X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ubo ng buntis: Ano ang safe na gamot para malunasan ito?

9 min read
Ubo ng buntis: Ano ang safe na gamot para malunasan ito?

Mahina ang immune system mo, dahil sa pagbubuntis. Kaya naman hindi dapat basta-basta ang pag-inom ng gamot laban sa mga nararamdamang sakit.

Nakababahala naman talaga sa tuwing nagkakaroon ng sakit o iniindang karamdaman ang isang buntis. Siyempre, hindi na lang kasi kalusugan ng buntis ang kinababahala maging kay baby na rin. Karaniwan nang nagiging sakit nila ay ang cough o ubo. Kaya naman sa artikulong ito, aalamin natin ang iba’t ibang gamot na pwede para sa ubo ng buntis na safe both for her and the baby.

Talaan ng Nilalaman

  • Bakit nagkakaroon ng ubo ang buntis?
  • Naapaektuhan ba ng pag-ubo ang baby?
  • Ilang home o natural remedies bilang gamot sa ubo ng buntis
title="Gamot sa ubo na pwede sa buntis: 6 na gamot sa ubo ng buntis ">Gamot sa ubo na pwede sa buntis: 6 na gamot sa ubo ng buntis
  • Bakit kailangan ng bakuna ng buntis?
  • Bakit nagkakaroon ng ubo ang buntis?

    Kadalasang nagiging sakit na ng mga tao ang pagkakaroon ng ubo at sipon. Mabilis na dumadapo ang ganitong kramdaman sa panahon ng taglamig o tag-ulan.

    Minsan din ay kung nagpapalit-palit ang panahon dahil sanhi ito ng mild viral infection. Sa maraming pagkakataon, madalas naman itong nawawala dahil may natural na proteksiyon ang katawan para malabanan ang infection na ito.

    Sa mga buntis, mas prone sila na magkaroon ng ubo dahil sa paghina ng resistensya gawa ng pagbubuntis. May mga pangyayari na hindi talaga nawawala ang ubo ng mommies.

    Kaya tanong tuloy ng karamihan, paano kapag hindi pa rin gumagaling? Ano ang mabisang gamot sa ubo para sa buntis? Ligtas bang uminom ng gamot sa butika para sa ubo ang isang buntis?

    Ang sagot dito ng experts? Oo ligtas naman. May mga gamot sa ubo ng buntis na safe para sa dinadalang baby, ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, pathologist mula sa University of Santo Tomas College of Medicine, at doktor sa Pasig City General Hospital at Marikina Doctors Hospital.

    Bagama’t ligtas, paalala niya rin na ang mga gamot sa ubo ng buntis na ito ay hindi pwedeng inumin nang matagal na panahon. Importanteng huwag kakalimutan na kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng anumang gamot.

    gamot sa ubo ng buntis

    Kakaibang uncomfortable feeling ang maaaring ibigay ng labis na pag-ubo. Narito ang iba’t ibang gamot na pwede para sa ubo ng buntis na maaari mong i-try.

    Naapaektuhan ba ng pag-ubo ang baby?

    Sa ilang pagkakaton, oo. Maaari kasing mauwi sa spasm sa bandang chest area ang pag-ubo. Dahil dito maaari itong mauwi sa fatigue o pain para sa mga babaeng buntis.

    Nauuwi tuloy ang ganitong pangyayari sa kawalan ng ganang kumain, pagkapuyat, at panghihina. Kung mangyayari ito, maaaring mapunta sa ilang kumpikasyon tulad ng fetal growth retardation.

    Bukod dito, ang matagal at patuloy na pag-ubo ay mauuwi lamang sa uterine contractions. Ito ang minsang sanhi para magkaroon ng premature labor o maagang panganganak ang isang buntis.

    Infection kasi ang maaaring senyales kung bakit dinapuan ang isang pregnant mom ng ubo. Kung sakaling hindi kaagad ito maagapan, maaaring magkaroon ng labis na epekto sa development ng sanggol maging sa mommies mismo.

    Ilang home o natural remedies bilang gamot sa ubo ng buntis

    Magandang sa unang mga araw ng pagkakaroon ng ubo ay sumubok muna ng home remedies. Ayon sa Department of Health, mas makakabuti kung maiiwasan ang anumang gamot o medisina sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.

    Ito kasi ang kritikal na panahon ng development ng vital organs ng isang sanggol. Ang mga home remedies na ito ay wala kasing malalakas na kemikal na maaaring makaapekto ng labis sa health ng mag-ina. 

    Makakatulong din kasi talaga ang maraming bagay sa bahay para maging gamot sa ubo ng pregnant moms. Unahin ito bago ang anumang gamot, lalo kung hindi pa naikukunsulta sa doktor.

    1. Apple cider vinegar

    Tama, hindi lang para sa skin care ang apple cider vinegar, mabisang gamot din ito para sa ubo ng buntis. Nakakatulong kasi ito na mapalakas ang sistema para labanan ang mga viruses.

    Para sa mga nagbubuntis, mabisa itong gamot sa ubo. Uminom lang ng tubig na may 1 hanggang 2 kutsara ng apple cider vinegar, 2 hanggang 3 beses kada araw.

    2. Luya

    Hindi na lang din para sa tinola o inumin ang luya dahil mabisa rin ito para sa dry cough, lalo sa mga nagbubuntis. Nababawasan ng luya ang plema na nakakabawas din sa pamamaga o inflammation.

    Pakuluan ang maliit na piraso o ginayat na luya ng hanggang 15 minuto. Lagyan ng honey para mabawasan ang tapang ng lasa ng luya.

    Ligtas sa ikalawang trimester ang pagpahid ng menthol rub sa dibdib at ilalim ng ilong, at pag-inom ng cough drops o lozenges.

    3. Kumain ng masustansiyang pagkain sa tamang oras

    Kahit hindi ka buntis, mahalagang palaging kumakain ng masustansyang pagkain para makakuha ng nutrients at bitamina. Dapat din na nasa tamang oras para maiwasang malipasan ng gutom at magkaroon pa ng ibang sakit.

    Makakabuti ang mga pagkaing mayaman sa vitamin C at zinc para lumakas ang immune system. Huwag magpapalipas ng gutom, dahil dalawa kayong kumakain. Magtanong sa OB GYN ng rekumendadong prenatal vitamins na may vitamin C and zinc para sa immune system.

    Iwasang kumain na ng mga pagkaing walang sustansiya gaya ng softdrinks, junkfoods, at iba pa.

    4. Uminom ng tubig na may asin

    Ang mga bagay na nakikita mo lang sa kusina noon o ginagamit sa pangluto ay maaari ring maging gamot sa ubo ng buntis. Para sa sakit ng lalamunan, sumipsip ng yelo o ice cubes, at uminom ng maligamgam na tsaa, o di kaya ay magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.

    5. Humanap ng pahinga

    Siguraduhing may oras na magpahinga sa maghapon, at makaidlip din para makabawi sa pagod. Minsan ay pahinga lang ang kailangan ng katawan. Kapag sinasagad kasi ang pagod lalo na kung buntis, magiging mahina ang iyong resistensya lalo at magiging prone o bulnerable na sa pagdapo ng infection. 

    6. Uminom ng maraming fluids

    Uminom ng tubig, juice, at sabaw. Ang hydration therapy ay kailangan ng katawan para magkaron ng sapat na fluids ang katawan.

    Partner Stories
    All-women teams run McDonald’s stores in the Philippines for  International Women Day
    All-women teams run McDonald’s stores in the Philippines for International Women Day
    Foster your child’s curiosity with this simple at-home experiment
    Foster your child’s curiosity with this simple at-home experiment
    Get stylish in the holidays with Josie Natori's Fall 2019 ready-to-wear collection
    Get stylish in the holidays with Josie Natori's Fall 2019 ready-to-wear collection
    McDonald’s brings back its tastiest catch— Fish and Fries — for a limited time only!
    McDonald’s brings back its tastiest catch— Fish and Fries — for a limited time only!

    Subukan ang pag-inom ng honey at lemon sa maligamgam na tubig, o sumubo ng isang kutsarang honey, na paniguradong makakapagpabuti ng pakiramdam, at makakapagpahupa sa pag-ubo.

    7. Umiwas sa mga taong mayroong ubo

    Madalas na dahilan kung bakit nagkakaubo ay ang paglapit o pagkahawa sa mga taong mayroon na nito. Ugaliing maghugas ng kamay at lumayo muna sa mga taong may ubo. Pwede rin namang magsuot ng mask para hindi mahawa sa iba.

    gamot sa ubo ng buntis

    Tandaan na hindi dapat basta-basta umiinom ng gamot sa ubo ang isang buntis.

    Gamot sa ubo na pwede sa buntis: 6 na gamot sa ubo ng buntis

    Walang isang gamot ang ubo, pero may mga gamot at paraan para maibsan ang mga sintomas nito. Pinapaalalahanan na kumonsulta muna sa OB bago uminom ng gamot. Narito ang ilang medisinang napatunayang mainam para mabawasan ang sintomas ng ubo ng buntis:

    1. Dextromethorphan

    Ito ay isang cough suppressant na ginagamit sa mga OTC medications tulad ng Robitussin para mabawasan ang pag-ubo. Hindi lalabis sa 120 mg sa loob ng 24 na oras ang dosage para sa mga nagbubuntis, ayon kay Dr. Robyn Horsager-Boehrer, M.D., OB GYN, sa kaniyang medical article sa UTSouthwestern Medical Center.

    2. Guaifenesin

    Karaniwang makikita ang expectorant na gauifenesin sa mga gamot sa ubo. Tumutulong ito na mapanipis ang ang mucus mula sa dibdib o lalamunan, para mas mapadali ang pag-ubo at hindi masakit.

    Ang maximum dose ng isang buntis ay 2,400 mg sa loob ng 24 na oras, payo pa din ni Dr. Horsager-Boehrer.

    3. Acetaminophen

    Ligtas ang acetaminophen (Tylenol) para sa mga nagbubuntis, kung sila ay may sore throat.

    Nasa 3,000 mg sa loob ng 24 hours ang maximum dose nito. Nakakatulong ang antihistamine kung ang sore throat ay sanhi ng labis na pagtulo ng sipon, dahil tinutuyo nito ang sipon.

    4. Benzocaine

    May mga spray o lozenges na may taglay na benzocaine, isang local anesthetic na nakakapagpamanhid sa lalamunan. May mga lozenges din na parang candy, na makakatulong sa ubo dahil ang pagsipsip ng hard candy ay nakakapagpadaloy sa laway, at nakakatulong na maibsan ang iritasyon at sakit sa lalamunan sanhi ng pag-ubo.

    5. Paracetamol

    Ligtas ang paracetamol para sa mga nagbubuntis, kung sumasakit ang katawan at inuubo, ayon kay Dr. Villarante. Tandaan lang na hindi ito puwedeng inumin ng matagal, o higit sa dalawang beses.

    “Bawal ang malalakas na analgesic that might cause hyperacidity at ulcer, at bawal ang aspirin that can affect platelets and may cause internal bleeding, and affect platelet function,” paliwanag ni Dr. Villarante.

    6. Nebulization ng salbutamol

    Kapag inuubo, makakabuti ang nebulization at patuloy na pag-inom ng fluids, paliwanag ni Dr. Villarante. “Kung kakailanganin ng antibiotic dahil hindi pa rin nawawala ang ubo, dapat ikunsulta kaagad sa OB GYN, lalo na kapag nasa unang trimester ng pregnancy,” dagdag nito.

    “Sa panahong ito kasi nade-develop ang mga organs ng fetus,” paliwanag pa ni Dr. Villarante, “and antibiotics may cause organ and systemic malformation. Usually amoxicillin is safe, pero better not take the risk.”

    May mga anesthetic sore throat lozenges din na makakatulong maibsan ang sakit ng lalamunan dahil sa pag-ubo at sipon.

    Mag-ingat sa mga decongestants, lalo kung hindi nirekumenda ng doktor. Ito kasi ay nagpapakitid ng blood vessels habang ginagamot ang sipon, na maaaring makaapekto sa blood vessels ng placenta.

    gamot sa trangkaso

    Pahinga rin ang isang susing gamot para sa ubo ng buntis ayon sa experts.

    Bakit kailangan ng bakuna ng buntis?

    Mayroong partikular na bakuna para maiwasang maging mahina sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit gaya na lang ng ubo. Para mahikayat ka pa na kumuha nito, narito ang ilang dahilan para magbenipisyo ka sa bakuna:

    • Mas mababa ng chance na maospital o sumailalim sa gamutan kung mayroon ka nito.
    • Magiging mas safe ang both ang mommy at baby dahil hindi mataas ang tyansang magkaroon ng severe illness.
    • Mas maraming antibodies ang magagawa ng katawan para maprotektahan ka at ang iyong anak laban sa flu.
    • Maaari ring maipasa ang antibodies na ito sa iyong anak..

     

     

    Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva

    Vinmec Hospital, Jerry Villarante, MD, Department of Health, Mayo Clinic, WebMD, UTSouthwestern Medical Center, UTSWmed

    Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

    May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

    img
    Sinulat ni

    Anna Santos Villar

    Maging Contributor

    Inedit ni:

    Ange Villanueva

    • Home
    • /
    • Pagbubuntis
    • /
    • Ubo ng buntis: Ano ang safe na gamot para malunasan ito?
    Share:
    • Gamot sa sipon para sa buntis na safe sa dinadalang baby

      Gamot sa sipon para sa buntis na safe sa dinadalang baby

    • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

      Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

      Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

      12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    • Gamot sa sipon para sa buntis na safe sa dinadalang baby

      Gamot sa sipon para sa buntis na safe sa dinadalang baby

    • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

      Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

      Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

      12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
    • Pagbubuntis
      • Unang trimester
      • Pangalawang trimester
      • Pangatlong trimester
    • Gabay ng Mga Magulang
      • Safety ng bata
      • Payo sa pagpapalaki ng anak
      • Payo para sa mga magulang
      • Gamit ng sanggol
    • Relasyon
      • Mag-asawa
      • Biyenan
      • Kasambahay
    • Pagpapasuso at formula
      • Tamang pagpapasuso
      • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
      • Formula
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Maging Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.