Bilang mga buntis, mahalaga ang health nila, lalo na at makakaapekto ang kanilang lifestyle sa sarili at sa baby sa loob ng tiyan. Siyempre, mahalagang mapag-usapan ang iba-iba’t gamot na kailangang pagkaingatan ng mga buntis.
Hindi naman porket buntis at nagte-take ng mga prenatal vitamins at kumakain ng masustansiya ay hindi na makakaiwas sa ubo at sipon. Kalimitan, ang malamig na klima at iba pang factors na nagdudulot ng mga sakit na ito ay nagbubunga rin ng masakit na lalamunan ng buntis.
Dagdag pa, ang masakit na lalamunan ay maaaring magbunga rin ng pamamaga ng tonsillitis at pagkapaos. Dito, mag-iisip ka na kung pwede ba sa buntis ang Strepsils bilang gamot sa sore throat.
Isa ang Strepsils bilang pangunahing over-the-counter na remedy o gamot para sa sore throat o sakit sa lalamunan. Maliban sa Strepsils, may mga iba pang lozenges brand bilang gamot sa masakit na lalamunan.
Ngunit ang tanong ng mga buntis, kung may sore throat o sakit sila sa lalamunan, pwede ba talaga ang Strepsils? Ano-ano ang mga gamot sa sakit sa lalamunan ang maaaring inumin ng buntis?
Sasagutin natin ang mga katanungang nabanggit at kung ano ang iba pang bagay na kailangan alamin sa masakit na lalamunan ng buntis.
Talaan ng Nilalaman
Masakit na lalamunan ng buntis
Habang nagbubuntis, may mga perks ka na maaaring i-enjoy, tulad ng healthy na buhok at glowing, fair skin. Ngunit, hindi ka mapoprotektahan ng mga perks na ito sa anumang virus at bacterial infection, tulad ng sakit sa lalamunan o strep throat.
Unfair man pakinggan, pero, posible at prone ka pa ring magkaroon ng sore throat habang buntis. Sa ganitong sitwasyon, isa lang ang kasunod na tanong para dito: Pwede ba sa buntis ang Strepsils bilang gamot sa sakit sa lalamunan?
Huwag mag-aalala mga moms. Hindi rin laging nangangahulugan ang masakit na lalamunan ng buntis na may bacterial infection ka na. Ang kailangan lang din gawin ay alamin ang pinanggagalingan ng sakit sa lalamunan at sintomas nito.
Gayundin, alamin kung aling gamot o kung pwede ba sa buntis ang Strepsils.
Sintomas ng strep throat na dapat malaman
Mahirap alamin kung alin ang namamaga at masakit habang nagbubuntis. Pero, ang sintomas at senyales ng strep throat, maliban sa masakit na lalamunan ng buntis ay mas madaling matiyak. Narito ang mga sumusunod na sintomas ng strep throat o sakit sa lalamunan:
- namumula at namamagang tonsil
- sobrang masakit na lalamunan ng buntis
- masakit ang ulo
- white spots sa lalamunan o sa tonsil
- kapansin-pansin na kawalan ng energy o pagiging matamlay, panghihina, at fatigue
- nahihiripang lumunok ng pagkain
- pamamaga sa paligid ng leeg
- paglaki ng kulani o lymph nodes
- nilalagnat
- kawalan ng gana kumain
- ubo
Hindi biro ang strep throat lalo na kung ito ay dulot ng bacterial infection. Kung makaranas ng mga ganitong sintomas habang ikaw ay buntis, magpa-check up agad sa doktor. Alamin kung aling gamot sa sore throat ng buntis.
Kung ang mga sintomas na katulad nito ay hindi naman dulot ng bacterial infection, magpa-check up pa rin sa doktor. Tiyakin ang pwedeng gamot sa sakit ng lalamunan ng buntis. Itanong din kung pwede ba ang Strepsils sa simpleng sore throat ng buntis.
Gamot sa sakit ng lalamunan ng buntis: Ang Strepsils, pwede ba sa buntis?
Sa malalang kaso ng sakit sa lalamunan ng buntis tulad ng strep throat, ang gamot na ipine-prescribe dito ay antiobiotics. Pero, ang gamutan sa sakit sa lalamunan ng buntis ay kailangan laging closely monitored. Kung kaya, laging inuuri ng mga doktor ang medication na may pregnancy risk factor classification.
Narito ang ilang ratings at pag uuri na makakagabay sa iyo at sa iyong doktor para best decision sa gamot sa sakit sa lalamunan ng buntis. Pwedeng sundin ang mga nai-rebyu na guidelines na ito ng Healthline.com.
- Category A: Best rating bilang gamot sa sakit sa lalamunan ng buntis. Ibig sabihin, ang mga gamot na ito ay napatunayan at napag-aralan na walang evidence na magdudulot ng damage at side effects sa iyo at sa iyong baby.
- Category B: Bago inumin ang gamot, siguraduhing naikonsulta muna ito sa iyong doktor at OB-Gyne. Ibig sabihin naman nito, walang katiyakan kung may dulot bang masama sa baby ang mga gamot na ito sa sore throat ng buntis.
Ito naman ang mga kadalasang medication para sa malalang kaso ng sakit sa lalamunan tulad ng strep throat at ang kanilang ratings bilang gamot sa sakit sa lalamunan at sore throat ng buntis:
- cephalexin (Category B)
- Amoxicillin (Category B)
- Penicillin (Category B)
Kung gayon, ang mga karaniwang gamot o anitibiotics sa strep at sore throat na dulot ng bacterial infection ay hindi basta-basta dapat inumin ng isang buntis. Kailangan ng matinding konsultasyon sa inyong doktor bago bumili at uminom ng gamot sa sore throat ng buntis.
Pwede ba sa buntis ang Strepsils?: Gamot sa sore throat ng buntis
Bagaman bawal ang antibiotics, kung sa simpleng sore throat naman ang nararanasan ng buntis, may mga over-the-counter reliever at gamot para sa iyo.
Maliban sa over-the-counter na lozenges tulad ng Strepsils at mouth wash tulad ng Bactedol, may ilang home remedy ang pwedeng gawin bilang gamot sa sore throat ng buntis.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Magmumog ng maligamgam na tubig na may kaunting asin para maibsan ang sakit sa lalamunan (itanong ang payo ng doktor tungkol dito).
- Iwasan ang malalamig na inumin, na mas lalong magpapalala ng sore throat ng buntis. Kaysa magmalamig, subukan uminom ng non-caffeine na tsaa tulad ng chamomile at lemon tea na may cinnamon. Siguraduhin na laging hydrated.
- Magpahinga ng maayos para makapag recharge ang iyong katawan.
Pwede ba ang Strepsils sa buntis?
Ang Strepsils ay isang soothing at medicated na brand ng lozenges bilang gamot sa sore throat ng buntis. Naglalaman ito ng active medical ingredients bilang gamot para ibsan ang sakit sa lalamunan at pamamaga ng lalamunan ng buntis.
Ayon sa HealthDirect, ang strepsils ay ligtas at pwede sa buntis.
Kung gayon, ang sagot sa tanong na pwede ba ang Strepsils sa buntis ay OO.
Ang iba’t ibang kulay o range ng Strepsils lozenge ay treatment para sa iba’t ibang tipo ng sore throat. Ito ay sugar-free, at clinically proven relief na mas matagal ang pagpapaginhawa sa sakit sa lalamunan.
Ang Strepsils ay pwede sa buntis dahil wala pang naitalang kaso ng masamang epekto o dulot ng pag-inom nito habang nagbubuntis o nasa period ng lactating ang isang mom.
Dagdag pa, bagaman wala pang pag-aaral sa side effects nito sa buntis, ay hindi naman nangangahulugang masama ang pag-inom nito bilang gamot sa sakit ng lalamunan ng buntis.
Ngunit, paalala, tulad ng ibang medication at gamot, ipinapayo pa rin na kuhanin ang advise ng inyong doktor at OB kung pwede ba ang Strepsils sa buntis. Walang masama kung magiging sigurado sa lahat ng medication at gamot habang nagbubuntis.
Karagdagagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.