Sa salaysay ng mga eksperto, hindi umano mapagkakatiwalaan ang accuracy ng rapid test para COVID-19. Ito ay maaaring naging dahilan ng mabilis na paglaki ng kaso ng virus sa ating bansa.
Rapid antibody test, maaaring naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19?
Hindi na nirerekomenda ng mga medical experts ang paggamit ng rapid antibody tests lalo na sa pag-screen ng mga manggagawa bago sila pumasok sa kanilang workplaces. Ayon pa sa mga doctor, kailangan nang itigil ang paggamit nito dahil ito ay maaaring isa dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang COVID-19 sa bansa.
Rapid antibody test, maaaring naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 | Image from Freepik
Ayon sa spokesperson ng The Healthcare Professions Alliance Against COVID-19 na si Dr. Antonio Dans, nagbibigay ito ng ‘False Security’ sa mga taong may sintomas ng COVID-19 at sumailalim sa rapid antibody test. Tayo nalang daw ang bansang gumagamit nito para sa screening kaya dapat nang itigil ang paggamit.
Dagdag pa nito na hindi 100% accurate ang resulta ng rapid test. Ito ay dahil hindi mismo nakikita ng nasabing test ang virus na COVID-19.
“Kung kalahati ng COVID hindi natin nakikita, anong mangyayari? Kakalat sila sa lipunan. At ganun lumalaganap ang COVID-19. Doon sa mga hindi natin alam na may COVID sila dahil negative sila (sa rapid antibody test).”
Binigyang din naman ni Dr. Dans na paniguradong kakalat ang virus sa mga workplaces dahil sa ‘false security’ na dala ng rapid antibody test. Nakakadagdag lang daw ito sa paglaganap ng COVID-19.
“Kakalat yan. So sa tingin namin ang paggamit ng rapid test sa workplace naging problema at nakadagdag sa paglaganap ng COVID-19.”
Sa ngayon, kasalukuyang nasa ilalim tayo ng Modified Enhanced Community Quarantine kasama na ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan hanggang August 18.
Sa ilalim ng MECQ, hindi na ulit maaaring magpasada ang mga pampublikong sasakyan katulad ng jeep, tricycle, bus, taxi o tren. Maliban na lang sa mga provided shuttle bus para sa mga employees at shuttle bus. Kasama na rin dito ang personal vehicle, bike o motorcycle.
As of 4 PM ng August 4, umabot na sa 112,593 ang ang positibo sa COVID-19 sa bansa. Habang 66,049 ang mga naka-recover at 2,115 ang mga namatay.
Rapid antibody test, maaaring naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 | Image from Freepik
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Rapid antibody test, maaaring naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
ABS-CBN News
BASAHIN:
Gaano ka-accurate ang resulta ng rapid antibody test?
Narito ang dahilan kung bakit blessing ang mga COVID-19 babies
SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!