Hindi natin maikakaila na mahal ang swab test para sa COVID-19 kaya ang iba ay mas pinipili muna ang dumaan sa rapid test. Ngunit gaano nga ba kalakas ang accuracy ng rapid test para sa COVID-19?
Rapid test accuracy
Ayon sa mga medical experts, maaaring ang sobrang paggamit ng rapid antibody tests ay isang dahilan kung bakit mabilis na umaakyat ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ito ay dahil ang ibang test ay kalahati lamang ang accuracy.
Gaano ka-accurate ang resulta ng rapid antibody test? | Image from Unsplash
Naglabas ng pahayag ang spokesperson ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19 na si Dr. Antonio Dans tungkol rito. Ayon sa kaniya, maaaring ang rapid antibody test ang dahilan kung bakit dumadami ang kaso ng mga positibo sa COVID-19.
Minsan, kumakalahati lang ang accuracy ng nasabing test.
“Biro niyo, may ubo’t sipon at lagnat, tapos gagawan niyo ng antibody test, kalahati nun ay negative e di pauuwiin, papayagang magtrabaho, e di manghahawa. Tingin ng marami sa amin, kaya lumala ng ganito ay dahil sa antibody test na ‘yan.”
Para kay Dr. Antonio Dans ang swab test na lang ang marapat na gamitin.
Ang paggamit ng rapid antibody tests ay hindi nirerekomenda ng mga doctor sa mga work agencies bilang pang-screen sa knailang mga manggagawa.
Ganito rin ang binigay na babala ng US Centers for Disease Control and Prevention sa rapid antibody test kits na ito. Hindi raw ito gaanong accurate.
Gaano ka-accurate ang resulta ng rapid antibody test? | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Gaano ka-accurate ang resulta ng rapid antibody test? | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
ABS-CBN
BASAHIN:
SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test
15 kumpanya sa QC minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19
Ospital nagsara matapos magsinungaling ang isang ina tungkol sa exposure sa COVID-19 positive