theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

9 signs na malapit nang manganak ang buntis

8 min read
Share:
•••
9 signs na malapit nang manganak ang buntis

Pagsapit ng kabuwanan, simula na rin ito nang hindi mapagpakaling mga oras sa bawat araw na lumilipas para sa nagbubuntis; tila isang paghahanda ng katawan para sa nalalapit na araw panganganak. Mahahalagang senyales na manganganak na ang buntis, tunghayin!

Sign na malapit na manganak? Alamin.

First-time mom ka man, second-time, o makailang beses nang nagbuntis, paniguradong hindi natitiyak ang ganap na oras ng iyong panganganak. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa sariling katawan, at sa pang araw-araw na pagbabago ng mga nararamdaman at nararanasan ng isang buntis.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • 9 sign na malapit na manganak ang buntis
  • Mga dapat tandaan ng buntis na malapit manganak
  • Mga gulay na dapat kainin ng buntis na mayaman sa folic acid

Ang mga pagbabagong emosyonal, pisikal, at pisyolohikal ay may kaakibat na mahahalagang sign na malapit na manganak ang isang buntis.

Importanteng nabibigyang-pansin ng isang buntis ang mga partikular na nararanasang senyales na manganganak na ito para sa mas handa at ligtas na panganganak.

9 sign na malapit na manganak ang isang nagbubuntis

1. Mababa na ang tiyan ng buntis

Pagtuntong ng isa hanggang apat na buwan bago ang iyong due date, nagsisimula nang bumaba si baby sa direksyong pababa sa iyong balakang (pelvis). Umiikot-ikot na siya sa loob bilang paghahanda ng kaniyang posisyon.

Sapagkat nakadagan si baby sa iyong pantog, kaakibat nito ang mas madalas mong pag-ihi sa banyo, nang puro pakau-kaunti lamang. Sa isang banda, maaari mong mapuna na mas maluwag na ang iyong paghinga dahil hindi na ganoon kabigat ang pressure na dala ni baby sa iyong baga, kumpara sa dati niyang puwesto.

2. Nagsisimula nang bumuka ang sipit-sipitan o cervix

Kapag kabuwanan na, bukod sa regular ultrasound at consultation na isinasagawa sa clinic ng iyong obstretrician-gynecologist, magsisimula na ring sukatin ng doktor ang iyong sipit-sipitan o cervix.

Sinusuri nila kung unti-unti na nga bang bumubuka ang sipit-sipitan ng ina, dahil ito ang magsisilbing pintuang lalagusan ni baby sa takdang panahon ng pangananak.

sign na malapit na manganak

Sign na malapit na manganak

3. Mas madalas pamumulikat at pananakit ng balakang

Habang tumatagal na lumalaki at bumibigat ang dinadalang bata ng ina sa kaniyang sinapupunan, likas lamang na mas madalas at higit na matinding pamumulikat ang mararanasan kung kabuwanan. May kaakibat itong mas dumadalas na pamumulikat at pananakit ng mga singit-singit, na nangangahulugan ng paghahanda ng iba’t ibang bahagi ng katawan sa paglabas ng baby mula sa sinapupunan.

4. Nakararamdam ng parang nagluluwagan o naghihiwa-hiwalay ang buto-buto sa katawan

Isang hormone na “relaxin” kung tawagin ang nililikha ng katawan ng isang nagdadalang-tao sa buong panahon ng kaniyang pagbubuntis. Nagagawa ng hormone na itong palambutin ang mga litid at paluwagin ang mga buto-buto sa katawan. Muli, isang paraan ito ng katawan upang paghandaan lalo na ang pagbuka ng sipit-sipitang paglalabasan ng bata.

BASAHIN:

Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak?

#AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

REAL STORY: Babae, inilihim sa asawa na siya ay buntis hanggang nangyari ang hindi inaasahan

5. Nagtatae

Ang pagtatae ay mahalagang bahagi ng pagkakalma ng katawan ng buntis bilang paghahanda sa nalalapit na panganganak. Bagama’t iniiwasan ito hangga’t maaari, hindi ito mapipigil. Panatilihing hydrated ang katawan, at maging maingat sa mga posibleng disgrasya ng paglabas-masok sa banyo.

6. Hindi na nadaragdagan o unti-unti pa ngang nababawasan ang timbang

Sa mga huling linggo ng pagbubuntis, at nalalapit na araw ng panganganak, humihinto nang maragdagan ang timbang ng nagdadalang-tao. Huwag mangambang masama ang epekto nito sa iyong baby. Ibig sabihin lamang nito, maaaring unti-unti na ring nababawasan ang amniotic fluid na nagsisilbing unan, pumoprotekta, at namamagitan sa pagdadala ng nutrients sa sistema ng baby mula sa ina.

7. Nagbabago ang kulay ng likidong lumalabas sa puwerta (vaginal discharge)

Madalas na nagkakaroon ng kakaibang vaginal discharge ilang oras na lamang bago manganak ang buntis. Karaniwan itong buo-buo na parang hitsurang regla. Ito ang mucus plug na nakabara o nakaharang sa sipit-sipitan ng buntis. Ang paglabas nito ay indikasyong bumubuka na ang daanan ng bata palabas ng sinapupunan.

sign-na-malapit-na-manganak

Sign na malapit na manganak | Image from Freepik

8. Mas tumitindi at mas dumadalas na paghilab ng tiyan

Mainam na senyales ng aktibong paghilab (active labor) ang paninigas ng tiyan. Indikasyon ito ng pagsasanay ng matris sa aktuwal na paghilab ng tiyan at paglabas ng bata.

Ang paghilab ng tiyan ay nararanasan sa ibabang bahagi ng tiyan, na patindi nang patindi at padalas nang padalas habang lumalaon. Isa pa, ang pagsakit ng balakang na hindi mawala-wala, paikot sa iyong harap sa bahaging puson paitaas.

9. Pagputok ng panubigan

Halos 15% lamang ng nagbubuntis ang nakararanas na maputukan ng panubigan bago ang aktuwal na panganganak. Bagama’t isa ito sa pinakakonkretong senyales na manganganak na ang buntis, hindi na ito dapat pang hintaying mangyari bago magtungo sa hospital o magpatawag ng komadrona para manganak.

Mga dapat isaalang-alang ng buntis na malapit nang manganak

Malayo pa o nasa panahon na ng iyong kabuwanan, mahalagang naoobserbahan sa sarili ang mga nabanggit na senyales nang nalalapit na panganganak upang mapanatiling ligtas ang ina at ang bata mula sa mga hindi inaasahang pangyayari.

  1. Tandaang ilan sa mga senyales ng pagle-labor ang paghilab ng tiyan nang may sampu hanggang dalawampung minutong pagitan, at may kaakibat na mas matinding sakit sa paghilab.
  2. Magkakaiba ang bawat nagdadalang-tao sa isa’t isa. Ang mga naranasan ng iyong kaibigang dati nang nagbuntis ay hindi eksaktong mararanasan mo rin lahat, lalo na ang karanasan sa panganganak.
  3. Mahalagang nakikilala ang sarili, mula sa unang araw na nalaman ang iyong pagdadalang-tao hanggang sa panahong naghihintay na lamang ng paglabas ni baby mula sa iyo. Dahil nakasalalay sa maayos na pagsusuri ng mga pagbabago sa sarili ang ligtas na kahandaan sa panganganak.
  4. Ituring na kaibigan ang iyong doktor. Ibahagi ang lahat ng mga pagbabagong nararanasan sa iyong ob-gyn. Kung may mga tanong at alinlangan, huwag mangimi o matakot na magtanong. Dahil susi pa rin ito sa iyong kapanatagan at pag-iwas sa pag-iisip ng kung ano-ano.
9 signs na malapit nang manganak ang buntis

Sign na malapit na manganak | Image from Shutterstock

Mga gulay na dapat kainin ng buntis at iba pang pagkain na masustansiya

Ang mga pagkain na ito ay mayaman sa folic acid na para sa buntis.

1. Madahon at berdeng gulay

Ang mga gulay na dapat kainin ng buntis dahil ito ay mayaman sa folic acid o folate ay ang mga madahon at maberdeng gulay tulad ng spinach, lettuce at talbos ng kamoteng baging. Ang pagkain ng isang plato ng mga gulay na ito ay sapat na para matustusan ang kailangang folate ng isang tao sa isang buong araw. Maliban sa folic acid nagtataglay din ang mga maberdeng gulay ng fiber, iron, magnesium, potassium at calcium.

2. Asparagus

Magandang source din ng folic acid ang masarap na gulay na asparagus. Ang pagkain ng isang tasang nilagang asparagus ay katumbas ng 262 micrograms (mcg) ng folic acid na halos 65% na ng kailangang folic acid ng isang tao sa isang araw. Maliban sa folic acid mayaman din sa ibang nutrients ang asparagus tulad ng vitamin K, vitamin C, vitamin A at manganese.

3. Broccoli

Ang broccoli ay isa rin sa mga pagkaing mayaman sa folic acid. Ang isang tasang brocolli ay nagbibigay ng 26% na folic acid na kailangan ng katawan sa isang araw. Maaring kainin ito ng hilaw o bahagya lamang na pinakuluan. Magandang source din ito ng vitamin K at C na tumutulong sa pagbuo ng buto at mga tissues sa ating katawan.

4. Citrus Fruits

Ang mga citrus fruits tulad ng dalandan at oranges ay mayaman din sa folic acid. Ang isang buong orange nga ay nagtataglay na ng 50mcg nito. Mayaman din ito sa iba pang nutrients tulad ng potassium, folate, calcium, vitamin B6 at vitamin C. Samantala, ang ibang prutas naman na mayaman din sa folic acid ay ang papaya, ubas, mangga, saging, at strawberry.

5. Beans, Peas, at Lentils

Ang mga beans at butil rin ay magandang source ng folic acid. Ilan nga sa mga halimbawa nito ay ang monggo, patani at green peas. Ang pagkain ng isang mangkok ng mga ito ay sapat na upang matustusan ang kailangang folate ng iyong katawan sa isang araw.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Ana Isabel Manalang

  • Home
  • /
  • Becoming a Parent
  • /
  • 9 signs na malapit nang manganak ang buntis
Share:
•••
Article Stories
  • Buntis na manganganak na, pinalipat diumano ng ospital at tinanggihan daw ihatid ng ambulansya

    Buntis na manganganak na, pinalipat diumano ng ospital at tinanggihan daw ihatid ng ambulansya

  • 7 Senyales na hindi ka pagtataksilan ni mister

    7 Senyales na hindi ka pagtataksilan ni mister

  • Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."

    Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

app info
get app banner
  • Buntis na manganganak na, pinalipat diumano ng ospital at tinanggihan daw ihatid ng ambulansya

    Buntis na manganganak na, pinalipat diumano ng ospital at tinanggihan daw ihatid ng ambulansya

  • 7 Senyales na hindi ka pagtataksilan ni mister

    7 Senyales na hindi ka pagtataksilan ni mister

  • Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."

    Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • Community
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
  • Edad at Yugto
  • Pagiging Magulang
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • Press Room
  • Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

Appstore
  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app