesy: dreamstime

1. Salmon Patties

Pwedeng gumamit ng delatang pink salmon o salmon fillet, binalatan at tinadtad. Ihalo sa toyo, 1 itlog, at asinan. Dagdagan ng sibuyas, carrots, at bread crumbs. Pwede ring haluan ng tinadtad na bawang at spinach. Bilugin at pormahin na parang burger patty, at saka prituhin.

2. Egg Sandwich o Egg Burrito

Simpleng egg sandwich, na ginawang mas exciting at kaaya-aya sa bata.

Durugin ang 6 na nilagang itlog, ihalo sa mayonnaise, sweet pickle relish, 1 kutsaritang asukal, dry mustard powder, teaspoon onion powder, asin at paminta. Kapag halo nang mabuti, palamigin sa refrigerator, at handa na ito para ipalaman sa tinapay.

Puwede rin itong haluan ng tinadtad na broccoli o spinach para mas masustansiya.

Gumamit ng whole grain, brown o multi-grain na tinapay, o ‘di kaya ay ibalot sa pita bread na parang burrito.

3. Pinoy Pork and Beans

Gumawa ng sariling pork and beans, imbis na magbukas lang ng delata. Magpakulo ng red beans at pork belly, hanggang lumambot ito. Ihiwalay ang baboy sa beans.

Pagkatapos ay maggisa ng bawang, sibuyas at tanglad (lemongrass) sa mantika. Idagdag ang baboy at igisa ito hanggang maluto. Idagdag ang lutong beans at sahugan ng langka. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.

Pwedeng sahugan ng patis, asin o paminta, depende sa panlasa. Dagdagan din ng dahong ng malunggay para sa mas masustansiyang pork and beans.

4. Pinoy Potato Salad

Magpakulo ng patatas at carrots hanggang lumambot. Hiwain ng parisukat (huwag balatan) ang patatas. Balatan at tadtarin ng maliliit ang carrots. Magpakulo din ng itlog, balatan at hiwain din.

Paghaluin ang carrots, itlog at patatasa, kasama ng sibuyas at tinadtad na celery. Sahugan ng bacon o ham, kung gusto. Haluing mabuti kasama ng mayonnaise, sour cream at mustard. Lagyan ng asin at paminta. Palamigin at saka ihain.

Ang mga makulay na gulay at prutas tulad ng kamatis, patatas, kamote, kalabasa, carrots, spinach—ay mabisang antioxidants at nagpapanatiling malusog ang brain cells.

5. Kakaibang “Healthy Bites

Vitamins para sa brain ng bata - sikreto-ng-mga-matatagumpay-na-mag-aaral-base-sa-siyensiya

Image from Freepik

Paghaluin lang ang 1 tasang peanut butter, ½ tasa ng honey, 1 tasang oats, ½ tasang milk powder—at mayroon nang malinamnam na spread mixture, na pwedeng ipalaman sa 2 hiwa ng mansanas, o di kaya ay 2 oatmeal cookies. Dagdag pa dito, puwede itong isawsaw sa yoghurt o gatas!

Pagkaing pampatalino para mga bata

Samu’t saring mga source ng vitamins para sa brain at pagkaing pampatalino ang mga palengke nating mga Pinoy. Kung kaya, hindi na tayo mahihirapang humanap ng mga pagkaing pampatalino na tiyak na kakailanganing matikman kapwa ng ating mga anak at nating mga matanda.

Maliban sa pagpapatibay ng resistensya at immune system sa katawan, ang balanse ng mga kinakain natin ay pagbabalanse rin ng mga vitamins at minerals para sa brain ng bata at matanda. Kaya, mga moms, laging siguraduhin na sa bawat hapag natin ay may mga pagkain na source ng ating kalusugan.

Pagkaing pampatalino para sa bata

Dahil hindi biro ang pagpapanatili ng sustansiya at vitamins para sa brain ng mga bata, may mga variety ng pagkaing pampatalino ang accessible mula sa pamilihan at palengke na swak na rin sa ating badyet.

Narito ang mga pagkaing pampatalino na tiyak na isasama na ninyo sa inyong listahan kapag kayo ay mamimili:

  • Seafood tulad ng salmon, mackerel at sardinas (source ng Omega-3)
  • Kamatis (lycopene)
  • Avocado (vitamin K at folic acid)
  • Nuts (na may vitamin E)
  • Green leafy na mga gulay (antioxidants at carotenoids)
  • Dark chocolate (pagpapanatili ng mental awareness sa pamamagitan ng maliit na amount ng caffeine)

Magtanong sa inyong pediatrician ng iba pang mga menu at listahan ng mga pagkaing pampatalino para sa mga bata. Tanungin din kung aling vitamins ang meron ang bawat pagkain para sa brain ng bata.

Kumain ng masustansiya, para tumalino ang inyong mga anak mga moms!

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!