X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bagong panganak na nanay, namatay habang natutulog kasama ang baby

5 min read
Bagong panganak na nanay, namatay habang natutulog kasama ang baby

Isang nanay sa Thailand ang namatay habang nasa kaniyang dibdib ang kaniyang anak. Alamin ang mga sakit ng mga babae pagkatapos manganak at kung bakit humantong sa kamatayan ng isang ina.

Isang migrant worker sa Thailand ang namatay habang nasa kaniyang dibdib ang kaniyang anak. Alamin ang mga sakit ng mga babae pagkatapos manganak at kung bakit humantong sa kamatayan ng isang ina.

Ayon sa ulat isang 4 na buwang sanggol ang natagpuan, sa dibdib ng kaniyang patay ng nanay sa Lamphun province sa Thailand. Ang nanay ng sanggol ay ilang oras na umanong patay bago dumating ang mga pulis. Natagpuan umano ng mga pulis na nakahiga ang nanay kasama ang sanggol sa kanilang mattress.

Bagong panganak na nanay, namatay habang natutulog kasama ang baby

Tinukoy siya ng mga awtoridad ang na 25 gulang ang nanay at isang Myanmar national na may pangalang Nuan. Sinabi ng kaniyang asawa sa mga awtoridad na bago umano sila matulog nung gabi ay malusog pa ang kaniyang asawa.

Subalit pagsapit umano ng 3am, nakarinig siya ng tila namimilipit ang kanilang anak. At ang kaniyang asawa ay nahihirapan sa paghinga. Pero hindi niya lubos naisip na may mali rito. Nagising umano ng 5am at natagpuan at nalamang patay na pala ang kaniyang asawa.

Ang katawan ng babae ay dinala na para ma-autopsy at ibabalik sa kaniyang pamilya ang kaniyang katawan para sa funeral rites.

 

Advertisement

Mga nararanasan ng mga babae pagkatapos manganak

Maraming nararansang paghihirap ang isang babae mula sa pagbubuntis, panganganak, at kahit pa pagkatapos manganak ng isang babae. Hindi lamang sa pagsilang natatapos ang kaniyang pagdadaanan, kundi dito pa lamang magsisimula.

sakit-ng-babae-pagkatapos-manganak

Image from Unsplash

  1. Impeksyon sa Matris

Ang pagkakaroon ng impeksyon sa matris ang isa sa pwedeng maranasan ng isang babae pagkatapos nitong manganak. Nangyayari ito kung may naiwang piraso ng placenta sa kaniyang uterus. Ang mga sintomas nito ay ang mga sumusunod.

  • Mabahong discharge
  • Mabilis na tibok ng puso
  • Abnormal na bilang ng white blood cells
  • Namamagang matris
  1. Pananakit ng kaluban o perineal pain

Kapag nanganak naman ang babae sa normal na delivery. Ang pananakit ng kaluban o perineal pain ay normal lamang umanong mararanasan. Ito kasi ang butas kung saan lumabas ang sanggol. Subalit kapag nagtagal maaari itong mamaga at magdulot ng discomfort sa isang babae. Upang mabawasan ang pananakit at maiwasan ang impeksyon. Maghugas ng malamig o maligamgam ng tubig sa pwerte ng babae. Mahalaga rin na kumonsulta sa iyong doktor kung ano ang dapat mong gawin.

  1. Postpartum depression

sakit-ng-babae-pagkatapos-manganak

Image from Woman photo created by jcomp – www.freepik.com

Ang postpartum depression ang pangunahing sakit o kundisyon na nararansan ng isang babae pagkatapos nitong manganak. Sinasabing dulot ito ng pagbabago sa kanilang hormone sa katawan. Kasabay pa nito ang bagong responsibilidad ng babae sa pag-aalaga sa bago niyang silang na sanggol. Maaaring magdulot ito ng labis na pagid, pag-aalala kung tama ba ang kaniyang ginagawa, nagagalit sa kaniyang sarili o sa ibang tao na nakapaligid sa kaniya.

Ang mga sintomas ng depresyon na dapat bantayan sa bagong silang na babae ay ang mga sumusunod:

  • Natatakot sa na hindi siya mabuting ina.
  • Umiiwas sa pamilya, asawa, at kaibigan.
  • Hindi inaalagaan ang sarili at kaniyang anak.
  • Nahihirapang makipag-bonding sa kaniyang bagong silang na anak.
  • Naiisip na saktan ang anak
  • Sobra o kulang sa tulog
  • Nakakaranas ng matinding mood swings, pagkabalisa at panic attacks.
  • Pag-iyak ng sobra na wala namang dahilan.
  • Mabilis maiirita

Kapag nararanasan ito ng isang bagong panganak na babae ay hindi lamang basta emosyon niya, sapagkat maaari ito’y isa nang depression na kailangang na ng propesyunal na tulong. Malalampasan naman niya ito kung nariyan din ang suporta ng pamilya at kaibigan upang gabayan at makayanan niya ang nararanasan.

  1. Postpartum hemorrhage

Ito’y ang labis na pagdurugo ng isang babae pagkatapos nitong manganak. Ito ang pangatlo sa mga nagiging madalas na sanhi nang pagkamtay ng isang babae matapos manganak. Nangyayari ito kapag ang uterus ng isang babae ay hindi nag-contract ng maayos pagkatapos nitong magsilang ng sanggol. O dahil din sa sugat o punit sa uterus, cervis, o vagina.

Kung labis-labis na ang pagdurugo ilang oras pagkatapos manganak ng isang babae. Ang pagmamasahe o massage sa uterus ay makakatulong upang mag-contract ito. Pwede rin siyang bigyan ng isang synthetic hormone na oxytocin ang bagong silang na babae para ma-stimulate ang contractions sa kaniyang uterus.

Dapat tandaan ng mga bagong panganak

Maraming nararanasang paghihirap at pagsubok ang isang babae kahit matapos niyang manganak. Hindi lamang kasi nagbabago ang kaniyang katawan kundi ang kaniyang mga respobsibilidad bilang isang indibidwal. Hindi na lamang siya isang asawa kundi isa na rin siyang ina.

sakit-ng-babae-pagkatapos-manganak

Image from Woman photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Maraming trabaho ang pagiging nanay at nakakapagod talaga ang pag-aalaga sa iyong anak. Kaya marapat na kapag ikaw ay nakaramdam ng matinding pagod o pagkatapos mong manganak. Huwag na huwag mahihiyang lumapit sa iyong doktor upang magpakonsulta o therapist. O kaya naman sabihin ito sa iyong asawa o kapamilya upang matulungan ka nila.

Huwag sarilinin ang lahat ng iyong bagong trabaho lalo na kung hindi mo talaga ito kaya. Hindi naman masamang humingi ng tulong sa iba. Makakatulong nga ito sa ‘yo upang makapag-adjust ng maaayos. Muli ‘wag matakot o mahiyang humingi ng tulong kung nakakaranas ng matinding pagod o fatigue.

 

SOURCE:

asiaone

BASAHIN:

Partner Stories
This 2023, Say Hello Harmony with IKEA
This 2023, Say Hello Harmony with IKEA
Cashless bus rides with Beep and BPI Mobile app
Cashless bus rides with Beep and BPI Mobile app
Be a buddy to mother nature with Nestle´ Chuckie’s paper straws
Be a buddy to mother nature with Nestle´ Chuckie’s paper straws
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids

Mga dapat at bawal kaininin ng mga bagong panganak na babae

Postpartum recovery: 8 tips sa pagdumi para sa mga bagong panganak

6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Bagong panganak na nanay, namatay habang natutulog kasama ang baby
Share:
  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko