Rabiya Mateo’s father nais niyang makilala sa kabila ng pang-iiwan nito sa kanila. Ayon kay Rabiya, ni minsan ay hindi siya nagtanim ng galit sa tatay niya.
Rabiya Mateo’s father/ Image from Rabiya Mateo’s Instagram account
Rabiya Mateo’s father and her journey as Ms. Universe Philippines 2020
Isa sa mga bagay na nangibabaw sa pagkapanalo ni Ms. Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ay ang ganda nitong nagmula sa Pilipina niyang ina at Indian national niyang ama. Ngunit si Rabiya, tulad ng maraming Pilipinong bata ay lumaki mula sa isang broken family. Siya at ang kaniyang nakababatang kapatid ay itinaguyod ng mag-isa ng kaniyang ina. Huli nilang kita ng kaniyang ama, sila noon ay maliliit pa.
Kaya naman ngayong nakilala na si Rabiya at may pera ng napanalunan, umaasa siyang malapit ng matupad ang pangarap niyang muling makita ang ama. Ito ay nagngangalang si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi.
Ayon kay Rabiya, ang huling pagkakaalam nila sa kinaroroonan ng ama ay nagpunta ito sa Chicago sa USA noong siya ay 5 taong gulang pa lamang. Doon daw ay mag-aaral ito ng pag-duduktor. Ngunit mula noong makaalis ito ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanila. Isang bagay na ayon kay Rabiya ay sinadyang gawin ng tatay niya.
“I think it’s his planned to abandoned us. What happened was we he went back to the US he has 2 brothers who are still here studying. Then all of the sudden, all the connection were cut and when my mother went to the school to talk to his 2 brothers unfortunately, they also left for the US.”
Ito ang pahayag ni Rabiya sa isang panayam sa kaniya ng kilalang event at TV host na si Tim Yap.
BASAHIN:
Heart Evangelista kung bakit hindi pa siya nagkaka-anak: “[It’s] God’s choice…”
LOOK: Miss Universe Philippines Rabiya Mateo’s high school yearbook
LOOK: Juday and Ryan’s daughter Yohan, nag-celebrate ng 16th birthday
Rabiya Mateo’s life inspiration
Pero sa kabila nito ayon kay Rabiya ay hindi siya nagtanim ng galit sa kaniyang ama. Ginawa niya pa ngang inspirasyon ito upang manalo at makamit ang mga inaasam niya sa buhay. Tulad ng korona at pagkapanalo ng titulo bilang Ms. Universe Philippines 2020. Dahil kuwento ni Rabiya, ang pangalan niya ay ibinigay sa kaniya ng ama. Sa kanilang salita ito ay nangangahulugang “queen” na talaga nga namang pinangatawanan niya.
Pagdating nga sa pagiging beauty queen, isa rin sa mga naging inspirasyon niya ay si Ms. Universe 2010 4th runner-up Maria Venus Raj. Dahil tulad niya ay lumaki ring walang ama si Venus Raj. Ngunit hindi ito naging hadlang upang matupad nito ang pangarap niya.
Mensahe ni Rabiya sa mga batang lumaking walang ama tulad niya
Kaya mensahe ni Rabiya sa mga batang babae na lumaki o lumalaking walang ama, hindi ito hadlang para maging matagumpay sa buhay. At wala man ang iyong ama ay maari kang maging queen o reyna sa sarili mong paraan.
“I wanted to inspire young women na lumaki rin sa broken family na hindi nakasama yung dad nila. Na despite the fact of not being a princess of our daddy’s we can still build our own empire and became the queen of ourselves.”
Dagdag pang mensahe ni Rabiya sa mga batang lumalaking walang ama, huwag magtanim ng galit sa inyong ama. Dahil hindi ito makakatulong o makabubuti sa pagtupad ng inyong mga pangarap.
“Never try to plant any hatred or anger over your biological dad. Because it’s going to ruin you. It’s going to ruin your perspective in life. Always try to understand the situation even though it hurts you the most. Even though you think there is no acceptable reason to have that situation. Always try to see things different and always be kind.”
Ito ang mensahe pa ni Rabiya.
Ang kahalagahan ng father figure sa paglaki ng mga bata
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Ayon kay Dr. David Popenoe, Professor of Sociology sa Rutgers University, New Jersey, USA, ang pagkakaroon ng father figure sa buhay ng isang bata ay mahalaga. Dahil ang pagkakaroon ng ama o tatay sa pamilya ay may positibong epekto at benepisyo sa paglaki ng isang bata.
Base sa mga pag-aaral, ang affection at support mula sa haligi ng tahanan ay nagpo-promote ng inner growth at strength sa mga bata. Sila rin ay nagbibigay ng security, pisikal man o emotional. Bilang kapalit nito ay mas nagiging inspired at confident ang mga batang gawing proud ang kanilang ama. Kaya naman sa lahat ng bagay ay gagawin nila ang best nila.
Para sa mga anak na babae
Para sa mga anak na babae, ang mga tatay o ama nila ay may malaking impluwensiya sa kung paano pumili ng lalaking makakasama nila sa buhay. Kung ang kanilang ama ay mapagmahal o responsable ay ito ang hahanapin nilang qualities sa isang lalaki. Ngunit kung ang tatay naman nila ay marahas at mapanakit, may tendency na ganitong uri ng lalaki rin ang mag-aattract sa kanila.
Para sa mga anak na lalaki
Pagdating sa mga anak na lalaki, ang mga ama naman ang tinitingnan nilang halimbawa sa kung paano nila haharapin ang buhay. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagagaya nila ang karakter ng kanilang ama. Kung lumaking ma-respeto ang kanilang ama ay malaki ang posibilidad na ganoon rin sila sa kanilang paglaki. At kabaligtaran kung negatibo ang nakikita o kinalakihan nila sa tatay nila.
Kaya naman ang pagkawala ng isang ama sa buhay ng isang bata ay napaka-halaga. Kung dumadaan sa isang pagsubok ang inyong pamilya ay mabuting pag-usapan muna ito para sa ikabubuti ng inyong anak. Kung lumalaki namang walang ama ang iyong anak ay huwag ma-pressure. Panatilihin lang ang close na relationship sa iyong anak. Upang agad niyang masabi ang nararamdaman niya sayo at ito ay agad mong ma-address at ma-solusyonan.
Source:
Pediatric Associates of Franklin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!