Nakakaranas ba ng baradong ilong, pangangati ng mata, o ‘di naman kaya’y post-nasal drip? Baka sanhi ito ng rhinitis sa buntis o sa Ingles ay pregnancy rhinitis. Sa artikulong ito, tatalakayin kung ano ba ito, sanhi, sintomas, at mga treatment para rito.
Ano ang rhinitis sa buntis o pregnancy rhinitis?
Ang rhinitis sa buntis o pregnancy rhinitis ay kadalasang may kasamang pagbabara ng ilong, pangangati ng mata, pagkakaroon ng plema na dumadaloy patungo sa lalamunan. Ang ilan sa mgs intomas nito ay maaaring maranasan anuman yugto ng pagbubuntis.
Hindi ito life-threatening na kundisyon kaya naman huwag masyadong mabahala. Ang pregnancy rhinitis ay maaaring magdulot ng iritasyon sa isang buntis. Pero may ilang mga paraan para maginhawaan kapag nakakaranas nito.
Larawan mula sa Shutterstock
Sanhi ng rhinitis sa buntis
Ang mga sanhi ng rhinitis sa buntis ay kagaya rin ng mga posibleng sanhi ng mga babaeng may allergy. May ilang mga seasonal allergens ang maaaring makapag-trigger ng rhinitis sa buntis. Ilan sa mga ito a ang mga sumusunod:
- pollens
- fungi
- moulds
- alikabok
- mga alagang hayop
- ipis
Sa kabilang banda ay pregnancy rhinitis ay maaari ring sanhi ng mga non-allergic origin. Wala pa tiyak na dahilan o sanhi kung bakit nangyayari ito kapag buntis. Ayon sa mga mananaliksik ay maaaring sanhi ito ng pagtaas ng hormones kapag buntis na maaaring nagdulot ng rhinitis kapag buntis.
Ang paninigarilyo rin ay sinasabing may kinalaman sa rhinitis sa buntis, kaya naman kung naninigarilyo ay itigil na ito. Sa kabilang banda, umiwas sa mga taong naninigarilyo dahil sa kabuuan masama ang usok nito kapag buntis.
Sintomas ng pregnancy rhinitis
Larawan mula sa Shutterstock
Naririto ang ilan sa mga sintomas ng rhinitis kapag buntis, karamihan dito ay kagaya rin ng allergic rhinitis. Ito ay ang mga sumusunod:
- baradong ilong
- pagbahing
- pangangati ng mata
- matubig na mata o watery eyes
Dadgdag pa rito, maaaring ang pakiramdam ay para bang magkakaroon ka ng lagnat kapag may pregnancy rhinitis ka. Subalit ang rhinits sa buntis ay hindi naman dahil sa impeksyon mula sa bacteria o viral infection. Kaya naman hindi ito nakakahawa.
Hanggang kailan tatagal ang mga sintomas na nararanasan?
Ang sintomas ng rhinitis sa buntis ay maaaring maranasan sa anumang yugto ng pagbubuntis. Subalit mas karaniwan itong lumalabas kapag first trimester. Maaaring maranasan ang sintomas ng hanggang 6 weeks o anim na linggo.
Sa kabilang banda, mawawal rin ito dalawang linggo matapos mong manganak.
Paano nada-diagnose ang rhinitis kapag buntis?
Ang iyong doktor ay maaari ring sabihin na mayroon kang impeksyon kaya nararanasan mo ang rhinitis habang buntis. Ang regular na check up ay malaki ang maitutulong para ma-diagnose niya ito ng mabuti.
Kapag nakakaranas ka ng mga sumusunod ay agad pumunta sa iyong doktor:
- nahihirapang huminga
- hindi sapat ang hangin na iyong hinihinga mula sa iyong ilong at bibig
- naninikip ang dibdib
- para bang suffocated ka
Paano ma-manage ang rhinitis sa buntis?
Larawan mula sa Shutterstock
Narito ang ilang mga maaaring gawin para sa rhinits. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- uminom ng maraming tubig
- umiwas allergen na nakakapagpa-trigger nito
- maaaring subukan ang nasal irrigation para ma-clear out ang mga mucus
- paggamit ng salt water nasal spray para maginhawaan, magandang solusyon ito kapag buntis
- kung mayroong makati at watery eyes maaari magpatak ng eye drops na pwede para sa buntis
Tandaan! Kailangan pa rin ng rekomendasyon ng inyong doktor. Huwag iinom o gagamit ng mga gamot na hindi aprubado ng iyong doktor.
May epekto ba ang pregnancy rhinitis sa unborn baby?
Walang direktang sagot ang siyensya para rito sapagkat wala pang matibay na pag-aaral ang nagpapakita na impact ng pregnancy rhinits sa development ng mga unborn babies.
Subalit ang pagkakaroon nito ay maaaring makabawas sa quality life ng isang buntis. Katulad na lamang ng hirap sa pagtulog o kalidad ng tulog kapag buntis.
Tandaan
Karaniwan ang pagkakaroon ng pregnancy rhinitis, kaya naman huwag masyadong mabahala. Magpatingin sa doktor kung sa tingin mo’y hindi na talaga normal ang iyong nararanasan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!