TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Sinigang na Hipon: Ang perfect comfort food ng mga seafood lover

4 min read
Sinigang na Hipon: Ang perfect comfort food ng mga seafood lover

Asim kilig at manamis-namis na Sinigang na Hipon na perfect para sa mga seafood lovers

Tuwing dumarating ang panahon ng tag-ulan hindi kaila sa ating mga Pinoy ang mag-crave ng mainit na sabaw. Sabaw na siyang nagbibigay ng hindi lang init, kundi maging nang sarap sa bawat paghigop.

Nariyan ang paborito nating ulam tulad ng nilaga ng mga Katagalugan, bulalo ng Batangas, Papaitan ng Ilokos, at Balbacua ng Davao. Kung pasarapan ng din ng sabaw ang pag-uusapan, hindi papahuli ang paborito nating Sinigang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap sa pagluluto ng Sinigang na Hipon
  • Paraan ng pagluluto sa Sinigang na Hipon

Asim kilig na Sinigang na Hipon para sa Seafood lovers

Ang sinigang ay binubuo ng karne o seafood na nilalagyan ng pampaasim katulad ng sampalok, kamias, manggang hilaw, kalamansi, at iba pa. Nilalagyan din ito ng gulay na lalong nagbibigay rito ng linamnam tulad ng gabi, kangkong, sitaw, labanos, okra, at iba pa. 

Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ang nakaimbento ng dish na ito, dahil sa dami ng mga pampaasim na makukuha mula sa iba’t ibang lugar sa bansa. Maituturing nga umano itong pambansang ulam dahil bukod sa kilala sa buong bansa, marami na rin ang iba’t ibang version ng sinigang ang niluluto gamit ang mga sangkap na matatagpuan sa kanilang mga lugar. 

sinigang na hipon

Larawan mula sa iStock

Sampalok ang gamit na pampaasim ng karaniwang Pilipino dahil ito’y tumutubo sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Batuan o batwan naman ang gamit ng mga taga Visayas at Mindanao. Hinog na bayabas naman ang kilala sa Pampanga. 

Iba’t ibang paraan din ang pagluluto ng sinigang. May ginigisa muna, nilalagang diretso sa tubig, o papakuluan muna ang pangunahing sangkap na karne o seafood. Ang pinakakilalang sinigang na ginagamitan ng seafood ngayon ay ang Sinigang na Hipon.

Ang hipon ay isa seafood na paborito nating mga Pinoy. Hindi lamang dahil sa manamis-namis nitong lasa, dahil na rin sagana ang ating likas na yaman dito. Dito sa Pilipinas, iba’t ibang klase ng hipon ang mabibili sa palengke, may tiger prawn o iyong may stripe na black sa katawan, suahe o iyong maputing klase, ulang na may malaking ulo na makikita sa mga tubig tabang, at marami pang iba. 

Sa pagluluto ng Sinigang na Hipon, mas mainam na igisa muna ang mga sangkap bago pakuluan para mawala ang lansa ng hipon na gagamitin. 

 

Mga Sangkap sa Pagluluto ng Sinigang na Hipon:

sinigang na hipon

Larawan mula sa iStock

  • Hipon (Prawn Tiger o Suahe)
  • 2 pirasong sibuyas na malalaki
  • 5-6 piraso ng katamtamang laki ng kamatis
  • 1 katamtamang laki ng luya
  • 10 pirasong kamias o sampalok na hilaw
  • 6 na pirasong okra
  • 1 malaking labanos
  • 1 tali ng talbos ng kamote
  • 4 pirasong siling berde
  • Patis
  • Tubig

BASAHIN:

Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

Pork Sisig Recipe: Pina-healthy ang classic Kapampangan dish 

Paraan ng Pagluluto ng Sinigang na Hipon:

sinigang na hipon

Larawan mula sa iStock

  1. Linisan ang mga Hipon. Alisin ang mga bituka gamit ang toothpick. Gupitin ang matulis na parte ng ulo at tanggalin ang dalawang strand na mahaba sa bandang ulunan. Hugasan sa asin ng dalawang beses.
  2. Hiwain ang luya ng pahaba. Hiwain rin ang sibuyas at kamatis ng katamtamang laki. Isunod na balatan at hiwain ang labanos ng ½ sentimetro ang kapal. Hiwain na rin ang okra pa-slant na may 1 inch na laki. 
  3. Ilagay sa blender ang kamias na may ½ tasang tubig. Kung gagamit ng sampalok, pakuluan ang mga bunga hanggang sa lumambot at salain ang katas nito.
  4. Hugasang maigi ang  talbos ng kamote at alisan ng dahon.
  5. Sa isang kaserola, maglagay ng dalawang kutsarang mantika, igisa ang sibuyas. Kapag translucent na, ilagay ang luya. Isunod ang kamatis. Hayaang lumabas ang mga aroma ng mga ginigisa.
  6. Ilagay na ang nalinisang mga hipon. Lutuin ng 5 minuto upang maalis ang lansa. 
  7. Isunod na ilagay ang pampaasim na kamias o sampalok. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo.
  8. Kapag kumukulo na, timplahan ng patis ng naaayon sa panlasa.
  9. Ilagay ang labanos at okra. Pakukuan muli ng 3 minuto. 
  10. Pagkatapos kumulo, ilagay ang natitirang sangkap na talbos ng kamote at siling berde. Pakuluan muli ng dalawang minuto. 
  11. Ihain habang mainit. Ipartner ang sawsawang patis na may sili.

Sa matataas ang cholesterol level ng katawan, hinay hinay lang sa pagkonsumo ng hipon. Maaring kumain ng 2-3 piraso ng katamtamang laki ng hipon. Maaring tumaas ang blood pressure kung mapapasobra ang kain.

 

Partner Stories
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marisol Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Sinigang na Hipon: Ang perfect comfort food ng mga seafood lover
Share:
  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko