Sakit sa bato o kidney stones: Sanhi, sintomas, at lunas

lead image

Mga sintomas at sanhi ng sakit na bato na dapat mong malaman.

Ang mga sintomas ng sakit sa bato minsan ay hindi mo agad mararamdaman. Ngunit mahalagang ito ay iyong malaman para agad na maagapan at malunasan.

Ano ang kidney stones?

Ang kidney stones ay sakit sa bato na nagdudulot ng hirap at sakit sa pag-ihi. Ito ay ang pagkakaroon ng “bato sa loob ng bato” na lumalaki at kayang sakupin ang iyong kidney. Gawa ito sa hard collections ng minerals at salts na binubuo ng calcium o uric acid. Nabubuo ito sa loob ng kidney at maaring mag-travel papunta sa iba pang parte ng urinary tract.

Kapag hindi naagapan, ang mga kidney stones ay magdudulot ng komplikasyon sa kidney at maaring kailanganin na ng surgery para malunasan.

Kaya naman importanteng malaman ang sintomas ng sakit sa bato o kidney stones para hindi na ito lumala at agad na malunasan.

sintomas ng sakit sa bato

Image from Freepik

Sintomas ng sakit sa bato o kidney stones

  • Sobrang pananalit sa tagiliran at likod, pati sa ibabang bahagi ng ribs
  • Sakit na umaabot sa ibaba ng tiyan at singit
  • Hirap at sakit sa pag-ihi
  • Sakit na pasumpong-sumpong at mas lumalakas
  • Kulay pink, pula o brown sa ihi
  • Cloudy o foul-smelling na ihi
  • Pagsusuka at pagduduwal
  • Madalas na pag-ihi
  • Pag-ihi na hindi katulad ng usual na ginagawa
  • Lagnat at pangangatog
  • Pag-ihi ng konti

Ang sakit na dulot ng kidney stones ay pabago-bago. At ito ay maaring lumipat sa iba’t-ibang lokasyon sa iyong urinary tract.

Kung makaranas ng sintomas ng sakit sa bato ay agad na magpunta sa doktor lalo na kung maramdaman pa ang sumusunod na palatandaan:

  • Sobrang pananakit na hindi muna kayang maupo o makahanap ng komportableng posisyon
  • Pananakit na sinasabayan ng pagsusuka o pagduduwal
  • Pananakit na may kasamang lagnat at panginginig
  • Dugo sa ihi
  • Hirap sa pag-ihi

Ang pagkakaroon ng kidney stones ay dulot ng iba’t-ibang dahilan ngunit mas tumataas ang tiyansang magkaroon nito dahil sa sumusunod:

Risk factors ng pagkakaroon ng sakit sa bato

Family o personal history

Kung mayroong isa sa inyong pamilya ang nagkaroon ng kidney stones ay malaki ang tiyansang magkaroon ka rin nito. Ganoon din kung nagkaroon ka na ng kidney stones bagamat natanggal o nawala na ay maari parin itong bumalik.

Dehydration

Ang pag-inom ng hindi sapat na dami ng tubig sa isang araw ay mas nagpapataas ng tiyansa mong makaramdam ng sintomas ng sakit sa bato.

Lalo na ang mga nakatira sa maiinit na lugar at nagpapawis ng sobra ay mas mataas ang tiyansang magkaroon nito.

Certain diets

Ang pagkain ng mga pagkain may mataas na protein, salt, sodium at sugar ay nagpapataas rin ng tiyansa ng pagkaroon ng sakit sa bato.

Dahil ang mga maaalat na pagkain, halimbawa ay nagpapataas ng amount ng calcium sa kidney na bumubuo naman sa kidney stones.

Being obese

Ang pagiging obese o pagkaroon ng mataas na BMI o mass index ay naiuugnay rin sa pagkakaroon ng kidney stones.

Digestive diseases at surgery

Ang pagsailalim sa mga gastric bypass surgery at pagkakaroon ng inflammatory bowel disease o chronic diarrhea ay nagdudulot ng pagbabago sa digestive process ng isang tao. Ito ay nakakaapekto naman sa absorption ng calcium at water ng katawan na nagpapataas ng level ng stone-forming substance sa ihi.

Iba pang medical conditions

May mga medical conditons din ang maaring magpapadagdag ng tiyansa mong makaramdam ng sintomas ng sakit sa bato. Ilan sa mga ito ay ang renal tubular acidosis, cystinuria, hyperparathyroidism at iba pang urinary tract infections.

 

Source: Healthline, Mayo Clinic
Photo: Freepik

Basahin: Is it possible for infants and children to have kidney stones?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner