TRENDING: Inagaw ng best friend ko ang asawa ko

TRENDING: Inagaw ng best friend ko ang asawa ko

Nag-trending ngayon ang kwento sa palabas ni Raffy Tulfo: Yaya Nang-Agaw ng Asawa. Ito ay matapos dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ginang na si Elloraine Lamb para ibahagi ang kanyang panig. Kanyang inirereklamo ang bestfriend niyang kinuha niyang yaya at ang kanyang asawa.

Trending sa Raffy Tulfo: Yaya Nang-Agaw ng Asawa

Kolehiyo pa lamang ay magkaibigan na sila Elloraine at si Maria Salvacion Masayon. Simula first year hanggang graduation sa Adamson ay magkaibigan na ang dalawa. Sabay din silang nag-oathtaking hanggang umabot na ng 10 taon silang magkaibigan.

Nuong 2012 ay nagpunta si Elloraine sa Canada para magtrabaho. Dito niya nakilala ang kanyang napang-asawa na si Bryhton Lamb. Sila ay kinasal nuong 2014 sa mismong kaarawan ni Elloraine. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki.

Nung nagbubuntis si Elloraine, inalok niya si Salvacion na magtrabaho din sa Canada. Ginawa niya ito sa kagustuhang makatulong sa kaibigan para mabigyan ng pagkakataon na magtrabaho at manirahan sa Canada. Balak nila na maging yaya si Salvacion nang 24 buwan.

Subalit, hindi lubos akalain ni Elloraine na ang kaibigang kanyang kinupkop ang mismong sisira sa kanyang pamilya.

Pagbabago sa ugali ng asawa

Bago mag-isang taong gulang ang anak ni Elloraine at Bryhton, sila ay nagbakasyon sa Pilipinas. Sa kanilang pag-uwi ay kanilang pinuntahan si Salvacion sa Samar. Subalit, nang sila ay nagpunta na ng Pampanga, napansin ni Elloraine na nagbago ang ugali ni Bryhton.

"Naging masungit at bugnutin pero inintindi ko ho," kwento ni Salve. Ayon sa kanya ay iniisip niya na baka naninibago lamang sa kapaligiran si Bryhton kaya nag-iba ang ugali. Kalaunan ay napansin lalo ni Salve na unti-unti nang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa. Pinili ni Elloraine na siya ang mag-aadjust para sa asawa.

Close na sila

Bago pa man makatungtong si Salvacion sa Canada, magkaibigan na sila ni Bryhton sa Facebook. Dahil dito ay nagkakausap na sila kaya hindi pinag-isipan ng masama ni Elloraine nang tila malapit na ang dalawa sa isa't isa pagdating ni Salvacion sa Canada nuong ika-13 ng Hulyo taong 2019.

Sa kwento ni Elloraine, minsan ay napapansin niyang iba ang tingin ni Bryhton kay Salvacion. Sinusuway niya ito kapag kanyang nahuhuli at humihingi naman ito ng tawad. Minsan din daw ay umuwi ito na may dalang bulaklak. Ngunit, ibinigay kay Elloraine ang kulay puti habang kay Salvacion naman ay kulay pula. Sinuway niya ulit ang asawa dito ngunit humingi lang ulit ito ng tawad. Kapag din daw sila ay lumalabas nang magkakasama, inaalok ni Bryhton si Salvacion na sa harapan ng sasakyan maupo. Subalit, dahil walang ebidensya si Elloraine, hindi niya magawang kumprontahin ang dalawa.

Boyfriend at girlfriend

Nuong ika-19 ng Nobyembre hanggang ika-5 ng Disyembre nuong 2019, pinayagan ni Elloraine na umuwi si Salve ng Pilipinas. Subalit, kanyang napag-alaman na dalawang linggo bago umuwi ng Pilipinas si Salvacion, nagsimula na ang ligawan sa pagitan ng nila ni Bryhton. Isang linggo bago bumalik ng Canada si Salvacion ay opisyal na silang magkasintahan.

Sa pagbalik ni Salvacion sa Canada nuong ika-5 ng Disyembre, sinundo siya ni Bryhton mula airport nang may dalang bulaklak at hindi kasama ang kanyang mag-ina.

Lumabas na ang katotohanan

Ika-7 ng Disyembre nang malaman ni Elloraine ang patungkol sa pagtataksil na nangyayari. Habang natutulog si Bryhton ay binuksan ni Elloraine ang cellphone nito para mabasa ang mga mensahe. Dito niya nakita ang mga usapan ng dalawa kung saan nagsasabihan na ng "I love you" at pati mga nude pictures.

Sa galit ni Elloraine sa kanyang natuklasan ay ginising niya ang kanyang asawa para kumprontahin sa kanyang nakita. Nagawa niya pa itong masampal. Nang pupuntahan niya ang kanyang anak para kunin ito, inakala ni Bryhton na sasaktan ni Elloraine si Salvacion. Hinila ni Bryhton si Elloraine para pigilan at dahil dito ay nasuntok siya ni Elloraine. Kinuha niya ang kanyang anak at sila ay umalis nang hindi pinipigilan ni Bryhton.

Nuong ika-24 ng Disyembre ay pinuntahan ni Elloraine si Salvacion sa hotel kung saan ito nanirahan. Sinubukan niya itong kausapin tungkol sa mga pangyayari. Ayon raw kay Salvacion ay hindi niya sinasadya ang mga pangyayari, bagkus ay tinangka niya pa na iligtas ang relasyon ng mag-asawa.

Nang dumating si Bryhton, akala niya ay sinasaktan ni Elloraine si Salvacion. Dahil dito ay sinampahan pa nila ng assault si Elloraine.

Sige, magsama na kayo

Ayon kay Elloraine, mabuting ama si Bryhton subalit, kung para sa kanya, hindi na niya ipaglalaban ang kanilang pagsasama. Hinihiling niya na lang na magpaka-tatay si Bryhton para sa bata at magbigay ng suporta. "Paano mo ipaglalaban kung mismong yung asawa mo ayaw na," ayon kay Elloraine.

Sa kasalukuyan ay nagtanggal na ng kanyang mga social media accounts si Salvacion at maging ang kanyang kapatid na tinawagan sa programa ay nananawagan dito na muli nang bumalik ng Samar. Nangako rin si Raffy Tulfo kay Elloraine na tutulungan niya ito na mapadeport si Salvacion mula sa Canada.

Source: Youtube

Basahin: Ito ang isang ginagawa ng mga masasayang mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner