Princess Velasco inaming mahirap i-wean o itigil sa pag-brebreastfeed ang kaniyang anak. Pero para sa kaligtasan ng kaniyang pangatlong pagbubuntis ay kinailangan niya itong gawin. Narito kung paano niya ito naisagawa gamit ang isang nakakatuwang paraan.
Image from Princess Velasco
Princess Velasco 3rd pregnancy
Surprise ECQ baby, ganito kung tawagin ni Princess Velasco ang kaniyang pangatlong pagbubuntis. Dahil bilang isang babae na may PCOS at endometriosis hindi niya akalaing mabubuntis siya agad muli. Sa katunayan, ayon kay Princess sa nauna niyang dalawang pagbubuntis ay kinailangan niya pang uminom ng fertility medicines para ito ay maging possible. Magkaganoon pa man very happy pa rin si Princess sa kaniyang 3rd baby. Lalo na’t ito ay isang girl na matagal na nilang inaasam ng kaniyang mister.
View this post on Instagram
Pero tulad ng nauna niyang mga pagbubuntis, siya ngayon ay naka-schedule CS na rin sa panganganak sa kaniyang bunso. Ito ay dahil lubhang napakadelikado na para sa kaniya ang mag-labour dulot ng mga komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak na nauna niyang naranasan.
Kondisyon ng kaniyang pagbubuntis
Kuwento ni Princess, kinailangan niyang i-CS sa kaniyang panganay dahil sa ito ay malaki masyado. Habang sa kaniyang pangalawang anak naman ay nakaranas siya ng gestational diabetes at tulad ng kaniyang panganay ay malaki rin ito. Dagdag pa niya sa sobrang laki nga umano nito ay nabuka ang old CS scar niya na hindi niya namamalayan. Dahilan upang sa pagbubuntis niyang ito ay hindi na siya papayagang mag-labour pa at i-deretso CS na.
“When I was being cut open medyo delikado. Bumuka na pala ‘yung old CS scar ko. Dahil nagko-contract na pala ako the night before hindi ko alam.”
Ito ang pag-aalala ni Princess sa tagpo noong ipinapanganak niya ang kaniyang pangalawang anak. Isa rin ito sa mga dahilan na nagtulak sa kaniya upang itigil na ang pagpapasuso sa ngayon ay dalawang taong gulang niya ng anak. Dahil paliwanag ng doktor ang nipple stimulation na dulot ng pagpapasuso ay maaaring magdulot ng contractions sa kaniyang tiyan. Ito’y napakadelikado para sa kaniyang pagbubuntis na maaring mauwi muli sa pagbubukas ng kaniyang old CS scar.
Princess Velasco’s tip on weaning a baby from breastfeeding
Image from Princess Velasco
BASAHIN:
6 na pagkain na dapat kainin ng bagong panganak
#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly”
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Kaya naman mahirap at mabigat man sa kaniyang kalooban ay kinailangang itigil ni Princess ang pagpapasuso sa kaniyang pangalawang anak. Dahil maliban sa dala nitong peligro sa kaniyang pagdadalang-tao, hindi niya rin inimumungkahi ang tandem feeding o pagpapadede ng sabay sa kaniyang toddler at upcoming baby number 3.
“I have 2 friends na kakapanganak palang hindi nag-wean. Parang sabi nila medyo mahirap pala ‘yung tandem feeding. Kasi nagre-regress ‘yung baby daw lalong mas nagiging clingy, mas lalong naging demanding. As a mom iniiisip ko baga madaganan rin ‘yung baby ganoon.”
Ito ang pahayag pa ni Princess sa aming panayam.
Kaya naman tulad ng ginawa niya sa kaniyang panganay na si Kobe ay sinubukan rin ni Princess na i-apply sa kaniyang pangalawang anak na si Milo ang kaniyang weaning strategy. Sa pamamagitan ng pagpapanggap na may sugat ang kaniyang mga nipples at paglalagay ng band-aid sa mga ito.
Her weaning strategy
“Milo sorry super ouchie na dede ni Mommy may sugat. Tapos sabi niya “Can I see sugat?”. Talagang titingnan niya, tse-check niya. Siguro mga 2 days o 3 days meron akong band-aid sa dede ko kasi ini-inspect niya. Meron siyang surprise inspection during the day. So parang kapag nakita niya na meron hindi siya dumedede.”
Ang weaning strategy niyang ito ay successful din sa kaniyang pangalawang anak. Simula nitong November 4 ay hindi na ito dumedede at natuto ng uminom ng kaniyang gatas sa baso. Isang bagay na nagbigay ng magkahalong lungkot at saya na pakiramdam sa acoustic singer.
“Kapag na-wean mo na sila ikaw naman ‘yung malulungkot pagkatapos. Ay hindi siya dumede ‘di na siya baby. Big boy na siya.”
Pero magkaganoon man, ayon kay Princess ginagawa niya naman ito para sa ikakabubuti ng lahat. Para sa kapakanan ng kaniyang pagbubuntis at pamilya.
Pagpapatigil sa pagpapasuso sa iyong anak
Image from Princess Velasco
Ayon sa American pediatrician at parenting book author na si Dr. William Sears, walang tamang oras kung kailan dapat tigilan ng isang ina ang pagpapasuso sa kaniyang anak. Maliban nalang kung may mga pagkakataon na kailangan itong gawin tulad ng kaso ni Princess. Pero ang pagpapatigil sa pagsuso o weaning sa mga bata ay hindi madali. Ngunit may mga paraan na maaring subukang gawin upang ito ay maging possible. Para magawa nga ito ay narito ang mga tips na makakatulong sayo.
Mga tips sa para unti-unting mapatigil sa pagsuso ang iyong anak
- I-breastfeed lang ang iyong anak kapag gusto ninya at huwag i-offer sa kaniya ito. Sa ganitong paraan ay dahan-dahan mong naii-introduce sa kaniya ang weaning process.
- Baguhin ang iyong routine. Iwasan o alisin na ang mga nursing chair sa inyong bahay o subukang pasusuin ang iyong anak ng nakatayo. Paraan rin ito upang unti-unti mong ma-introduce ang weaning process sa ‘yong sarili at sa iyong anak.
- Sa oras na gusto niyang dumede o siya ay nagugutom, alukin siya ng inumin o pagkain. O magsagawa ng distractions tulad ng pagdadala sa kaniya sa park sa mga nakasanayang nursing time niya.
- Paiksiin ang nursing time niya. Gawin ito sa pamamagitan ng nakakatuwang paraan. Tulad ng matatapos ang kaniyang pagsuso matapos ang isang kanta o kaya sa pamamagitan ng bilang hanggang 20. Makakatulong ito sa weaning transition niya.
- Kung nasanay naman ang iyong anak na sumuso sa gabi bago matulog ay mabuting ihiwalay na muna siya ng higaan sa ‘yo. O kaya naman ay itabi siya sa kaniyang kapatid. Makakatulong din ang mga distractions tulad ng pagbabasa ng bedtime stories para hindi siya sumuso at makatulog siya.
- Imbes na pasusuin siya ay halikan o yakapin siya para maparamdam parin sa kaniya ang iyong pagmamahal.
Source:
La Leche League International
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!